Huling Kabanata

81K 2.3K 1.4K
                                    


"Ayoko, Mikel."

"Tara na, walang nakakakilala sa atin dito." Pangungumbinse niya.

"Anong wala? Uso na ang internet ngayon, paano kapag may nag-upload? Magko-comment si Lexy, 'bakit buhay pa yan?' alam mo naman ang mga basher ko, excited na ma-tigok ako. At madami sila, madami silang inggit na inggit sa tinatamasa kong kagandahan at karangyaan. Ang pogi mo pa."

Sumeryoso ang mata ni Mikel. Napangiti ako. Inayos ko ang suot niyang makapal na scarf sa kanyang leeg at hinawi ang pumapatak na snow sa kanyang ulo. Ang lamig na ng panahon. Ito din ang una at huling beses kong makakaranas ng winter. Nae-enjoy ko ang bawat sandali lalo't kasama ko si Mikel.

"Last Christmas na natin 'to, magsusungit ka pa." I smiled sweetly at him but he just frowned even more.

"Do you realize how morbid you are by throwing jokes about death?"

"Hindi na ako nagjo-joke ngayon. Malapit na talaga ang araw ko. Baka may iba pang pinipick-up si Saint Peter kaya nakaka-anim na buwan na pero buhay pa din ako."

"Gabby.."

"Tsk, Mikel. Ano ang first rule?"

"Huwag maattach?" He said in monotonous tone.

"You made this battle easy for me. Sa New Year, gusto ko bumalik na tayo sa Pilipinas. Ayokong dito abutan. Wala kang kasama." Seryoso ko siyang tiningnan sa mata habang nilalagpasan kami ng mga taong manghang mangha sa Eiffel tower. This is one of my bucket list. Isa isa naming ginawa ni Mikel ang lahat ng gusto kong gawin. Two months ago, we were at Ellen D' Generes show, 'wag maexcite, audience lang kami, hindi ang mismong guest.

"Mahal daw ang bangkay kapag binabyahe sa eroplano. Saka baka seventeen hours kang umiiyak habang nagbibiyahe. I want to be buried beside my parents. That's my last wish. Memorize mo na yan, huwag mong sabihing hindi."

Tumango si Mikel, bitbit pa din ang gitara. Nadistract ako doon.

"Naiirita na ako sa gitara mo, bakit mo ba yan dinala? Makapal ang mukha ko pero hindi naman sobra. Alam kong ako ang may pinakamagandang boses na nakadaupang palad mo, at siyempre, malapit na akong ituring na legend kapag namatay na ako. Pero Mikel naman, ayokong kumanta dito. Hindi ka ba nakapagpabook sa The Royal Albert Hall?"

Mahinang natawa si Mikel at binuksan ang gitara niya sa gitna ng daanan ng mga tao.

Hindi talented na tao si Mikel, in fact, limang araw palang siyang natuto sa gitara. Alam ko naman kung bakit niya ginagawa ito, he wanted to give one of my last wishes to sing in front of foreign audience. Bakit ko ba kasi inilagay yun sa listahan ko. Parang tanga tuloy.

Nagsimulang magpalakpakan ang mga tao, ikinilos ni Mikel ang ulo niya para lumapit ako sa kanya. Dahil hindi naman ako sang-ayon na si Biko lang ang mapahiya, tumayo ako sa tabi niya. Mas lumakas ang palakpakan ang mga tao nang makita nila akong tumikhim. Akala ata talentado ako.

"Ano bang alam mong tugtugin?" Bulong ko kay Mikel.

"Yung lagi kong tinutugtog, yun ang madali eh."

Napangiwi ako at nginitian ang maliit na kumpol na nagsimulang pumalupot sa amin.

"Do you know Introvoys? Paco? Paco Arespacochaga? Ex of Geneva Cruz?" Yun ang madalas i-practice ni Mikel dahil tatlong chords lang iyon. Napailing ang mga tao na nagsisimula na din atang kwestiyunin sa kanilang mga sarili kung meron nga ba kaming talent at ano pa ang ginagawa nila sa aming harapan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 13, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dating My ExWhere stories live. Discover now