Chapter 35

1K 54 90
                                    

Chapter 35: #5 Draw

Dedicated to: ynah_army

Zaffrina's POV

Kinagabihan...

Pagkatapos kong maghapunan ay dumiretso agad ako sa kwarto ko at dali-dali kong kinuha ang aking bag at inilabas ang mahiwagang pen na pagmamay-ari ko na ngayon.

"Ngayon ko masusubukan kung talagang gumagana ka!" Pagka-usap ko pa sa pen na waring may buhay ito.

Ilang oras akong nakatulala at nag-iisip ng magandang iguguhit ko na dapat ay mapakinabangan ko.

"AHA! TAMA!


Mula sa bag ay kumuha ako ng isang notebook at nagsimula na 'kong mag-drawing. At pagkalipas lang ng ilang minuto..

"NGE! Ano 'to? Akala ko ba gaganda raw ang anumang iguguhit ko pero bakit parang kinahig 'to ng manok? Ano ba yan! Kasing pangit ni Ikumi. Pinagloloko lang ata ako ng bruhang yun." Dismayado kong sagot sa sarili ko. 


Naku-curious ka na ba sa iginuhit ko? Haha maski ako rin e. O sige, sasabihin ko na. Ang drawing ko nga pala ay..

mga Pera. Kahit sino naman siguro sa'tin ay gustong yumaman at magkaroon ng napakaraming pera. Hipokrito nalang ang 'di sasang-ayon sa sinabi ko.


Maya-maya'y bigla nalang gumanda ang iginuhit ko.

"WOAH! Gumanda nga. Ang tanong, magiging tunay ka kayang salapi?" Bulong ko sa papel na hawak ko.

At bigla nalang pinalibutan ng liwanag ang buong kwarto ko. Parang may nakatutok na napakaraming
spotlight sa akin.


Ilang minuto rin ang itinagal ng matinding liwanag na yun. At nang mawala na ito'y..

"ANG GALING! TOTOO NGA! AHH! Mayaman na ako!" galak na galak kong sigaw dito habang pinaghahagis ko sa ere ang sangkatutak kong pera

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"ANG GALING! TOTOO NGA! AHH! Mayaman na ako!" galak na galak kong sigaw dito habang pinaghahagis ko sa ere ang sangkatutak kong pera. 


Kumuha ako ng attaché case at inilagay ko lahat doon ang pera ko.

"Ano kayang gagawin ko sa limpak-limpak kong mga salapi? Tama! Magsho-shopping ako bukas at kakain sa iba't-ibang restaurants. Hahaha, ang sarap talagang maging mayaman."

Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)Where stories live. Discover now