Ex.6

40.7K 1.8K 123
                                    


Bye.


Magba-bra o tatanggalin ang bra? Eh paano yun kapag natukso? Eh di kasalanan ko na naman. Mas lalo lang siyang magagalit sa akin!

Eh paano naman kung magka-breast cancer ako dahil matutusok ako ng bra wire kapag natutulog?

Ang tagal kong nag-iisip sa harap ng salamin habang nakaambang tatanggalin ang hook ng bra ko. Tsk, hindi ko na nga lang tatanggalin. Ako na lang ang mag-aadjust. Isang gabi lang naman ito. Tumalikod na ako at lalabas na sana ng banyo nang matigilan.

Humarap akong muli sa salamin at pinagmasdan ang suot kong pajama, hindi naman ito revealing kaya dapat hindi manggigil si Mikel sa presensya ko. Walang wala naman ang pananamit ko kumpara sa damit ni Scarlette. Nung highschool pa lang kami, pa-sexy na yon eh. Lagi nga niya akong binubully dahil magastos daw ako sa tela. Aktibista ata yun ng mga sinulid at silk worms kaya galit na galit sa mga matataba na nakakaconsumo ng maraming tela. Anong kayang adbokasiya niya? 'Kung ang mga ahas nga kinakaibigan mo pa. Mga uuod pa kaya? Kahit Uuod ay May Karapatan din!' 

Baka ganun nga..

Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Mikel na nakaupo doon sa kama ko. Doon ko siya patutulugin.  Naka-lock kasi ang kuwarto ni Poleng, doon sana ako magpapalipas ng gabi.  Ako na lang ang sa kama ni Lexy at doon siya sa kama ko. Hindi naman maganda yung patatabihin ko siya kay Manang Divine, awkward yun. 

"Mikel, gusto mo bang humiram sa akin ng t-shirt? Meron ako dito.." Tiningnan ako ni Mikel saka tipid na tumango. Pumunta ako doon sa cabinet ko, may nakahalo sa mga damit ko na college t-shirt ni Mikel, hindi ko nga alam kung bakit nasa akin pa. Nakakagulat na hindi ko man lang ito isinoli nung nag-break kami. Yun ang kinuha ko dahil kung midriff naman na bulaklakin at maong shorts ang ibigay ko parang nakakababa naman ng pagkatao niya yun.

Bahagyang nagulat pa si Mikel dahil sa ibinigay ko pero tinanggap din niya naman iyon kasama nung boxer shorts na meron ako bago siya tumungo sa banyo.

Nakarinig ako ng lagaslas ng tubig. Gulong gulo ang isipan ko dahil nandito kami at magkasama sa isang kuwarto pero isa lang ang tanong na paulit ulit na kumakatok sa isip ko.

Magtatanggal ba ako ng bra o hindi?

Napatakip ako nang kumot nang marinig na bumukas ang pinto at may sumilip na liwanag sa banyo. Pinatay din naman ni Mikel ang ilaw pero amoy na amoy ko ang shower gel ko kay Mikel. Naramdaman ko pa ang pag-upo niya sa kama at mukhang nag-i-scroll pa sa phone niya.

"Mikel?" Tawag ko.

"Hm?"

"Okay ka lang ba diyan? Hindi ka ba takot sa dilim?"

"Hindi naman."

"Hindi ka ba sanay na mag-isa lang sa kama? Alam mo na.."

"Miss Semilla, I know what you are trying to imply. No, thanks." Masungit niyang sabi. Napasimangot ako.

"Nagiging mabuti lang naman akong host ng bahay na ito. Baka sabihin mo..."

"You better be sleeping." Utos niya. Hindi na ako nagsalita saka pumikit na lang, pero ilang minuto pa lang, dumilat ng kusa ang mga mata ko. Pakiramdam ko nahihirapan akong huminga. Hindi na nga ata ako makakatulog. 

Sinilip ko si Mikel sa kama ko. Yakap niya yung unan ko tapos yung isang braso niya nakatakip sa mata niya. Dahan dahan akong umupo sa kama ni Lexy at saka ibinaba ang mga binti ko sa kama at gumapang para makatayo. Dahan dahan kong binuksan ang pinto para makalabas na walang ginagawang kahit anong ingay.

Dating My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon