Ex 19

30.2K 1K 46
                                    


"Remember me.. Kapag nag-iisa.. Kapag nalulungkot.. Kapag—"

"Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka, Gabby. Ano ba?" Napatakip ako ng mata nang sumilip ang liwanag mula sa lampshade na binuksan ni Lexy dahil sa inis.

"Gusto na ni Mikel na makaalala ako." Lumabi ako.

"Ay, ang arte. Hindi ba 'yun din naman ang gusto mo? Gusto mong makaalala, bakit? Ngayon ayaw mo na? Namimihasa ka na dahil madalas kayong mag-date? Hoy, Gabby, alalahanin mo nga kung bakit yan ginagawa ni Mikel nang magising ka."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at hindi kumibo. Alam ko namang tama si Lexy, kaya lang nasasaktan akong isipin na matatapos ang lahat ng ito nang hindi pa ako handang bumitaw.

"Kung nahihirapan ka, paano pa si Rye? Hindi ba dapat pangarapin mong makaalala para sa kanya?" Naglakad si Lexy papalapit sa akin at umupo sa kama ko.

Umiling ako at kinusot ang mga mata, "Hindi ko maalala si Rye, kahit kaunti, Lexy. Natatakot akong bumitiw kay Mikel dahil sa alaala ko, siya lang ang inaasahan ko. Paano kami naghiwalay? Hindi ko maisip."

"Simula nagkaroon ka ng malay, 'yan na ang tanong mo. Alam ko, matutuklasan mo din iyon. Huwag kang mawalan ng pag-asa."

Para tuloy akong zombie kinabukasan nang pumasok sa opisina. Hindi pa ako nakakapasok sa opisina ay agad na akong sinalubong ni Kristel.

"Beshy! Saan ka ba nanggaling kahapon? Bakit hindi ka na bumalik? Hanap ng hanap si Sir Mikel sa'yo. Mukhang galit!"

"Nagkita na kami, Kristel. Maayos na."

Tumango-tango si Kristel saka ako pinasadahan ng tingin. "Mukha ngang okay kayo, mukhang pagod na pagod ka, ah." Makahulugang ngumisi si Kristel. Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Excuse me, Kristel! Hindi ako ganoong klaseng tao! Anong akala mo sa akin? Karendiryang bukas sa lahat ng gustong kumain?"

"Hindi naman, baka lang kasi nagluto kayo ng yema, at nagdurog siya ng mani."

"Eiw! Kristel!" Hahampasin ko sana siya nang bag nang may tumikhim sa pagitan namin, ang nakasimangot na si Mikel agad ang bumungad sa amin. Nagpatiuna siya sa pinto kaya natataranta din akong sumunod. Pag-kaupong pagkaupo ko sa lamesa ay napansin ko kaagad ang papel na nakalatag doon, isang Memo sa hindi pagbalik sa opisina kahapon. May pirma iyon ni Miss Sushi na HR Manager at ni Mikel.

Nang ilipat ko ang mga mata ko kay Mikel, nakita ko siyang nakataas ang kilay.

"Akala ko ba bati na tayo? Bakit ako may memo?"

"Trabaho lang ito, walang personalan." Shocks, parang linya iyon ni Daboy sa Markang Bungo.

"Minsan lang naman—"

"Once, twice, gaano kadalas ang minsan?" Walang kaemo-emosyong wika ni Mikel.

"Ay alam ko yan, Hilda Koronel yang linyang yan."

Humalukipkip si Mikel at tiningnan akong mabuti, "Pag dating sa linya sa pelikula, ang bilis mo."

"Teka, may patama ba sa likod niyan? Kung hindi mo naa-appreciate ang mga pelikula at OPM, hindi naman kita pinipilit. Buti pa si Rye, naiintindihan ako."

"Pero kailangan mo ng tulong ko hindi ba?"

"Teka nga, bakit ka ba nanunumbat? Ano na naman ang ginawa ko?"

Dating My ExWhere stories live. Discover now