Chapter 38

1K 50 150
                                    

Chapter 38: Ikumi Version 2.0

Dedicated to: MissJeon355

Ikumi's POV

Lumabas kami ng classroom at inalalayan ako ni Phony patungo sa clinic. Medyo napasama ang pagkakabagsak ko kanina sanhi ng pagkakatulak sakin ni P-Phoenix kaya kailangan ko 'tong ipatingin sa clinic. Iniinda ko ngayon ang tagiliran at mga binti ko.

****

Sa loob ng clinic..

"Miss, may sprain ka sa binti mo. Mabuti nalang at hindi malala ang lagay mo. Ilang araw na pahinga lang ang kakailangin at gagaling din ito. Ano bang nangyari sayo?" Paliwanag at usisa sakin ng isang nurse.

"Nadulas lang po." Pagsisinungaling ko rito.

"Anong nadulas? Ang sabihin mo, talagang may tumulak sayo. Kalalaking tao, literal na nananakit ng babae. Naku ulitin pa niya yun, mata niya lang ang walang latay sakin!" Pagbabanta pa ni bebest Persephone.

"Pasensya na nurse, hindi po totoo ang mga sinabi nitong kaibigan ko. Gutom lang yan kaya kung anu-ano na ang mga naiisip niya." Pagpapalusot ko sa kaharap naming babae. Ang daldal talaga ni bebest kahit kailan. At napa-iling nalang ako sa mga sinabi nya.

"Uy bebest, ano ba yang mga pinagsasabi mo? Nakakahiya ka." Pasimpleng bulong ko sa kanya sabay kurot sa tagiliran niya na syang dahilan para..

"AAAAAAAAAAAH! Wag mo nalang pala pansinin yung sinabi ko kanina nurse, haha imagination ko lang yun." At pagkatapos ay binigyan niya lang ito ng isang magandang ngiti. Haha masunurin ka naman pala bebest e.

"Ah ganun ba iha? Pwede ka munang magpahinga rito miss o pwede ka na rin namang lumabas kung gusto niyo basta mag-ingat ka na sa susunod ha? Tawagin nyo nalang ako kung may kailangan pa kayo. Maiwan ko muna kayo." Bilin pa niya sa amin.

"Opo. Salamat po nurse." Pagkatapos ay pumasok na siya sa isa pang silid.
At naiwan kaming dalawa ni bebest dito.

"Bebest narinig mo yun? Mag-ingat ka na raw sa susunod. Kung mas maaga sana akong naka-pasok, hindi sana 'to mangyayari sayo." Malungkot niyang wika sa akin. Kaya love na love ko 'tong bestfriend ko.

"Bebest Phony, wala kang kasalanan okay? Walang may gusto sa nangyari." Pagpapalubag-loob ko pa sa kanya.

"Anong wala? MERON! Yung traydor na si Zaff at ang mismong tumulak sayo, si Phoenix!" Inis na inis nyang sagot sakin. At tila may kumirot sa puso ko nang muli kong marinig ang pangalang iyon. Ang pangalang nanloko at siyang pinaniwala lang ako sa mga matatamis niyang salita at kaagad ding nauwi ang Lahat sa WALA. Tama sila, nothing lasts Forever! Ang tao nga namamatay, yung feelings pa kaya niya para sayo. Psh!

"Bebest, ayoko muna silang pag-usapan." Nasabi ko nalang.

"Sorry bebest ko. Ayos ka lang ba?"
At maya-maya'y pinisil niya ang kanang kamay ko.

Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon