Ex 21

31.1K 980 69
                                    


"She was dehydrated but she's fine. Tumaas ng kaunti ang blood pressure niya dahil sa init. Kailangan niya lang magpahinga, Mikel. Make sure she'll wear loose clothes. Bakit ba kasi naka-leather suit si Gabrielle?" Narinig ko ang pamilyar na boses nang magkaroon ako ng malay.

"You know, she's like that. Kung ano ang maisipan, pinaninindigan."

"Pupwede na kayong umuwi pero huwag mo munang ibyahe si Gabrielle. Mukhang mahina ang immune system niya kaya hindi matagalan ng katawan niya ang extreme weather condition kagaya ng summer. Why don't you give her a short break?"

Hindi kumibo si Mikel kaya nagmulat na ako ng mata.

"Gab, how are you? Are you okay? Bakit kasi hindi ka nagpalit ng damit? You made me worry." Parang gatilyo ng baril na sunod-sunod ang pindot ang katanungan ni Mikel.

Umirap ako. "Kasalanan mo ito, Mikel. I thought to be Lara Croft today and bring you the truth. Unfortunately, this day is not as action packed as I thought."

"Sinabi ko naman sa'yong hindi na iyon mahalaga, 'di ba?"

Mas lalong umasim ang mukha ko pero napansin ko ang doctor na nasa aking harapan "Uy! Hi Doc Red." Pormal na tumango naman sa akin ang doktor na pinsan ni Mikel.

"Gabby, I am talking to you!"

"Oo na, ito naman ang seloso. Mahalaga iyon dahil pinagbintangan mo ako. Akala mo naman, niloko na kita."

Sabay na natahimik ang magpinsan at nagkatinginan. Binalikan ako ng tingin ni Mikel na nakangiti. "Nakaleave ka naman ng isang linggo. Siguro ay magbakasyon muna tayo dito."

"Mikel." Pakli ni Red na parang nagulat.

"Kakausapin ko si Lola. Tulog na din iyon ngayon pero uuwi muna kami sa ancestral house. Magkita na lang tayo bukas."

Inintay ako ni Mikel na makapagpalit ng damit. Kinuha niya mula sa mga gamit ko ang isang puting dress na bitbit ko. Humarap ako sa salamin at napansing namumutla pa din ako. Siguro ay kailangan kong kausapin si Mikel na bumalik kami sa Maynila. Hindi na niya kailangang samahan ako na magpahinga lalo pa't marami siyang ginagawa.

Hindi ko agad tuluyang binuksan ang pinto ng private room kung saan ko naulinigang naguusap ang magpinsan.

"Mikel, you know how Lola will react on this."

"Wala siyang maalala, Red. I am helping her. Lola should understand her too, as I did. Kung ako nga ay nagpatawad, bakit hindi siya?"

"Because she saw everything and she thought what she did was unacceptable. I think so, too. But I trust you, Mikel. Don't do the same mistake twice."

Pakiramdam ko ay mahihilo ako ulit. Ang katotohanang pilit na itinatago sa akin ni Mikel ay parang mapanakit na punyal na sinasaksak ako paulit ulit. Nasa harapan ko pero hindi ko maaawat. Sinasalo lang nito ang mas masakit na saksak sa bawat pagkakataon.

Sinarhan ko muli ang pinto at saka patuloy na pinasadahan ng daliri ang aking buhok. Pumikit ako at huminga ng malalim, pagkatapos non ay ngumiti ako at saka muling hinila ang pinto.

"I am ready!" Maligayang anunsiyo ko. Tipid na ngumiti si Red, ganon din si Mikel.

Maigsi lang ang naging biyahe mula sa ospital patungo sa ancestral house nila Mikel. Walang masyadong nagbago. Binalot ako ng masasayang alaala nung madalas kaming nandito ni Mikel. I remember how he tried to go up at a coconut tree at the lawn to give me fresh buko and how he fell. I was so guilty about it. I made him go up but I did not catch him when he fell. I was so unfair.

Dating My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon