CHAPTER 9

126 4 0
                                    

CHAPTER 9

Samantala...

Patakbo si Rechard sa kung saang direksyon.

Tila mayroon s'yang hinahanap, tila may nararamdaman o naaamoy siya, O 'di kaya'y lukso ng dugo.

Kahit ganito siya, damang-dama niya ang sarili niyang kapated.

Napansin naman siya ng ilang zombie at sinundan nila ito.

Pakiramdam niya'y malapit lang siya sa kanyang kapated.

----------

Walang imik pa rin akong naglalakad patungo sa kinaroroonan nila.

Minsan lumilingon ako sa kung saan.

Malaki pala ang building na'to. Isa pala 'tong mall.

May supermarket at mga shop ng mga damit.

"Dito rin kaya, wala kayang zombie na nakapasok dito?"

Habang kasama ko si Miguel.

"Kunin mo 'to... pang self defense mo lang," abot niya sa akin ulit ng kalibre 45.

Isinukbit ko naman sa baywang ko.

"Hayyy..." nakangiting tinig sa akin ng batang babae na sa tantiya ko'y nasa edad 8 taong gulang.

Mura pa ang isip niya at mukang 'di niya naiintindihan ang lahat. Katabi nito'y babaeng nasa edad 46 siguro.

"Ako pala si Mimi, ito naman ang mama ko. Si Lordes..." pagpapakilala sa akin ng bata.

Nag-hi lang din ako sa kanila.

"Ayon si tito Tunyo, si ate Gladys at Ate Elena."

"Si kuya, Dindo at kuya Ramil," medyo natawa ako sa bata.

Kasi andaldal niya. Ipinakilala ba naman sa akin ang lahat.

At lumapit siya sa akin. "At ikaw, anong pangalan mo?" tanong niya sa akin.

"Ako pala, si Zonah... shor ot Zonalyn Juterte..."

Ngumiti lang din sila sa akin. Kahit parang am'bigat-bigat ng kalooban nila. Parang ako lang at si Mimi ang pilit napapangiti.

Nilingon ko na lang si Miguel na katabi ko.

At ngumiti sa akin. Gumaan ang pakiramdam ko. mlMukang mabait pala 'to siya. Mali lang ang pagkakakilala ko sa kanya.

Nilingon ko ang iba, si Kernel, 'yung Tonyu at si Jerald. Parang nagmamasid lang sila at nakikiramdam kung may panganib ba na darating.

Lumapit ako kay Jerald at nagpasalamat, dahil sa pagligtas niya sa akin kanina.

Pero parang wala lang, 'di man lang ako sinagot.

"Hmmp!"

"Suplado!" bulong ko sa sarili ko.

"Ate, punta tayu doon," hinila ako ni Mimi. iwan ko ba kung saan niya gusto.

Sumama na lang ako.

Sa isang shop, may itinuturo siya. Isang Teddy bear doll.

"Ito ate, batuin mo 'yung glass para mabasag ang salamin at makuha natin ang doll," utos niya sa akin habang inaabot ang malaking batong hawak niya.

Para naman sa kanya, gagawin ko 'yon, para mapasaya ko siya, pero hinawakan ako sa kamay ni Miguel, na wari sinundan kami.

"Huwag mong sisirain 'yan, kung ayaw mong mapasok nila tayo rito..." wika sa akin ni Miguel.

Itinuro nito sa akin ang iba pang pintuan sa kabilang dako. Konektado pala 'yon sa labas.

"Huwag ka ng malungkot, ah. Dibali hahanapan kita ng ibang doll," masuyu kong wika sa kanya para mapasaya ko siya.

Ngumiti naman siya sa akin at nagpasalamat.

Bumalik kame sa kanila, sa may lobby kong saan sila naka-stambay.

May saktong laking fountain dito at nakapalibot naman ang mga upuan.

Pansin ko sa knila ang katahimikan, wariy dinaganan ng langit ang bawat isa.

Alam ko naman, hindi biro ang lahat at bawat isa'y nagdadalamhati.

Sa may kilid, bahagyang nakayakap si Ramil kay Elinah. Mukang mag-nobyo ang dalawa. Hula ko lang.

"Bakit po pala kayo napunta rito?" pambungad tanong kay Lordess.

Nakasakay kame ng taxi sa labas. Hatinggabi kasama ang asawa ko, nang ma-traffic dahil sa mga nilalang na iyon. Dinambahan nila ang sasakyan namin at nagawa naming makatakbo. Dito kame pumaroon at pinagbuksan kame ni Mang Tonyu dito. Isa siyang bantay at tagapangalaga dito. Pero ang asawa ko... naabot nila at---"

Napaiyak na ito habang nagkukuwento.

Natuliro na rin ako at 'di nagawang magbigkas. 'Ramdam ko ang hinanakit niya.

Nang biglang may dumamba ng malakas sa may wall glass na may kalapitan sa pintuan.

Nagulat kame sa lakas ng pagkakahampas.. pagtingin ko.

"S-s-ssiii... Si kuya?"

"Huh!" Napabalikwas ako ng tayo.

Mukang napatingin rin siya sa akin na inaaninag ako mula sa salaming iyon.

Naiyak ako ng bigla, natotop ang bibig ko. Ibang-iba na ang anyo niya. Nakakatakot na siya.

Isa na siyang halimaw. Isang zombie na halimaw. Malaki siya at nakakasindak ang tingin niya.

Nakita kong nag-ready ang kasamahan kong mga sundalo. Itnutok ang kanya-kanyang baril kay kuya.

Nayayanig niya ang wall glass.

Mukang bibigay 'to kapag nagpatuloy siya.

Tumakbo akong palapit sa kanya.

"Kuya!" Napansin kong naaalala niya ako mula sa mga tingin niya.

Naabot ko siya at tanging salamin lang ang pagitan namin. Nagsidambahan ang ibang mga zombie.

Kaya't napaatras ako sa takot, pero si kuya pinagtulakan sila.

Wariy ayaw niyang makalapit sila sa akin.

Hinila ako ni Jerald mula doon kay kuya.

Nagpumiglas ako, kaya't mas lalong naging agressibo si Kuya. Akala niya sinasaktan nila ako.

"Baka mapahamak ka!" bulyaw sa akin ni Jerald.

Muli sinunggaban ni Kuya ang salamin. Napasigaw na ang mga babaeng kasama ko sa takot. Lahat sila nakahanda na sa anumang oras na pagkasira ng malaking salamin.

"Grabe... halimaw yata ang isang 'yan!" maang wika ni Dindo.

Habang nakatotok na kay kuya ang Armalite ni Sgt. Miguel at Riffle naman na may mahaba ang clip ang buhat ni Lt. Jerald.

Shotgun naman kay Mang Tonyo at Caliber 45 lang kay Kernel. Mukang sa mga sandata nila'y kaya na nilang mapatumba si Kuya.

"Nanganganib tayo sa kanya!" malakas na wika ni Tonyo. Lumapit sa akin at hinawakan ako sa may damit ko sa likod.

"Kailangan mong lumabas!" at hinila niya ako. Muntikan na akong mapasubsub sa ginawa niya.

Lumapit naman si Sgt Miguel at Leutenant Jerald..

At itinutuk ang kanilang mga baril kay Mang Tonyo na napatigil naman sa huli sa kanyang ginagawa.

"Bitawan mo siya! kung ayaw mong tayo ang magkagulo!" tiim bagang wika ni Jerald.

Feeling ko, napaka-special ko para ipagtanggol nila.

Itinulak ako ni Mang Tonyo at natumba ako kay Jerald na sinalo naman niya ako.

"Mamatay na tayu dito 'pagnagkataon!" galit na wika niya.

ITUTULOY

ZOMBIE AND METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon