CHAPTER 7

144 4 0
                                    

CHAPTER 7

"Men, Position! Get ready!" malakas na boses ni Kernel Dexter sa kanyang mga tauhan sabay signal niya ng kanyang kamay.

Bawat isa naman sa kanila ay nagsibabaan.

Kanya-kanyang position sa kung saan, kahit may kalayuan ng kaunti ang maraming punong nakahilira ay tila naninigurado sila ayon sa kanya-kanyang position.

Napatanga na lang kame ni Charlie, kasi 'di namin alam ang gagawin namin.

"Bumaba na kayo diyan!" utos sa amin ni Miguil, siya yata ang last man standing nila. Kumbaga ang laging nasa hulihan, dahil malaking tao.

Tiklop ang bibig ko, habang nakikiramdam kami ni Charlie sa mangyayari.

Unti-unti na silang humahakbang, ganda ng  bawat walking position at covering nila sa isa't-isa.

Para akong nanonood ng live training combat.

Hmmp! 'di pa din nawawala sa isip ko ang ginawa ni Kernel sa tatlong pulis, sa pambabaril niya sa kanila. Nais kong diriktang magtanong sa kanya, pero mukang 'di pa siya puweding kausapin.

Sayang, wala akong baril, 'di sana, kasama akong mag -aabang ng zombie na susulpot, tapos ay babarilin. Pinahawak ko na lang kay Charlie ang baseball bat ko, mabigat eh, mukang 'di rin magagamet sa ngayon.

Tingin ko, 'di makakalapit ang mga zombie sa akin, nasa gitna na nila kame eh. Siguradong  safe ako sa mga 'to, mukang fighter talaga na magagaling, puwera lang kong hanggang porma lang sila.

Sa pagkakataong ito'y medyo napalapit ako kay Leutenant.

"Ipagamit mo kaya sa akin ang baril mo, baka makatulong ka pa sa akin," medyo pabulong kong wika sa kanya.

Pero 'di siya umimik, parang deadma lang ako.

"Hoy, sungit."

Pero wala pa din, nakakainis naman 'tong lalaking ito, para lang akong hangin sa kanya, 'di man lang nag-re-reply, grrr.

Lumapit sa akin si Charlie.

"Ano? natanong mo na?" Pabulong ko sa kanya.

"Oo, kaya pala niya binaril 'yon, dahil 'di nila ina-allowed ang team nato na pumasok."

"Huh? Bakit naman?''

"Wala daw utos sa taas na darating dito ang team nila kernel, at isa pa, 'di raw basta-basta nagpapapasok rito, lalo pa't may kasamang sibilyan."

"Sibilyan?" agarang kong wika.

"Oo, nakasibilian kasi ako, kaya't akala ng mga bantay na 'yon ay fake ang mission na ito.

Siniko ko na lang si Charlie.
Bakit kasi 'di nagsuot ng damit pansundalo.

"Ngunit maaari kayang ang mission na ito ay hindi inutos ng mga boss nila? ibig sabihin, piking mission nga ito at baka 'di sila mapagkakatiwalaan," habang nag-aalala ako.

"siguro may nag-utos sa kanila na nasa ibang position. Baka secret mission 'to."

"Baka nga" at isinawalang bahala ko na lang.

Mukang mararating na namin ang siyudad. Makakalabas na kame sa kakahuyan.

Sa wakas 'ayon na ang bakod na nakapalibot sa lugar na ito.

Nang bigla kaming magulat.

Huh!!...

Sabay-sabay na nagsilabasan ang mga Zombie mula sa kung saan.

At sobrang dami nila, faktay na.

"Men Fire!!!" malakas na sigaw ni Kernel.

Nag-umpisang magpaputok ang mga kasama ko. Baril dito baril doon,l.

ZOMBIE AND METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon