Chapter 24

1.5K 80 102
                                    

Chapter 24: LOVE is in the Air ❤

Dedicated to: YerbuaYef13

Phoenix's POV


Dapit-hapon na ng maka-uwi kami
ni Ikumi. Kinabukasan ..

Maaga kaming bumyahe ni master patungo sa Dandelion Academy. At
sumakay kaming muli sa jeep.
At habang nasa byahe..


"HAAAAAAAAY!" Malakas na paghihikab ni Ikumi sabay takip sa bibig nya.

"Inaantok ka pa master Ikumi ko?"
Agad kong tanong sa kanya.

"Oo kulet." tipid nyang sagot sa akin.

"Idlip ka muna rito o. Sa balikat ko." Suhestiyon ko sa kanya sabay tapik sa kaliwang balikat ko.

" 'Di na. Nakakahiya Phoenix!" Mariing tanggi nya sakin.


"Sige na! Wag ka nang mahiya, master naman kita Ikumi. At isa pa, magkaibigan naman tayo di ba?" Pagpupumilit ko pa sabay ngiti sa kanya.

"Wag na nga Mr. Kulet! Baka mamaya .." sambit nya sakin at pagkaraa'y bigla syang natigilan.


"Baka mamaya ano master?"

"Baka mamaya..pagk-kamalan pa nilang b-boyfriend k-kita. Mahirap na!" Nahihiya nyang pag-amin sakin sabay iwas ng kanyang tingin. Teka,  bakit namumula sya? Totoo ba ito?
Si master sunget, nauutal?

"O anong masama dun master?
I like you. Alam mo yun." Dagdag ko pa.

"Masamang-masama Phoenix, okay?! Baka mamaya may makasabay tayong kapit-bahay namin, baka akalaing boyfriend kita kapag naka-tulog ako sa balikat mo kahit Hindi naman talaga. At ang mas malala pa, baka isumbong pa ko kay mommy dahil sa isang chismis. Naku, malilintikan ako." Mahinahong paliwanag nya sakin.

"Hindi na ba talaga kita mapipilit pa master?" Muling pangungulit ko sa kanya. Gusto ko sana, maayos syang maka-tulog dito sa jeep. Kahit sandali lang.

"Haha, oo. Wag na Phoenix! Di mo na 'ko mapipilit kasi di na magbabago ang isip ko. Thanks nalang sa concern mo friend!" Natatawa nyang wika sakin sabay pisil ng kaliwang pisngi ko.


Dug dug. Dug dug..

Sa mga oras na 'to, nakatitig lang
ako sa kanya. Ang ganda nya..lalo na kapag naka-ngiti sya.. Haaaaaay.  o__o

Pagkatapos naming mag-usap ay umayos na sya ng pagkaka-upo,  sumandal syang mabuti at
maya-maya'y pumikit na.

Ilang sandali pa'y nanahimik na sya.
Naka-tulog na siguro.

"Ang bilis namang maka-tulog ni master! Haha. Antuking masunget." galak kong sabi sa kanya kahit na alam kong di nya ko naririnig ngayon.

Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)Where stories live. Discover now