Chapter 49

1.9K 53 263
                                    

Chapter 49: Is this Real?

Dedicated to: moonstar_262002

Ikumi's POV


At paglingon ko...

"OMG! Totoo ba 'tong nakikita ko?" Naguguluhang bulong ko sa aking sarili.

Sa sobrang pagkabigla ko'y nabitawan ko lahat ng mga pinamili ko.

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko
at maka-ilang beses din akong
kumurap-kurap dahil baka mamaya'y namamalik-mata lamang ako.

At pagmulat ko...ay nanatili pa ring nakatayo mula sa malayo ang taong pinagmamasdan ko ngayon.

"P-Phoenix...i-ikaw ba t-talaga 'yan?" Naguguluhan ko pang sambit.

"Oo. Ako lang naman ang sweetie mo hindi ba?" Rinig kong sagot ng isang pamilyar na boses sa akin. "There's always that one person that will always have your heart."

Dahil dito'y napatakbo ako sa kaniyang pwesto kahit na maraming nagkukumpulang tao ang nakaharang sa amin ngayon at agad ko siyang niyakap ng sobrang higpit.


Ni sa hinagap ko'y di ko akalaing mangyayari itong muli.


"You never see it coming 'cause you're blinded from the start."

At ilang minuto pa'y bumitaw muna kami sa bisig ng bawat isa at agad kong tinitigan ang nangungusap niyang mga mata.

"A-anong ginagawa m-mo rito? P-paano ka n-nakabalik ng g-gano'n-gano'n nalang? S-sabi ng d-diwata at ang buong a-akala ko'y---" utal at sunod-sunod kong tanong kay Phoenix.

Ngunit naputol ang pagtatanong ko nang bigla siyang magsalita.

"Ang buong akala mo'y hindi na ako makababalik pa sweetie ko? 'Yon ba ang nais mong itanong sa'kin?" Turan niya sa akin. Then he also stared at me as he brushed my hair using his bare right hand. "Sa totoo lang, iyon din ang akala ko...akala ko, hindi na kita makikita't makakasama pa. Akala ko, huli na ang lahat para sa ating dalawa."

"Sweetie..." iyan lang ang tanging salitang namutawi ngayon sa aking labi. I should be happy right now but I can't. Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari.


"Know that you're that one for me, it's clear for everyone to see
Oh sweetie..." At sa pangalawang pagkakatao'y muli niya akong inalayan ng isang magandang awitin.
"That you will always be my girl."

"Ang sabi ng diwata'y gumawa siya ng paraan upang makabalik ako rito Ikumi...ginamit niya ang kaniyang mahika para maibalik ako sa'yo." At nananatili pa rin sa akin ang kaniyang paningin. "Hindi maatim ni Ms. Snow ang labis mong pagdadalamhati sa pagkawala ko gayong napaka-buti mo sa kaniya at sa lahat ng tao. Kaya heto ako ngayon, nakikita't nayayakap mo."

Mahabang paliwanag pa nito sa akin.

"I missed you so badly my princess!" bulong ni Phoenix sa kanang tainga ko. Dahil sa paraang ginawa niya'y tila may malakas na boltahe ng kuryente ang dumaloy sa akin. Then he gave me his sweetest smile. Gosh, nakatutunaw 'yang ngiti mo!

Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)Where stories live. Discover now