Chapter 2

308 10 0
                                    

Chapter 2

Live interview


Maybe this moment of my life right now could be define as the best and worst scenario. Kung ano anong tumatakbo sa utak ko, isama mo pa ang kabog ng dibdib ko. Paulit ulit din namang pinapaalala ni Amy sa akin na huwag akong kakabahan dahil isang interview lang naman daw ang gaganapin. Yes, live interview! Hindi ko inakala na haharap ako sa national television nang on the spot! Amy prep me for the questions pero syempre, hindi ko pa rin alam kung anong posibleng itanong nila sa akin.

And I don't want them to invade my personal life, ayon ang napagkasunduan sa interview na 'to at sana tumupad sila doon dahil kung hindi, hindi na rin nila ako makikita sa building nila.

Why would I thought na babalik sa building? First and last na nga 'to diba, and that's my final decision.

Pagkapasok ko pa lamang ng studio ay nabingi naman ako sa hiyawan ng mga tao. Ang ilan sa kanila ay sabay sabay na nagtaas ng kanilang phone. Iniiwasan kong hindi kabahan pero inaatake pa rin ako kahit anong gawin kong pag ngiti.

Binati naman ako ng host at pinaupo ako sa isang cream couch doon. Nakita ko naman si Amy sa audience na nakaupo, she reminded me to smile always kaya naman nanginginig na ang mga labi ko.

The crowds cheered once again when the host welcomed me once again. Kung ano anong ka-echosan pa ang mga pinagsasabi niya na hindi ko naman maintindihan. May pinanood saglit na isang video at pinapalabas doon ang pagbloom ko sa social media. Iba nga talaga ang feeling kapag mismo ikaw na ang pinanood nila.

So when the vtr ended, nasa akin na ang atensyon nila. Nanuyo bigla ang lalamunan ko kaya naman pasimple pa akong lumunok ng laway saka ngumiti sa kanila.

"So, Reena, everyone knows you by your gorgeous face. Anong masasabi mo na ikaw ang ngayon ang pinakamagandang babae sa buong mundo, how's that feel? Kasi alam mo, gusto ko rin 'yan maranasan." Hagikgik pa nito.

"Ah," how to start? Napagpraktisan namin 'to ni Amy at sana walang kung ano anong salita ang lumabas sa bibig ko. "I am grateful to have that title, I wasn't expecting like that. Everyone one of us is beautiful—"

"Yes, we know that." The host interrupted. "Oh, continue Reena." Ngiti pa nito.

"For myself, hindi ko naman iniisip 'yong mga ganyan. I am lucky enough to live in the world we know, hindi siya big deal sa akin, but for those who appreciate me, thank you."

"Wow, we see that Reena." She replied. "So, except for being beautiful, anong ginagawa mo ngayon? I mean, pinagkakaabahalan mo?"

"Hmm, I graduated interior design in UP Diliman, so freelance lang ako for now but I'm actually looking forward for future projects."

They were amazed what I said, "wow naman, Reena, hindi ka lang pala babaeng may ganda kundi may talino rin." Aniya, "perfect ka nga talaga, Reena! Palakpakan naman natin siya!" at nauto naman ng host ang mga audience na magpalakpakan.

Nang tingnan ko naman si Amy at Scott sa audience ay tuwang tuwa naman sila at nakikipalakpak din. Kinakalma ko na lang din naman ang sarili ko kahit gustong gusto ko ng maduwal sa sobrang kaba. Nang humupa naman ang kanilang palakpakan ay bumalik ulit sa akin ang atensyon.

"So, syempre Reena, gusto malaman ng karamihan kung paano ka sumikat sa social media, pwede mo bang ikwento sa amin?" aniya.

As what we practiced, iyon ang gagawin ko.

Imperfections of Being PerfectWhere stories live. Discover now