CHAPTER 11

120 5 0
                                    

CHAPTER 11

Nag-unahan sa pagpasok ang mga zombie.

Nagkandabuwal-buwal pa ang iba dahil atat nang pumasok, nagkapatong-patong dahil sa pagkatumba.

At mabilis namang tumakbo palabas si Tonyo na sinundan ni Gladys dahil natakot rin.

Samantalang si Lordes ay kakabalik lang din sa lobby mula sa paghahanap kay Mimie.

Nang mapasigaw siya sa mga zombing nakapasok na tumutungo sa kanya.

Natigil siya sa pangyayari kaya't dinambahan siya ng mga zombie.

Bagsak siya sa sahig habang pinag-aagawan nila.

Samantalang kakabungad lang din sa kanila ni Miguel at Jerald na nagpapaulan ng bala sa mga taong patay.

"Masyado silang madami," wika ni Miguil sabay putok sa mga kalaban.

"Pupuntahan ko si kernel, ikaw na muna ang bahala kay Zona," wika ulit ni Miguel.

Saka numaog ito tungo sa direksyon ng kinahihigaan ni Kernel.

Sakto namang malapit na kay Kernel ang mga zombie ng pagbabarilin ni Miguel.

"Kuya! kuya! gising," malakas niyang sigaw kay kernel.

Nagising naman ito at kaagad nabunot ang baril at itinutuk sa kaharap nitong Zombie at pinaputok, sabay tayo nito tungo kay Miguel.

Habang si Jerald ay tuluyan ng nakalabas ng pintuan, doon siya dumaan sa likuran. Sa dinaanan ni Tonyo.

Pero may nakakasalubong siyang mga zombie. Sige parin siya sa putok.

Hindi ganoon kabilis maubos ang bala sa riffle na dala-dala niya, mahaba ang clip nito.

Samantala, ini-lock ni Ramil ang pinto ng Van, upang 'di makapasok si Tonyo at Gladys.

Dahil nais niya'y kasama si Elena na iniwan naman ng dalawang ito na nagmamadali.

Itinutuk ni Mang Tonyo ang shotgun kay Gladys at napaatras naman sa takot ang babae, nagtaka naman si Ramil.

Kapag 'di mo 'to binuksan, pasasabugin ko ang babaeng ito.

"Ahh! hayop ka talaga Tonyo!" tanging naibulalas ni Ramil, kaya't napilitan siyang buksan iyon.

Agad namang pumasok si Tonyo, sabay harap ng baril niya sa kinaroroonan ni Ramil.

Habang papalapit na kay Gladys ang mga zombie.

Hahakbang na sana ang babae para sumakay, pero pinatigil siya ni Mang Tonyo, sabay sara agad ng pinto, kung kaya't niluksuhan ng mga zombie ang nasisindak na si Gladys.

"Ahhh...!!!" malakas niyang tili habang nakataas ang kamay nito na nanghihingi ng tulong, at unti-unting bumabagsak.

Nanlaki naman ang mga mata ni Ramil sa takot.

"Walang hiya ka talaga Mang Tonyo," bulalas niya ulit.

"Paalisin mo na!" sabay taas ng shotgun tungo sa ulo ni Ramil.

"Ngunit si Elena?" kandautal na wika ni Ramil.

"Papaandarin mo ba o gusto mong sumabog ang bungo mo!" Sabay dikit nito ng dulo ng baril sa likuran ng ulo ni Ramil.

Wala namang nagawa si Ramil, kundi pa e-start-in ulit ang sasakyan, kahit sobrang labag sa kanyang damdamin.

Samantala, lumalaban pa rin si Dindo at tuluyan pa ring nakakapit ang mga kamay sa bakod na iyon.

Kahit unti-unti na siyang nilalapa ni Charlie. Kahit natatanggal ni Charlie ang laman sa tabi ng leeg nito, sa may balikat.

Nang  'di kalaona'y bumigay na rin si Dindo. at sabay na bumagsak ang dalawa.

ZOMBIE AND MEUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum