CHAPTER 10

129 3 0
                                    

CHAPTER 10

Sandaling naawat ang gulong dapat sanay mangyayari sa amin dahil medyo lumayo si Mang Tonyo.

Ngunit makalipas ang ilang saglit...

Bigla na lamang niyang tinutukan ng baril si Kernel Dexter mula sa Likuran. Idinikit niya ang dulo ng Revolver sa likod ng ulo ni Kernel.

"'Di ko kayo hahayaan sa plano niyong hulihin at papasukin dito ang halimaw na 'yon,"wika ni Tonyo kay Kernel.

Habang si Jerald at Miguil ay totok na totok din ang baril nila patungo kay Tonyo.

Pero nakikisimpatya sila sa magiging disisyon ni Kernel.

"Sabihin mo sa kanilang ibaba nila ang baril nila." Mas idiniin pa ni Tonyo ang kanyang revolver sa ulo ni Kernel.

"Men! drop the guns." Utos niya sa dalawa na hinay-hinay namang sumunod.

Habang nakataas ang dalawang kamay ni Kernel.

Agad namang sininyasan ni Mang Tonyo ang dalawang lalaki, walang iba kundi si Dindo at Ramil.

Pinulot ni Dindo ang mga baril at itinali namang magkasama ni Ramil si Jerald at Miguel.

Kasunod nito'y isang malakas na hampas ng revolver sa ulo ni Kernel ang nagpawala sa kanyang ulirat.

Bagsak ito sa sahig.

At ako naman ay itinali ni Dindo. Nagpupumiglas ako, pero wala akong nagawa.

Mukang walang may balak tumulong sa amin, dahil mukang sunod-sunoran sila kay Tonyo.

Liban lang kay Mimie na umiiyak at bated kong ayaw niya ang ginawa sa amin ni Tonyo, pero hawak siya ng mahigpit ng kanyang ina.

'Di makatingin sa akin ng diritso si Lordess. Mukang nahihiya ito, pati ang dalawang babae.

Pero dama kong hindi nila ito ginusto.

"Napakasama mo!" Galit kong sigaw kay Tonyo pero ngumiti lang siya sa akin.

Nakakapaglakad pa rin si Miguel at Jerald, ngunit hinila sila ni Dindo sa kung saan.

Habag ako'y nako-cover-an ng malaking poste upang hindi ako matanaw ni Kuya.

"Lordess, 'wag na 'wag mong hayaan ang bata, baka mamaya pakawalan niya ang mga 'yon." Utos ni Tonyo.

"Ramil, ihanda mo ang sarili. Kailangan mapa-start mo ang sasakyan." Utos ni Mang Tonyo ulit.

Mukang planado na niya ang gagawin...

Muli lumapit siya sa akin, hinawakan sa balikat at hinila patayo.

Kasunod nito'y hinatak niya ako patungo sa kung saan kasama si Dindo at Elenah.

"Saan niyo ako dadalhin?" Pagpupumiglas kong wika sa kanila.

At no'ng malapit na kame sa toktok ay tumigil siya't itinulak ako kay Dindo.

"Bumibigay na ang dingding dahil sa kapated niya. Kung gusto niyong makatakas sa lugar na ito sundin niyo ang nais ko," sabi niya kay Dindo na hawak-hawak ako ngayon.

Matapos ay iniwan ako doon at nagtuloy naman si Dindo at Elena.

Mukang sa rooftop ang punta namin, pero diba nandito pa si Charlie. Alam kaya nila 'yon?

Pero 'di na ako nagsabi.

"Elina, Dindo... pakawalan niyo naman ako o. 'Wag kayong sumunod sa kasamaan niya."

"I'm sorry... pero wala kaming magagawa. Ito ang naiisip niya na paraan para makaalis kame sa lugar na ito," wika ni Dindo.

Habang si Elinah 'di magawang tumingin sa akin ng diritso.

ZOMBIE AND MEWhere stories live. Discover now