Ex 23

31.3K 1.1K 51
                                    

"Huwag na." Kinuha ko kay Lola G ang limang CD na naalala ko pa kung bakit.

"Ibinigay ko po ito sa'yo para maipaliwanag mo kay Mikel kung bakit, kung sakaling mamamatay na ako."

"Gabby.." Lola G groaned.

"But this poor thing didn't die. Binigyan ko lang ng sama ng loob si Mikel. You want answers, Mikel as to why? I hurt you because it is the path that I chose. Tandang tanda ko pa nung nagpropose ka. Gustong gusto kitang kunin at tanggapin ang singsing na iyon, gusto kong sabihin na oo, payag akong mapangasawa mo. Isa iyong karangalan."

Pinunasan ko ang luha ko, "Pero hindi ko masabi dahil ayokong mangako. Ayokong bumuo ng pamilya gayong alam na alam ko na iiwan kita. I chose your hate than your grief while I am still living. Bata ka pa, malakas, you were slowly reaching for your dreams and I don't want you to set it aside because I am sick."

"You know that I will drop everything behind for you, Gabby." Puno ng hinanakit na sabi ni Mikel.

"Alam ko. Kaya nga ganon ang naging desisyon ko.." Hinaplos ko ang mukha ni Mikel na basa din ng luha. "Siguro kaya ako binigyan ng second chance para mag-sorry sa'yo?"

Nakikihati lang kami ng liwanag mula sa labas ng pinto ng aking kuwarto. "Mikel, wala kang naging kasalanan doon. Hindi ka nagkulang. Hindi mo na din kailangang maghirap ng ganito. Go back to your owner."

Mabigat ang naging pagtango niya, "So you don't need me, now? Great, I am more than happy to help, Gabrielle. Welcome back." Pagkasabi 'non ay tumalikod na si Mikel. Naramdaman ko ang pag-gagap ni Lola G sa parehas kong palad at kinuha ang CD na nasa aking kamay.

"I still want to see what's here. I forgive you. Thank you for your sacrifices for Mikel. I understand you, Gabby."

Mapait akong tumango at nagpaalam sa isang pahina na iniwan kong nakabukas. Ngayon ay matutuldukan na ito. I saw Mikel's retreating back. Kinapa ko ang puso ko, it is still as painful when I turned him down five years ago. It was always like this. The seven years of memories I've lost were seven years of painful longing, too. Hindi nawala ang pagmamahal ko. Hindi ko kailanman kinalimutan si Mikel anumang distansiya ang inilagay ko sa aming pagitan.

Siya pa rin.

---

"Movie? Dinner?" Sunod sunod na tanong ni Rye. Walang gana akong umiling at inabot ang bote ng pain killer para mawala ang pananakit ng ulo ko. Inayos ko ang pagkakapahinga ng aking ulo sa sofa sa apartment namin ni Lexy.

"I am sorry, I am not in the mood. Migraine." Wika ko pero alam kong higit pa iyon sa migraine. My head was throbbing on a daily basis and I lie to myself that the meds are helping.

"Gabby, alam mo naman na sigurong hindi kita niloloko, hindi ba? Merong tayo." Nakangiti ngunit bakas ang sakit sa mukha ni Rye. I nodded.

"Alam ko."

Napailing si Rye at mahinang natawa, "I know, this sounded pathetic. Alam kong hindi mo pa din ako kayang mahalin. But I can help you."

Hindi pa din kayang mahalin. Sinabi niya noon na subukan namin, sinabi kong mamamatay na ako pero mapilit siya. Sinubukan ko din naman na maging patas sa kanya, kahit na sa panahong kasama ko siya, isang tao lang ang patuloy kong minamahal.

"You cannot help me, Rye. Bakit mo ba inaaksaya ang panahon mo sa akin?" I know it sounded harsh but I feel off and don't want to mask it anymore.

Dating My ExWhere stories live. Discover now