CHAPTER 14

118 4 0
                                    

CHAPTER 14

Kinakalampag ng Zombie na si Rechard ang van na iyon ng madatnan niya.

Kitang-kita niya sa looban ang kapated na si Zona kasama ni Mimie.

Sa Oras na ito'y mag-isa lamang si Rechard na nakatayo sa tabi ng van, wari ang nais niya'y pagbuksan siya ni Zona.

Alam naman sa sarili ni Zona na ligtas siya sa piling ng kapated.

Ngunit inaalala niya ay si Mimie. Alam niyang siya lang ang pinoproteksyonan ni Rechard at siya lang ang hindi niya sinasaktan.

Dahil subok na niya nang minsan ay pagtangkaan niya si Jerald.

Ibig sabhin, kahit ang tao pa ay isinasakripisyo ang buhay kay Zona ay 'di pa din 'yon sapat upang hindi s'ya saktan ni Rechard.

Dahil tanging si Zona lamang ang nakikilala niya at ang iba ay kinatatakaman niya bilang zombie.

Kaya't nangangambang baka saktan ni Rechard si Mimie kapag pinagbuksan niya ang kapated.

Tinakpan na lang ni Zona ang mga mata at tainga ni Mimei dahil sindak na sindak ang bata sa ginagawa ni Rechard.

At mahigpit siyang yakap ni Zona.

Dahil sa lakas ng pagtunog ng van ay nakaagaw pansin ito sa tatlong nasa loob ng Lpg Shop.

Sinilip iyin ni Kernel sa siwang.

"Ang target natin... nandiyan!" wika niya kay Miguel.

"Anong gagawin natin kuya? dadkpin na ba natin siya? Mukang ito na ang tamang pagkakaktaon," wika naman ni Miguel.

Inilingon ni Kernel Dexter ang mata sa magkabilang dako.

At dahil nga sa ginagawa ni Rechard ay napukaw ang nakakalat sa paligid na zombie at pumaroon sa Van.

"Paparating ang madaming Zombie!" bulalas ni Kernel.

"Paano 'yan... hindi na natin siya madadakip," sambit naman ni Miguel.

Umalis si Kernel sa butas na iyon at tumalikod.

Humarap kay Miguel at itinanaw ang tingin sa nakaupong wala sa sarili na si Elinah.

"Alam ko na, aitali mo siya!" utos ni Kernel na nakatanaw kay Elinah.

Tumango naman si Miguel bilang pagsunod.

Samantala...

Nagising si Jerald ng mga sandaling ito.

Bumangom siya mula sa pagkakahiga sa sakong-sakong arena na 'yon.

Nangulay puti na rin ang damit pang sundalo niya at ang mukha't kamay dulot ng arena na iyon.

Tumayo siya't bumaba sa truck. Inilibot ang tingin sa paligid. Napaka tahimik ng buong town. Walang katao-tao.

"Malapit lang ang lugar na ito sa baryo namin," anang isip niya.

Tinungo niya ang frontseat at nadatnan doon ang driver na nakayuko. Mukang tulog ito.

Kinatok ni Jerald ang pintuan ng malaking truck pero 'di sumasagot ang mama.

Binira ni Jerald ang pintuan at saktong hindi naka-lock.

Tinapik niya ang lalaki at nagising ito. pero...

"Arrggghhh!!!" mabagsik ang mukha nito. Isa na rin itong zombie.

Niloksuhan niya ang nakatayong si Jerald at bumagsak naman si Jerald sa kalsada habang nakadagan sa kanya ang lalaki.

Pinipilit nitong kagatin si Jerald.

Pero hawak ng isang kamay ni Jerald ang nuo ng lalaki, pinipiglan niyang 'wag makadikit ang mukha nito sa mukha niya.

Habang kinakapa ng isa niyang kamay ang bulsa. Inilabas ang kutsilyo at sinunggaban sa leeg ang lalaki.

Inulit pa niya iyon ng inulit, hanggang sa mapabitiw ang lalaking nangingisay sa kanya.

Kumawala siya at tumayo.

Umakyat siya sa truck at dinrive ito.

Babalikan niya si Zonah, ngunit naalala niyang may kalapitan ang kinaroroonan niya sa kanyang ina, sa kanilang bahay o baryo.

Kaya't doon muna niya pinatungo ang direksyon.

Umaasa siyang buhay pa at hindi pa infected ang ina.

Marami ng mga Zombie ang nakapaligid kay Zonah.

Nang itali ni Miguel at Kernel si Elinah.

Binusalan ng malaking tape ang bibig upang 'di makasigaw habang dinadala sa kabilang dako.

Binuhat siya ni Miguel, ipinatong sa  kanyang balikat, habang nagpupumiglas.

Habang si Kernel ay nakasilip sa maliit na butas sa loob ng Lpg Shop at tinitingnan ang planong ginagawa.

Nang marating ni Miguel ang kabilang dako ay ibinagsak niya si Elinah.

Dumadaing si Elinah. Alam niyang ipapain siya ng mga 'to sa mga zombie.

Bumalik ng mahina ang apak ng mga paa ni Miguel at nang marating ang pintuan ng shop ay siya namang pagbukas ni Kernel sa pintuan at bitbit nito ang ulo ni Ramil.

Sumigaw siya kaya't napaharap naman sa kanya ang mg zombie na nakapalibot sa van.

Itinaas ni Kernel ang ulo ni Ramil.

Kaya't natigil ang mga Zombie na pinapakiramdaman ang susunod na gagawin.

Buong lakas niyang inihagis sa kinaroroonan ni Elinah ang ulo ni Ramil kaya't nagkandarapa ang mga Zombie sa pagparoon sa kinahihigaan ni Elinah.

Umataki sila habang awang-awa si Zonah kay Elinah, pero paano niya bubuksan ang van kung doon palang ay marami na ang nakapalibot.

Ibig sabihin wala na siyang magagawa para sagipin pa si Elinah.

Agad namang isinara ni Kernel ang pintuan kaya't ang ilang mga zombie na patungo sa kanila ay inilipat ang direksyon kay Elinah.

Pinag-agawan nila si Elinah. Kagat dito kagat doon.

"Mga walang puso kayo!!!" lumuluha si Zonah habang nakatanaw sa kanila.

Bumukas ulit ang pintuan at lumabas si Kernel at Miguel.

Tumungo sa van na iyon na sa mga sandaling iyon ay tanging si Rechard lang ang natirang nakatayo habang nakatanaw si Rechard sa kinaroroonan ng mga zombie.

Nais sana niyang tumungo upang makilapa sa bagong biktima.

Ngunit 'di n'ya magawang iwan si Zonah. Si Zonah naman ay nakatanaw din kay Elinah.

Kaya't 'di na napansin ng dalawa ang paparating na si Kernel at Miguel.

Malakas na hinampas ni Miguel gamet ang armalite sa ulo si Rechard.

Bumangga ito sa van at agad humarap kay Miguel.

Galit itong napapaungol sa sakit. Susugurin sana niya si Miguel, pero ipinulopot sa kanya ni Kernel sa leeg ang malaking kadena mula sa likuran.

Tumulong naman si Miguel, dahil parehong malaki si Kernel at Miguel ay natimbang nila ang lakas ni Rechard.

Nawawalan ito ng lakas. Binuksan ni Zona ang pintuan upang tulungan ang kapated, pero agad na posasan sa magkabilang kamay si Rechard at pati sa leeg ay pinosasan din doon ni Kernel.

Nakalapit si Zonah pero tinadyakan siya ng malakas ni Kernel at bumalandra ito sa van at nawalan ng malay.

Binusalan ni Miguel ang bunganga ni Rechard ng tuwalya at malaking tape upang hindi makakagat at pati magkabilang paa ay pinusasan nila.

Hinatak ito ni Miguel patungo sa Lpg shop.

Habang si Kernel ay binuhat si Zonah.

ITUTULOY

ZOMBIE AND MEHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin