Chapter 14

121 4 0
                                    


Chapter 14

Magazine


After we flew back on manila, natigil muna ang shooting namin. For the second episode ay gagawin namin naman daw iyon sa Palawan. Naka-set na rin ang schedule ko this week, ila-launch na rin ang magazine kung saan ako ang front cover doon. Naipadala na sa bahay ang complimentary copies ko kaya naman agad kong tiningnan ang laman na iyon.

Just like what I said on the interview ay wala naman silang binago or ni-rephrase doon, mga words ko talaga ang nilagay nila doon. May mga instance kasing pinapalitan ang mga sinasabi ng personality kaya minsan iba ang dating sa mga nagbabasa.

"Amy, tingnan mo 'tong mga pictures." Tawag ko sa kanya, lumapit naman si Amy sa akin.

"What the?" gulat din naman niya ng makita ang mga pictures doon. "Ayan talaga ang nilagay? Where's the other pictures?" tanong pa nito.

"I already scan the pages, wala nang iba." Sabi ko naman sa kanya.

Napairap na lang din naman ito. "I know Miss Toche is pretty to do something good pero hindi ko naman gusto 'yong puro ganyan ang mga nilagay niyang pictures."

"Must be the photographer's idea?" tanong naman ni Scott.

Napasinghal din naman ako, "hindi rin, Scott." Aniko. "Kung alam mo lang pinagsasabi niya sa akin no'n, malalaman mong talaga kung ano gusto niyang ipahiwatig." Aniya.

Napakibit balikat na lang din naman siya. "You're still beautiful, anyway."

"As always what you said." I grunted.

Sinara ko na rin naman agad ang magazine. Okay na sana eh, hindi ko lang gusto ko ang mga pictures na pinaglalagay nila. Masyadong daring at 'yong sinasabi nga nila na show more skin ang peg. Hindi ko kinaya iyon.

Tumayo na rin naman ako, kailangan before 2pm ay nandoon na kami sa venue. Nauna naman ako sa kanila na tumungo palabas ng pinto. Napatingin naman ako sa floormat. Hindi ko alam pero 'yong feeling na umaaasa kang may letter ulit na makikita diyan. Since I came back from boracay, akala ko may makukuha ulit akong letter pero wala.

Kailan kaya ulit ako magkakaroon ulit?

Hanggang ngayon kasi umaasa pa rin akong makikilala ko siya.

Tinapik naman ni Scott ang balikat ko, "tara na sa kotse." Aniya.

Sumunod na rin naman ako sa kanya at pinagbuksan niya ako ng pinto. Baliw din ito eh 'no. Sumakay na rin naman si Amy at pinaandar ni Scott ang sasakyan. Sa Glorietta gagawin ang launching ng magazine.

Mayamaya lamang may nagtext sa phone ko kaya kinuha ko ito.

Simoun:

Are you free after your event? Text back if you are. #SBJ

Natawa naman ako dahil hindi niya talaga nakakalimutang lagyan ng hashtag iyong mga texts niya sa akin. Pinagsabihan ko naman siya na 'wag na niyang gawin iyon pero hindi eh, ayaw niya rin, mapilit rin ang gwapo.

Naalala ko rin no'ng nasa boracay pa kami. Nagising na lang ako sa hindi ko kwarto. Hindi ko alam kung paano ako napunta doon kaya naman nataranta ako pero pagkalabas ko naman doon at napasandal na lang sa pinto ay naalala ko kung paano ako—kami napunta doon.

I was with Simoun, umalis kami sa kwarto namin ni Amy at pumasok sa isang kwarto na vacant at doon... may nangyari. I act like nothing happens, hindi naman siguro nila kailangan iyon malaman. Private na iyon and siguro naman, kailangan ko ring magsaya. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon nasa ibang tao na lang din ang atensyon ko. I'm on the right age, no one should care about that.

Imperfections of Being PerfectWhere stories live. Discover now