Ex. 12

36.4K 1.4K 94
                                    

Sorry.

Huminga ako ng malalim. Ngayon lang ulit ako nakahinga ng maluwag simula kanina. Ang malamig at maalat na hangin mula sa baywalk ang nagpa-klaro ng isipan ko. Dumampi sa akin ang init ng coat ni Mikel kung saan nanunuot pa ang kanyang amoy. It gave my body warmth, however it didn't help the coldness in my heart.

"Umalis ka doon sa event." I said as if it is not obvious. The thin air from the sea made me predict the time, it is almost midnight. Ang mga nag-titinda ng chicharon at balut sa paligid ay hindi nahiyang tingnan ako na para bang isa akong prospect customer nila at aalukin ako mamaya pagkatapos ng teleserye drama namin ni Mikel.

"You need me more."

"Uuwi na lang ako, bumalik ka na don."

"Kailangan mo ako.."

"Alam mo Mikel, minsan iniisip ko kung Mahal ba kita kasi kailangan kita, o kailangan kita kaya mahal kita?"

"If this is another line from the movie, Gabrielle Bethany, I swear I will—"

"You will what?" Hamon ko sa kanya, "Oo linya iyon ni Claudine Barretto sa Milan, then, you will what?"

"I swear I will not leave you, you are not still okay." He sighed. "Do you remember when your parents just died? You treat everything as a joke. You laughed and you talked to yourself."

"Then maybe I am crazy."

Huminga ako ng malalim at tumitig doon sa madilim na dagat. Ang mga ilaw sa malalaking barko ay parang mumunting bituin na nagkikislapan sa tubig. It is beautiful.

"You are emotionally unstable, Gabby."

"Why do you hide the truth about me, Mikel? Pupwede ko bang hingin yung katotohanan sayo? Sa akin naman yan."

"Why do you worry so much about the past, Gabby?"

"Dahil ako yon. Ako yon, Mikel. Hindi ako bagong panganak na kikilalanin kung sino ako ngayon. People will love me or hate me for what I did in the past at gusto kong malaman ang rason sa mga iyon. Sana naman kung may makasalubong ako na may galit sa akin, sana alam ko. Sana kung galit ka sa akin, sana alam ko."

Mikel's dark brooding eyes darted at me. Mas madilim pa iyon sa gabi. His lips are more perfect when it smiles, but still faultless when it is not. His jaw struggled for control.

"If people will love you, it is not because you are perfect, Gabby. They love you because they do."

"And if they hate me, Mikel?" Kagaya ng nararamdaman mo sa akin ngayon.

"Because they cannot love you. As simple as that."

"Ah." Tumango-tango ako. "I think I need to go home now." Tumalikod na ako at mabagal na nag-lakad, ang mahaba kong gown ay malayang dumudulas sa lupa. The brick flooring of the baywalk trapped my pointed stilleto but I managed to keep on walking. Wala ng pakialam kung masira pa ito.

"Mam, balut po."

"Gab, can I offer you something?"

Nagkasabay pa si Mikel sa aking likuran at ang mag-ba-balut sa aking harapan. Hindi ko alam kung susulong ako o paatras. May humintong jeep sa aming gilid, tumutugtog pa ang kanyang stereo ng kanta ni KZ Tandingan kaya naguluhan ako ng husto.

'Dalawa kayo sa buhay ko
At ako ngayon ay kailangan nang mamili
Isa lang ang maaari
Alam mong narito ako
Lagi para sa iyo
Mahal kita ng labis
Ngunit iba ang iyong nais'

"K-kuya." Wika ko sa mag-babalut. 

"M-ma'am.." Napalunok siya. Pawisan ang kanyang noo sa kabila ng lamig ng hangin sa paligid. Ang kanyang ngipin ay iisa... Walang kasama.

Dating My ExWhere stories live. Discover now