CHAPTER 12

125 3 0
                                    

CHAPTER 12

Hinahabol pa rin kame ng mga zombie.

Halos lahat ng nasa labas ay sa amin na patutungo.

Mabilis ang takbo namin habang hawak kamay kami ni Jerald.

Habang ang kabilang kamay niya ay ipinuputok niya sa mga zombi na humaharang sa amin.

Patuloy lang kami sa pagtakbo.

"Saan na tayo tutungo nito?" Mangiyak-ngiyak ako.

"Doon!" turo niya.

Sa bentahan ng mga gasul, doon kami patutungo. Mukang bukas pa naman, pero hndi kaya mapanganib 'yan.

Dahil maaaring sumabog ang mga 'yan kapag natamaan ng baril.

O 'di kaya'y... baka may zombie sa loob na nagtatago. Bahala na..." anang isip ko.

Narating namin, agad kaming pumasok at mabilis na isinara.

Pagharap namin sa likuran, may ilan sa kanila na naririto.

Pinahawak niya sa akin ang baril niya. Habang hinablot niya ang isang mahabang bakal.

"Kaya muna sila..." may halong ngiti niya sa akin.

"Baka may matamaan na gasul at sumabog." Pag-aalala ko.

"Barilin mona baka maabutan ka pa..." masuyo ang pagbigkas niya.

At 'yon nga ang ginawa ko. Sa apat na nakahilirang zombie na unti-unting lumalapit sa akin. Sunod-sunod kong kinalabit sa kanila ang gatilyo.

Bagsak silang apat mula sa madaming balang pinaulan ko sa knila.

Tsk! Mukang ubos ang laman ng isang magazine clip.

'Buti naman at walang natamaan sa gasul na iyon. Galing ko talaga.

Humarap ako kay Jerald nang may ngiti.

Lumapit siya sa akin..

Nakangiti siya at nakatitig naman ako sa kanya.

"Hmm... am'pogi talaga niya," kinikilig kong wika sa sarili.

Ngunit 'di siya tumigil.

Mukang...

mukang didikit pa siya sa akin.

Yayakapin ba niya ako? niyay... namumula na ako.

At 'yon nga, ilang inches na lang magdidikit na kami.

Habang napipi akong nakatitig sa kanyang mga mata.

Amoy na amoy ko ang mabango niyang amoy kahit pawisan man ito. Halatang inaalagaan niya ang sarili niya.

Unti-unti pa siyang lumapit sa akin, mukang mapanghas na siya sa gagawin.

Napapikit ako, 'raramdamin ko na sana ang susunod na mangyayari.

Hahalikan ba niya ako?

Nang hawakan niya ang magkabila kong balikat at iniiwas bigla.

Sabay kaming napa-iwas mula sa isa pang zombie galing sa likuran.

Hinampas niya ng bakal sa ulo ang zombi na iyon. Paulit-ulit hanggang sa mapatay niya.

"Hayysst, muntikan na pala kame."

Samantala.

Unti-unting nabubuksan ng mga Zombie ang opisinang pinagtataguan nila Kernel.

Malakas ang dampi ng mga palad nila't katawan sa pintuan. Sinusunggaban nila ito.

ZOMBIE AND MEWhere stories live. Discover now