CHAPTER 15

111 5 0
                                    

CHAPTER 15

Menamaniho na ni Jerald ang truck papunta sa kinaroroonan ng kanilang baryo.

Nang matanaw niya ang madaming zombie na hinahabol ang isang ginang.

"'Nay... 'Nay!!!" paulit-ulit na sigaw ni Jerald.

Alam niyang ang sariling ina ang kanyang natatanaw na hinahabol ng mga taong patay.

Rumaragasa ang truck sa bilis papunta sa mga nilalang na iyon, at 'yon nga ang ginawa niya. Sinagasaan niya ang madaming nakalinyang zombie.

Wala siyang pakialam kung maapakan man ito ng malalaking gulong o tumilapon ang mga katawan nito. Hanggang sa kalahati ng mga 'yon ay napatay niya.

Huminto siya ng mapatapat sa kanyang ina.

Bumaba siya at niyakap ang ina, gayun din si Aling Gracia.

Ang kanyang ina.

"Anak," sambit ng kanyang ina habang humahangos sa pagluha.

At inakay nga n'yang pasakay ang ginang.

Muli siyang nagmaneho ng mabilis papunta kina Zonah.

May dala siyang malaking truck at pagkakataon na iyon para sa kanya upang lisanin nila ang lugar kasama si Zonah.

Ito rin ang natatangi niyang mission dito. Ang iligtas ang kanyang ina at wala ng dahilan pa upang manatili pa siya dito.

Para sa kanya... maisama lang niya si Zonah ay wala na siyang pakialam sa pabuyang inalok noon ni Kernel. Kaya lang naman siya sumama dahil sa kanyang ina.

Samantala... padami na ng padami ang nakapaligid sa van na kinaroroonan pa din ni Mimie. Nagtalukbong na lang ang bata sa manipis na kumot na naroroon, upang maiwasang tingnan ang nakakakilabot na itsura ng mga zombie.

Hanggang sa unti-unting umaangat ang van. Binubuhat nila ito at dahil sa dami nila, nagawa nila itong itaas ng kaunti at ihakbang kaya't medyo naihiwalay ito sa kinaroroonan nila Zonah.

Ngunit nanatili pa rin sa loob ng van si Mimie. Umaasa na lang siyang may darating ulit para tulungan siyang makawala.

Samantala. Nakatali naman si Rechard sa Poste, sa gitna ng medyo may kalawakang shop.

Nakaposas ang kamay, nakakadena ang paa at nakabusal ng damit at malaking tape ang bunganga.

Habang nakaposas din si Zonah sa pinakadulo at nakatayo sa tabi niya si Miguel.

Sunod-sunod ang hataw ni Kernel ng kanyang baril sa mukha ni Rechard. Paulit-ulit. Sinisira niya ang mukha nito.

Naligo naman sa dugo si Rechard dahil sa mga sugat na tinamo sa mukha, habang napapasigaw si Zonah. Gusto ni Zonah na lumapit at tulungan ang kapated ngunit nakatali siya ng mahigpit.

"Tarantado ka!!! 'Yan ang bagay sa 'yo!!!" habang tinatadyakan ni Dexter si Rechard na panay naman ang atungal ng huli dahil sa sakit na dinaranas.

"Miguel..." pagsusumamo ni Zonah habang nakalingon kay Miguel.

"'Di ba magkababayan tayo? Tulungan mo naman ako..." dugtong niya.

"Hindi ko magagawa 'yan kay Kuya... kapated ko sy'a at nararapat lang na sa kanya ako kumampi..." sambit ni Miguel.

"Kapted mo pala siya?" malumanay na wika ni Zonah.

"Kaya ba niya ako natuntun, o 'di kaya'y nalaman na kapated ako ni Rechard dahil sa iyo?" tanong ni Zona.

Tumango naman si Miguel bilang pagsagot.

"Bakit niya sinasaktan ng ganyan si Kuya? Ano ba ang atraso ni kuya kay Kernell?" tanong ni Zonah.

ZOMBIE AND MEWhere stories live. Discover now