Chapter 14

2.3K 128 94
                                    

Chapter 14 : Newbie

Dedicated to: Henaxx

Phoenix POV

Papasikat palang ang araw ay naghanda na kami ni Ikumi sa pagpasok daw sa school.


"Ano kayang itsura nun? Ang saya sigurong mag-aral." bulong ko sa sarili ko. Ang bait naman ni master, sasamahan pa nya 'ko.

"Tara na Phoenix para mabilis tayong matapos sa pag-eenroll." Pagyaya ni Ikumi sa akin. At kaagad akong sumunod.

***************

Pagdating sa paaralan ..

Pumila kami kung saan-saan at kinaka-usap nya yung ibang tao, at binigyan nya ito ng pera. Habang ako naman, binubusog ko ang aking paningin sa malawak nilang school. 

"Ah! Ito pala ang paaralan. Ang ganda. Pwede kang tumambling sa sobrang lawak nito." mangha ko pang sabi. o__o

***************

At pagkaraan ng isang oras ...

"Phoenix, enrolled ka na rito. Bagong studyante ka na nitong Dandelion Academy." galak nyang tugon sa akin.

"Talaga? YES! Magka-klase ba tayo Ikumi?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Tara na pasok na tayo. Malapit na mag-bell!" pagyaya nya sa akin at mamaya'y hinigit nya ang braso ko.

Habang naglalakad kami sa hallway ay panay ang malalagkit na tingin sa amin ng ibang studyante. At mga nagbubulungan pa. Maya-maya'y narinig ko ang pangalan ko. Teka pa'no nila nalaman yun e 'di ko naman sila kilala?

"Ang gwapo naman ng kasama ni Ikumi, sino kaya yun?" Usisa ng isang babae sa kasama nya.

"Ang pagkaka-alam ko, yan si Phoenix McCauley. Transferee sya rito sa school natin. Ang sosyal ng pangalan nya di ba? Tunog mayaman." Sambit naman ng isang babae.

"Akin ka na lang Phoenix! Ang gwapo mo. Aaaaaaaaaah!" tili samin ng isang stranger girl. Ayoko sa kanila. Ang arte. Isa lang ang gusto ko, at si Ikumi lang 'yon.

Napatingin sakin si Ikumi.
Ang cute niya talaga. Ang simple lang pumorma pero lumalabas pa rin ang kagandahan n'ya.

"Wag mo nalang pansinin yun. Walang magawa yung mga taong ganun." payo ni Ikumi sa akin. Kahit di mo na sabihin e talagang wala akong oras sa mga yun. Kung sayo pa baka 24 oras ang ilaan ko.

"Oo master." sabi ko na lang.

Sinusulyapan ko lang siya habang naglalakad kami.

Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)Onde histórias criam vida. Descubra agora