CHAPTER 8

131 5 0
                                    

CHAPTER 8

Tinakpan ko ng panyo ang daliri ni Charlie. Mukang malalim ang sugat, at tumotolo pa ang dugo.

Matapos no'n ay humarap na ako sa likuran ko.

Nakatayo sila, iilan lang sila, may mga babae may bata at ilang lalaki.

Ngunit, ang pinakamatanda sa kanila na nagbukas ng pintuan ay tila masama ang titig.

"Palabasin niyo 'yan, nanganganib tayo sa kaniya," utos niya na gumalaw naman ang dalawang lalaki.

"Huwag!" harang ko sa kanila.

"Kung ayaw mo siyang palabasin, dapat magsama kayong dalawa na palabasin!" galit niyang wika sa akin.

"Pagbigyan niyo naman ako. Hindi pa naman gumagana ang bisa sa kanya." pagmamakaawa kong wika.

"Kapag tumalab sa kanya ang virus! maaaring lahat tayo rito mapatay niya!" 

Umiling ako, tumingin kay Charlie, hindi ko yata kayang palabasin siya, habang nagkukumpolan ang mga taong patay sa labas.

Lumingon ako kay Kernel, may pagmamakaawang tingin ang ibinato ko sa kanya.

Naintindhan na niya 'yon, kaya't nilapitan niya ang lalaki at nag-usap sila ng ma'y kalayuan sa amin.

Naupo naman kaming magkatabi ni Charlie.

Maya-maya'y ipinatawag ni Kernel si Jerald. May sinabi sa kanya na ipinaabot naman niya sa akin.

"Kailangan niyong pumunta sa rooftop. Hindi puweding makihalubilo dito si Charlie."

Napalingon ako kay Charlie. Naaawa ako sa kanya. Ako lang naman ang dahilan ba't siya napasama rito, ba't siya napahamak.

Ngyon, dahil wala na siyang silbi, basta na lamang ipapatapon.

"Zon... hayaan mo na lang akong lumabas," mahinang tinig ni Charlie.

"Sira kaba! 'wag muna, baka magamot pa 'yan o 'di kaya'y baka 'di umepekto,'' at bahagya akong tumayo upang maghanap ng igagamot sa kanya, pero hinawakan niya ang palad ko.

''Kung gusto mo, doon na lang tayo sa rooftop. Samahan mo na lang ako doon," may ngiti niyang wika.

At inihated nga kami doon ni Miguel at ng  isa sa lalaking nadatnan namin dito.

"Zona... mag iingat ka, hawakan mo 'to," iniabot sa akin ni Miguil ang Radiogram.

"Tumawag ka sa amin 'pag kailangan mo ng tulong."

Tumalikod na siya ngunit bumalik.

At iniabot sa akin ang 45 caliber niya.

"Baka magamet mo 'to," pero hindi ko kinuha, kaya't iniwanan na lang niya sa isang lamesa.

Hinawakan ko sa kamay si  Charlie. Naglakad kame sa taas ng Rooftop. May kalawakan naman kasi ito ehh, inaaliw ko siya para kahit papaano ay mabawasan ko ang bigat na dinadala niya.

"Mukang hndi na ako magtatagal Zona," biglang banggit niya.

"Hindi! 'wag mo ngang sabihin 'yan! magagamot pa 'yan okay."

Hayyysssttt... ang bestfriend ko...

Bumuntong hininga ako,
at sabay kaming humakbang papunta sa gilid. Tinanaw namin ang mga zombing nagkukumpulan pa rin sa ibaba.

An'dami-dami na nila, wari'y inaantay nila na magsilabasan na kame.

"Sana mahanap mo na ang kuya mo at maibalik siya sa normal," may ngiti niyang wika sa akin.

ZOMBIE AND MEOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz