Ex 16

32.1K 1.3K 68
                                    



"Bakit mo ako kinuhanan ng litrato habang natutulog?" Kanina ay sobrang fun ng activity. Parang teacher si Mikel na sinasabi ang detalyadong pangyayari sa likod ng bawat litrato. It is like a fast track lessons. He would ask me if I want to do it again but I always say pass. Lubog na nga ako sa aking damdamin, ilulubog ko pa ba sa mga panibagong alaala? Parang naroon na din ako sa mga kwento niya. The pictures are so clear and step by step. Pati nga ang pag-tulog ko ng nakanganga, isinama pa niya. Hindi na ito maganda, nakakabawas na ng pagkatao. Kim Kardashian won't approve this shot.

"That was our 6th year anniversary. That was the start of our day."

Pinuna ko ang litrato, kitang kita na payat na ako doon. Did I diet?

I looked at another photo, still in bed but half awake, I was frowning.

"Bakit ako galit?"

"Because I woke you up. Gusto mo pang matulog." Napangiti si Mikel sa alaala pero hindi iyon umabot sa mata. Like it was a sad memory.

"Dito.." Pinakatitigan ko din ang litrato. "Dito ako nag-simulang mag-bago, hindi ba?"

Binawi sa akin ni Mikel ang litrato. Tumingin siya sa labas at dumidilim na nang hindi namin namalayan ang oras. Mahangin na naman sa labas pero hindi na kagaya ng kanina na galit at sumisipol pa ang hangin.

"What do you think of having a break?" Mikel asked.

"Having a break?" Saglit akong natigilan at nag-isip. "Some exhaustion cannot be simply resolved by sleeping, you cannot simply close your eyes and wake up okay. Having a break is taking time to do nothing to bring everything else in perspective. Thus, I would say, that as a law abiding citizen of the Philippines, that having a break is necessary and for the good of the majority of the people. I thank you!" Bahagya pa akong kumaway na akala mo ay merong audience.

Napailing si Mikel na pinipigilan ang pag-ngiti. Inilagay niya ang huling litrato doon sa pahina ng photo album. I couldn't believe na napuno namin ang tatlong makakapal na album ng mga alaala na nabura sa akin. Sa paraan ng pagkukwento ni Mikel kanina, parang naroon na din ako, although, it doesn't ring a bell. It is like watching a new film. Even the plot twists are unexpected.

"Take a break from work. Well, tomorrow is Friday. Maybe we could go out of town for a long weekend. What do you think?"

"Naku, Mikel ha. Sumusobra ka naman sa pag-aaya sa akin ng date. Araw-araw na tayong magkasama." Umirap ako na parang hindi iyon nagustuhan but the reality is, pumapalakpak ang aking tenga! I want an out of town. I want the sun on my skin and Mikel on my lips! Ay! Ang balahura noong last part.

"I know you want it." Mikel rolled his eyes heavenwards. Hinampas ko siya sa balikat. Just like that, a friend has returned to me. Kung paano niya ako inalalayan noong namatay ang mga magulang ko at binubully ako ng buong eskwelahan.

"Pero bumabagyo pa!" Giit ko.

"Sabi sa news, that's the last blow of the storm, nakaalis na nga daw sa Pilipinas. Tomorrow should be a sunny day. What do you think? Dito ka na matulog?"

"Alam mo—"

"Dalagang Pilipina ka?" Tumaas ang kilay ni Mikel.

"At saka---"

"Hindi ka basta-bastang nakiki-sleepover sa bahay ng lalaki."

"Pero—"

"Tinatamad kang umuwi kasi inaantok ka na."

Dating My ExWhere stories live. Discover now