Chapter 44

1.1K 51 156
                                    

Chapter 44: Truth

Ikumi's POV


"Sigurado ka ba sa sinasabi mo miss?" Muli kong tanong dito.

"Oo." Tipid niyang saad sa akin.

Parang may mali talaga e. Nang makuntento na 'ko sa sagot niya'y...


Binilisan ko na ang aking paglalakad. Kailangang sa kaniya ko mismo marinig ang katotohanan.

Kilala ko si Zaffrina, hindi siya magaling magtago ng sikreto sa'min, lalo na sa akin. I knew her so well but I never imagine that she can do everything just for the sake of love.
Hindi ko alam na ayos lang sa kaniya ang anomang bagay na nais niyang gawin kahit pa nakasasakit na siya ng ibang tao.

Kung tutuusin, hindi naman ako iba sa kanya ah! Gosh, can't she realized that I'm her bestfriend? Well maybe I take no as her answer. Nang dahil sa lalaki ay kinain na siya ng kasamaan niya. Haaaaays... But one day, I'm still hoping that we could bring back the same gestures and friendship before. 'Yong puro kwentuhan at tawanan lang.

"Zaff, ang bilis mo namang sumuko! Umpisa palang ng laban sa ngalan ng pagkakaibigan natin ay bumitaw ka na agad. Dali-dali mong iwinagayway ang puting bandera mo. Akala ko ba bebest forever?" At nalungkot lang ako sa isiping 'yon.

****

Hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng silid-aralan namin dahil lumilipad ang isip ko.

At dire-diretso lang ako sa pagpasok.

Nang matanaw ko na ang babaeng pakay ko ay agad akong lumapit dito.

"Zaff, mag-usap nga tayo!" Mahinahon kong saad sa kaniya sabay hila sa kaniyang braso palabas ng room.

"Hays... Ikaw na naman loser? What's the matter again? Ano bang problema mo ha, maliban diyan sa pagmumukha mo?" Reklamo niya sa'kin sabay bawi ng kaniyang braso. At umandar na naman ang kaniyang kamalditahan. Hay naku! Kung wala lang talaga akong kailangan sa'yo, 'di ako mag-aaksaya ng oras sa mga taong katulad mo.

"Totoo ba? Totoo bang marami kang magaganda at mamahaling mga bag ha Zaff? SUMAGOT KA!" Diretso kong tanong sa kaniya.

"Huh! Tingnan mo nga naman. Hindi ko alam na chismosa at inggitera ka na pala ngayon! Yes dear, it's true. I have a lots of luxury bags. Do you want to see it? Oh! I'm afraid it's for my gorgeous eyes only. Sorry bitch!" Sagot naman ni Zaff sa'kin. Hindi ka na talaga nadala! Kumukulo na ang dugo ko sa babaeng 'to. Pigilan n'yo 'ko!

Huminga muna ako ng malalim bago ako muling nagsalita.

"Paano ka nakabili ng lahat ng 'yon, e hindi ka naman mayaman?"

"It's none of your business!" Pag-iinarte pa niyang tugon sa akin. Aba, gusto n'ya yata makatikim ulit ng isang sampal, baka sakaling matauhan.

"Hindi e, IMPOSIBLE! Imposibleng makabili ka ng gano'ng kamahal na bagay. Dalawa lang 'yan, it's either nagnakaw ka o... O kaya'y...Oh my gosh! Ikaw ang kumuha ng pen ko!" At tila naliwanagan din ako. Tama! Baka nga tama sila. Sana noong una palang ay nakinig na 'ko kay Phony at Kenneth. Ginawa ba niya talaga 'yon?

Mataman lang akong nakatitig sa kaniya ngayon. Paano? Paano niya 'to nagawa sa'kin? All this time pinagmukha niya kaming tanga!

"What's with that glare? Pwede ba, tigilan mo 'ko sa pagbibintang mo Ikumi, okay? And for the damn last time, I didn't steal your pen! Did you get it bitch, o baka naman gusto mo pang i-tagalog at ipaliwanag ko sayo para mas lalo mong maintindihan? Ang katangahan, iniiwan sa bahay, hindi dinadala rito sa school, okay?" Mahabang paliwanag niya sa'kin.

"Kung bitch ang tinutukoy mo, well it more suits you." At maya-maya'y napa-tingin ako sa kamay niya. Wait, parang pamilyar 'to sa'kin. OH MY!
"Hoy Zaff, ano 'yang hawak mo? Tama! 'YAN NGA! Iyan nga ang nawawala kong magic pen! Saan mo nakuha 'to? AKIN 'TO AH!"

At pagkatapos ay pilit kong hinahablot ang pen sa kaniya.

"AH! ANO BA?! IKAW LANG BA ANG MAYRO'N NITO HA? 'WAG KANG NAGBIBINTANG DIYAN LALO NA KUNG WALA KA NAMANG SAPAT NA EBIDENSIYA!" Singhal niya sa'kin. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng 'to! Aba, siya pa talaga ang may ganang magalit? Samantalang huling-huli na siya.

"Bakit hindi mo ipakita sa'kin kung talagang sayo 'yan ha?" Hamon ko sa kaniya. At maya-maya'y natigilan siya.

"H-hindi n-nga sabi s-sa-sayo 'to! Sa akin ang pen na ito. Lahat nalang ng makita mo, feeling mo sayo na agad! HOW DARE YOU!" Wika niya sa'kin habang nanginginig ang kaniyang tinig at pagkaraa'y muling nag-matapang.

"Talaga ba? E bakit parang kinakabahan ka? Alam mo, masyado kang obvious. Kaya nahuhuli ka! Umamin ka na! Kinuha mo 'yan sa'kin, tama ba 'ko Zaffrina?" Muli kong tanong sa kaniya.

Ilang segundo pa'y bigla nalang siyang tumawa. Hala, anong nangyayari rito? Mukhang nasisiraan na ng bait.

"Fine. Ako nga! Ako nga ang kumuha nito sayo my dear bebest, HAPPY?" Pag-amin niya.

"AKIN NA 'YAN ZAFF!" Sigaw ko sa kaniya sabay kuha ng pen ko. Ngunit hindi siya nagpatalo, pilit niya itong inilalayo sa'kin. Itinaas pa niya ang kaliwang braso niya para hindi ko ito maabot at makuha sa kaniya. Bruhang 'to, wala akong laban sa kaniya dahil masyado siyang matangkad.

"Hahaha. Ano na? Kunin mo na, dwende!" Pang-aasar pa niya sa'kin. Talaga naman!

"Bwiset ka!"

"You should be, 'cause I'm your gorgeous nightmare!" Hirit pa niya sa'kin.

"Oo. Buti inamin mo! Tama ka, isa kang bangungot. Naging bangungot ang buhay ko simula nang naging kaibigan kita! Mabuti at hindi na ngayon! At wala akong alam na may gorgeous nightmare. Kaya nga bangungot e! Hello, mag-isip ka nga!" Pabalik kong pang-iinsulto sa kaniya.

"WHAT?! Okay, gusto mo 'tong makuha 'di ba? O edi 'yan, KUNIN MO!" At ilang saglit pa'y inihagis ni Zaffrina ang pen sa malayo. Manghang naka-tingin ako sa gamit ko na nalaglag pababa ng building.


Sinamaan ko siya ng tingin at
maya-maya pa'y...

A/N:
Til the next update Pentastic's.
Sayounara! o(^▽^)o

Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)Where stories live. Discover now