Ex.9

39.7K 1.9K 339
                                    

            


Maki Say's: Sabi sa inyo hiatus ako eh. Haha. Malapit na talaga ako makapagsulat ulit. Intay lang mga Besh. Kapit. Haha

---

Cheated.

"Sir?"

"You heard me, Stephanie. Include Gabby's name in the list of contestants for Miss DVC." Buong awtoridad na sambit ni Mikel habang nagsusumiksik ako sa kanyang kili-kili dahil sa pagpahiya. Yung boss ko pa talaga ang nag-rehistro sa pangalan ko. Baka isipin nila na isa iyong emotional blackmail kahit deserve ko naman talaga ang titulo. Paano na lang kapag nanalo ako? Iisipin nilang luto ang pageant kahit wala naman talagang papantay sa karakas ko sa mga nandirito.

"Okay Sir.." Nginitian ako ni Stephanie pero umiwas akong muli ng tingin dahil tiyak kong namumula pa ang mga mata ko dahil sa luha.

Nang makaalis kami sa HR Department, nanatili ako sa likod ni Mikel habang naglalakad, nahihiya.

"Psst.. Gabby.." Naririnig kong bulong ni Jax, tipid ko siyang nilingon pagkatapos ay bumalik sa pagkakayuko. Hanggang sa makarating kami sa opisina ni Mikel, nanatili akong ganon.

"Water?" Alok ni Mikel nang makaupo na ako sa aking puwesto at ipinatong ang bag sa lamesa.

Umiling ako pero tumalikod si Mikel at pagbalik niya ay merong isang basong tubig na iniaabot sa akin.

"Drink." Utos niya na sinunod ko naman. He sighed after I rested the glass on my table, I unlocked the password of my laptop and tried to type anything just to keep me busy.

'Si Gabrielle Bethany ay maganda. Nahihirapan siya dahil dito. Pakiramdam niya ay isa itong sumpa at naiinggit sa kanya ang mga diwata kaya tinanggal ang alaala niya—' I typed.

"Gab." Hinawakan ni Mikel ang kamay ko para pigilan. "Bakit ganyan ka pa din?" He asked. Tiningnan ko siya ng nahihiya.

"Eh kasi nahihiya ako sa kanila kasi nakita nila na umiiyak ako! Baka isipin nila na para lang pumayag ka na sumali ako sa Miss DVC, umiyak pa ako sa pagmamakaawa. Hindi ako dapat umiyak."

"Lahat ng tao umiiyak, Gabrielle."

Umiling ako, "Hindi kaya. Hindi ka naman umiiyak." Hindi ko maalalang umiyak si Mikel noon. Ang alam ko, siya ang mas matatag sa aming dalawa. Siya ang naging lakas ko. Siya ang nagsasabi sa akin na mas bagay sa akin ang masaya at nakangiti. Na hindi ko kailangang umiyak dahil nandiyan naman siya. So I smile most of the times, and he made me happy as far as I can remember.

"You just don't know." Pabulong ngunit may diin na sabi ni Mikel, kitang kita ko ang intesidad ng emosyon sa kanyang mga mata. Maya maya ay lumambot din ito nang tumingin siya sa akin.

"D-do you want to go out?"

"Hm?"

"Day off."

"Lunes pa lang eh.. Madami tayong gagawin."

"I have a lunch meeting outside, please come then. I need someone to write the minutes. Bring your notes." Tumalikod na si Mikel at nagtungo sa kanyang lamesa para patayin ang kanyang laptop. Inintay niya akong maghalungkat ng gamit mula sa drawer ko, tanging notebook at ballpen lang ang kinuha ko. Humarap ako sa salamin at saka pinindot pindot ang gilid ng mga mata ko na namamaga dahil sa pagluha.

Grabe, bahagyang naningkit ang mata ko at naging kamukha ko si Angel Locsin. Nakakahiya naman ang ganito, umiyak na nga, mukha pa ding diyosa, asan naman ang hustisya para sa iba?

Hindi ko namalayan na nakatayo na pala si Mikel sa harapan ko, pinagmamasdan akong manalamin. Nahihiya kong ibinalik ang salamin ko mula sa drawer at saka binitbit na ang bag ko.

Dating My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon