CHAPTER 1

517 9 1
                                    

Chapter 1

Bang!!.. bang!!..

Sunod-sunod ang kumakawalang bala ng sniper t'wing kinakalabit ko ang gatilyu tungo sa mga zombieng nakahilera.

'Di pa sila nakakagalaw ay natatamaan ko agad sila.

Sa ulo, sa mata, sa sentro ng nuo, sa bibig at sa nakalawit na dila.

Bang!! bang!! bang!!...

Sunod-sunod din ang pagkatumba ng mga zombieng pinupuntirya ko.

Ibinaba ko ang sniper ko, ngiting-ngiti akong umikot sa paligid, feeling ko isa akong Action star na artista, pinapalak-pakan at sinisigawan ng mga tao sa paligid.

Ang sarap sigurong mamuhay sa larangan kung saan maipapakita mo ang iyung kakayahan o talento, at ito siguro ang talento ko, ang natatanging galing sa pag-asinta na tamaan ang bawat target.

Panalo na naman ako sa game na ito, na bawat isang bala ay isang stuff toy ang napapatumba ko.

Puwedi na raw akong isabak sa gyera, kong saan ako daw ang magiging Sniperlady nila.

Ang galing-galing mo tlaga Zonah papuri sa akin ng kaibigan kong si Wennie.

Nakuha ko naman ang kabayaran sa pusta ng ilang lalaking sinubok ang kakayahan ko.

''Mga sundalo ba naman ang mga uguk.''

"Zona, sakay tayo sa Roller coster," alok sa akin ni Winnie at Jade.

"Kayo na lang, wala akong hilig 'jan ehh, uupo na lang muna ako dito," sagot ko sa kanila.

"Hay naku, may fista nga, may perya, hndi na naman sumasabay sa atin si Zona," dinig ko kay Jade habang papalayu na sila.

papunta sa counter ng bilihan ng tiket sa roller coster na 'yan.

Iwan ko ba, ba't ang hilig-hilig ko sa gawaing panlalaki, kong tutuusin, babaeng-babae naman ako, pero astig, tigasin daw, matapang daw kasi ako, pero hindi naman ako tomboy.

Babae naman ang mga barkada ko, at likas naman ako manamet, wala naman akong nararamdaman sa mga kapwa ko babae, kundi pakikipg kaibigan lang sa ilan.

Ang hilig-hilig kong manood ng mga Action Movies, mga Adventure o Pantasya.

Kung sa Hollywood Movies, gustong-gusto ko gayahin si Tom Cruise sa mission impossible niya, talagang ang galing, p'wedi ring Brad Pit laban sa mga Zombies, ta's kong sa Pinoy Action star naman, si Jeric Raval, astig sa movie niyang Estribo gang at Bunso eh.

Isa sa pangarap ko ang maging sundalo.

Oo..

Ayaw man ito ni Kuya, pero lingid sa kaalaman niya, nag-uumpisa na akong mag apply sa training for PMA.

maging isang nurse, 'yun ang gusto ni kuya na kursong kunin ko, pero sa tuwing nasa class ako, parang inaantok lang ako, parang wala akong kagana-gana sa ganitong lecture.

Parang hindi ito ang Proffesion ko, ang gusto ko kasi humawak ng baril, makipaghabulan sa mga magnanakaw, makipag-gyera sa mga grupo ng Rebelde, gusto kong maging Jero, at gusto ko magaya kay kuya na isang matapang na sundalo.

Mataman lang akong nanonood sa paligid, sa mga taong nagsasaya sa loob ng Peryahang ito.

Muli naaalala ko si Kuya.

Kahit ganito ako katapang, pagtungkol kay kuya ang hina-hina ko.

Miss na miss ko na naman siya, ilang buwan na ang lumipas, hndi pa rin siya umuuwi mula sa mission nila.

Ni hindi nakakatawag kasi mahina raw ang signal sa naasignan nilang lugar, sa isang desyerto, sa labas ng bansa, basta ewan ko kung saan exacto.

Kasi paiba-iba sila ng destinong lugar.

dapat dumating na siya tulad ng promise niya sa akin, pero naurong daw ang mission nila.

Kaya't nagpadala ng sulat sa akin na 'di muna siya makakauwi.

Mahal na mahal ko si kuya, dalawa lang kameng tunay na magkadugo, ulila kaming dalawa, anak sundalo kami pero namatay ang nanay at tatay namin sa ambush.

Ito na rin siguro ang pinakatunay na dahilan kong ba't ang hilig ko sa barilan, dahil na sa dugo na naman yata ito.

Simula noong mawalan kami ng magulang, nangako si kuya na hindi namin susundin ang Propesyon ng mga magulang namin.

Tandang-tanda ko pa, ang liit-liit ko pa, gusto akong kunin ng tiyuhin namin.
at si kuya naman ay sa iba pang kamag-anak, sa madaling salita, paghihiwalayin nila kami, pero hindi pumayag si kuya.

Nagpakalayo kaming dalawa upang 'di nila ako mailayo sa kanila, namuhay kaming magkasama, 'buti na lang magaling si kuya at laging may pinagkakakitaan upang makaraos kami sa pangaraw araw na pagkain at pangangailangan.

Hanggang sa dumating sa puntong pinasok niya ang pagsusundalo, dahil iyon lamang ang madaling paraan upang kumita ng mas maganda para sa pag-aaral ko, nakapasok siya sa training dahil marami sa kasundaluhan ay mga kaibigan at kasamahan ni Nanay ay Tatay..

ITUTULOY..

ZOMBIE AND MEWhere stories live. Discover now