CHAPTER 16

114 4 0
                                    

CHAPTER 16

Mabilis na tumatakbo si Jerald habang nakapatong sa kanyang likuran si Mimie.

Hinahabol naman ng mga zombie ang dalawa.

Hanggang sa maparaan ang Helicopter. May kalapitan ito sa kanila kaya't alam ni Jerald na nakikita sila ng nagmamaneho roon.

Sumigaw ng sumigaw si Jerald. Umaasam siyang babalikan sila ng helicopter na bahagya nang napapalayo.

At 'yon nga, namataan sila ng pilot soldier na nagmamaneho roon.

Ibinaba nang lalaki ang helicopter sa may malawak na espasyo.

Lumiko't pumaroon si Jerald kasama ni Mimie, habang walang tigil sa pagsunod sa kanila ang madaming Zombie.

Ngunit habang nalalapit na siya sa helicopter na naka-park na ay s'ya namang paparatng rin galing sa ibang dako si Mang Tonyo.

"Sana hindi siya maging sagabal!" wika ni Jerald sa sarili.

"Pagod na akong kumapit kuya..." malumanay na wika ni Mimie.

"Kumapit ka lang, malapit na tayo. 'Wag kang susuko..." sunod-sunod na kataga ni Jerald.

Hanggang sa maabotan nila ang Helicopter na sakto namang kakarating lang din ni Tonyo.

Ibinaba ni Jerald si Memie at mabilis na binuhat papasok sa Helicopter.

At inilabas niya ang kalibri 45 at itinutuk kay Mang Tonyo.

"Papayagan kitang makasakay, pero 'wag na 'wag kang gagawa ng ikakapahamak ng iba!" babala ni Jerald sa kanya, tumango lang ito.

Kaya't hinayaan ni Jerald makasakay.

Lumipad at umalis ang helicopter nang hindi sila naaabutan ng mga taong patay.

Pero 'di pa sila nakakalayo ng gumawa ng eksena si Mang Tonyo.

Buong lakas niyang sinipa si Jerald at dahil katabi nito ang pintuan ay siyang pagkalaglag niya, pero napakapit si Jerald sa dulo.

Paulit-ulit sinisipa ni Mang Tonyo ang kamay ni Jerald upang tuluyan itong malaglag.

Pero hindi pa din bumibitaw si Jerald.

"Mamatay ka! Nang dahil sa inyong mga sundalo, pati pamilya ko napahamak!"

Habang naaalala niya kung paano binaril ng sundalo ang kaniyang asawa.

Kaya lang naman niya pinagbuksan si Kernell dahil may perang nakaambang sa usapan nila noon, pero nagbago ang timpla niya ng makasama na sa loob ng mall sila Kernell.

Hinawakan ni Mang Tonyo sa buhok si Mimie at itinulak sa labas. Nahulog ang bata pero nailigtas siya ni Jerald sa pamamagitan ng kanyang kamay.

Hawak ni Jerald sa kamay si Mimie at sa kabilang kamay ay nakakapit siya sa kilid ng helicopter.

"Ituloy mo lang ang paglikas kong ayaw mong sumabog ang ulo mo..." at tinutukan ni Mang Tonyo ang nagmamaneho ng Helecopter.

"Opo sir..." takot na sagot nito.

Dumungaw si Mang Tonyo at nandoon pa din si Jerald at Mimie pero nasa likuran na ni Jerald si Mimie. Nakakapit ito ng maayos sa leeg ni Jerald.

"Wow mukang makakatakas kayo sa kamatayan ahh!" habang tumatawa si Mang Tonyo.

"Bakit mo ba ginagawa ito?" tanong ni Jerald.

"Madali lang... Police ka, at pagdating natin doon sa evacuation Center... ipapakulong mo ako, dahil sa ginawa ko doon sa mall hindi ba?" pagkukunwari niya.

"hindi na kita ipapakulong..." sambit ni Jerald.

"Dahil---" dugtong sana ni Jerald.

Ngunit dahil nais ni Mang Tonyo malaman ang sasabihin ni Jerald ay medyo inilapit pa niya ang mukha sa kanila, kaya't inundayan siya ng saksak ni Jerald. Butas ang leeg nito, at hinila siya ni Jerald.

Nalaglag si Mang Tonyo at pagdating ng katawan sa lupa ay pinag-agawan siya ng mga Zombie.

Naglakbay sila palayo sa lugar na ito at habang nasa tapat sila ng malawak na karagatan ay natanaw ni Jerald ang Motor boat na naka-park sa kabilang isla.

"Nandito sila..." anang isip ni Jerald.

Pagkarating nila at matapos maibaba si Mimie ay bumalik sila sa namataang isla.

Kinausap ni Jerald ang piloto ng Helicopter kung maaari siyang ihatid.

Nagsumbong naman sa police si Mimie ukol sa nangyari sa kanila at sa kinaroroonan ng motorboat na natanaw nila. Alam niyang nandoon si Zonah.

At dahil naniniwala ang kapulisan ay tumungo sila roon.

Malapit nang marating ni Jerald ang lugar dahil medyo may kalapitan naman ito sa siyudad.

Isang maliit na isla lamang ito kung saan sa tantiya niya ay dito nag-aabang ang scientist na ang sabi ay gagamot ulit kay Rechard.

Pero hindi nila namamalayan si Miguel na may dalang bashoka at nakahanda na ito sa pagpapasabog at naka-target sa Helicopter na paparating.

"Mbbbbbooooonggg......" kumawala ang malakas na pagsabog tungo sa Helicopter.

Ngunit mabilis na nakalundag si Jerald sa may batis.

Natamaan ang helicopter at sumabog ito ng malakas.

Agad namang pumaroon si Miguel, tumungo siya sa batis na iyon upang e-check kung buhay pa ba si Jerald.

Nang madatnan niya ang batis ay wala na roon si Jerald. Pinaikot niya ang paningin sa paligid, ngunit wala siyang mahanap.

Hanggang sa lumabas sa tabi ng puno si Jerald.

Itinutuk ang kalibre 45 kay Miguel.

"Wala na sa katinuan ang kuya mo! diba dapat sumalunggat ka sa kanya!" wika ni Jerald.

"Ulol! hindi 'yon ang dahilan kung ba't ako nananatili kay Kuya! ang nais ko lang ay makamit ang pabuya..." sagot ni Miguel.

"Niloloko ka lang n'ya! walang pabuya! at narinig ko sa kanya 'yon."

"Meroon, nakita ko sa kanya. Ibinigay na ng kanong scientest kanina, kaya't lubayan mo na kami kong ayaw mong mamatay."

At itinutuk din ni Miguel kay Jerald ang baril. Nagpaputok si Jerald pero sa kamalasan ay wala na pala siyang bala.

Tumunog lang ang gatilyo, kaya't napalukso siya patago. Nagsunud-sunod ang paputok ni Miguel sa kanya.

Nagpalipat-lipat si Jerald sa mga puno. Hanggang sa makapgtago at napalapit naman si Miguel kay Jerald.

Sinipa ni Jerald si Miguel, kaya't nabitawan n'ya ang baril.

Inundayan siya ni Jerald ng saksak gamit ang patalim na ginamet niya kay Mang Tonyo.

Nagkabutas-butas ang dibdib ni Miguel sa ginawa ni Jerald.

"Pasensya ka na! itinuring kitang kaibigan... pero pinili mo pa rin sa huli ang kasamahan... pinili mo ang kamatayan mo!" habang mababanaag sa mukha ang matinding galit ni Jerald.

ITUTULOY...

ZOMBIE AND METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon