Chapter 12

121 4 0
                                    

Chapter 12

normal


I got lots of feedback from my books since the day it was launched, patuloy pa rin naman ang delivery sa mga bookstores nationwide. They even wanted it to sell international, I know my books will help a lot of girls kaya naman natutuwa ako na puro positive ang natatanggap ko from social medias. I got fanmails, gifts from my supporters. I indicated the address of Flash Star para doon dumirekta ang mga ibibigay nila sa akin at ang management naman ang magbibigay noon sa akin.

Kahit nga sa building ng Flash Star, ang ilang empleyado doon ay napapapirma pa sa akin kahit working hours. Nakakatuwa lang ang response ng mga tao sa akin. Sa libro ko. May mga naiintindihan naman akong ayaw talaga sa akin pero may magagawa ba ako? Hindi ko naman ipinagmamalaki ang sarili, on the other hand ay gumagawa pa nga ako ng paraan para tulungan ang ibang babae na katulad ko.

Papunta kaming tatlo sa aiport ngayon, nag-uber na lang din kami. Magsisimula na kasi ang shooting namin for the travel series. Sinabi rin ni sir Gelford dahil summer naman daw, karamihan ng location na pupuntahan namin ay beach and some of them are historical sites. Excited na ako dahil hindi na rin ako nakakapaglibang-libang, 'yong mga gusto kong gawin.

Pagkarating namin sa airport ay nakita naman namin ang staff and crew, napatingin naman ako sa kaliwang gawi nang matanaw ko si Simoun na tagong tago sa kanyang hood. Ayaw mapahuli sa kanyang mga fans kuno. Wala naman akong suot na disguise o kahit na anong echos sa katawan. Ang suot ko nga lang ay leggings at jacket tapos ang bungad pa sa akin ng mga tao ay ang ganda ko daw kahit simple lang ang suot.

Nag-check in na rin kami, thirty minutes na lang din ay papasok na kami ng eroplano. Naghintay naman kami ng isang saglit at tumungo na kami sa gate namin. Naupo naman kami sa seat number namin, magkakatabi naman kaming tatlo.

Sinabi ko na rin kay papa na magsisimula na ang shooting namin at ang first location namin ay ang Boracay. I wanted him to come with me pero hindi naman papayag ang management kung pati siya isasama ko pa, but I promised him to come with me. There will be seven local locations ang pupuntahan namin at isa na nga doon ang boracay. Ang sunod ata ay ang underground river sa Palawan. Ilang beaches sa batangas at resort sa laguna. Hindi ko pa alam ang internationals dahil fina-final pa rin iyon ni Sir Gelford.

Nang tanawin ko si Simoun sa kanyang upuan, kinawayan naman ako nito at nginitian ko lang din siya. Sumandal na lang din naman ako sa upuan ko at pinikit ang mga mata.

Almost 40 minutes ang naging biyahe. Bitin na bitin naman ang tulog ko. Sinuot ko naman ang sunglass ko pagkalabas. Kinuha rin naman namin ang mga bagahe namin sa carousel. Dumaan muna ako ng comfort room, sinamahan din naman ako ni Amy papunta doon pero ako naman itong tatanga tanga, nakabundol pa ako.

Napatingala naman ako sa lalaking nabundol ko at nahinto naman ako ng makilala ko ito.

"Reena?" aniya.

"Tito?!" hindi naman ako makapaniwala.

"Reena, baby!" napatingin naman ako sa tumawag ng pangalan ko. Nagulat naman ako dahil hindi ko inaasahan na makikita ko sila dito. Nang makalapit naman sa akin si mama ay ang higpit ng pagkakayakap nito sa akin. "Why you're here?" tanong naman nito sa akin.

"Hi tita!" bati naman ni Amy sa tabi ko, binati rin naman siya nito pabalik. Medyo nakakapanibago lang. Anong ginagawa nila dito sa boracay?

"Ahm, may taping kami ngayon sa show namin ni Simoun dito sa boracay."

"Good thing na nandito rin kami!" galak naman na sabi ni mama. "I've seen you a lot on tv's nowadays, I'm so proud that you are my daughter." Ani mama at hinalikan ako. "So where's Simoun?" tanong pa nito.

"Oh, they were waiting for us, mag cr lang kasi kami ni Amy." Sabi ko pa. "Teka ma, hindi ko na talaga kaya." Pagmamadali ko pa, natawa na lang din naman sila.

Pagkapasok ko naman ng cr, agad akong pumasok ng cubicle. Nagmamadali naman ako dahil ayokong ma-miss na makasama ulit sina mama. Pagkahugas ng kamay ay agad ko silang binalikan doon. Isinama ko naman sila kung nasaan ang staff and crew.

Hinawakan naman ng stepfather ko ang ulo ko at ginulo ang buhok ko. Natawa na lang din naman ako sa ginawa niya. Minsan iniisip ko na lang ang kaligayahan ni mama kaya hinahayaan ko na lang siya. Iyon naman ang mahalaga. Pero naaawa naman ako kay papa, he deserves her pero pinagpalit naman siya.

Hindi ako galit sa stepfather ko, he makes her happy... and so was my father.

Nang makalapit naman kami sa kanila, no'ng una ay nagtaka pa sila dahil bakit may kasa-kasama ako. Agad namang lumapit si Scott kay mama at sa stepfather ko habang sila Simoun ay walang idea.

"Guys, my mom and my stepfather." Pagpapakilala ko, doon lang nila narealize na magulang ko pala iyong kasama ko.

Nagtaka pa sila kung sinabihan ko daw ba silang pumunta rin dito pero ang sabi ko naman ay hindi ko rin naman alam na pupunta rin sila dito.

Actually this moment is on cam. Travel series nga diba? So parang vlog ang nangyayari sa amin ngayon. But I talk to the crew na 'wag na sanang isama iyon at pumayag naman sila. Nagkahiwalay rin naman kami ng sasakyan dahil may van na naghihintay sa amin. Habang sila mama naman ay sa taxi sumakay.

"You never told na may stepfather ka pala?" tanong naman ni Simoun sa akin.

Napangisi naman ako, "almost everyone knew that—if happens you read my book, alam mo na 'yon."

Napakibit balikat naman siya sa sinabi ko, "you didn't give me a copy." Tawa pa nito. "I wanted it came from you and of course, your dedications." Aniya pa.

"Oo na, pagbalik natin ng manila, nandoon ang complimentary copies ko." sagot ko naman sa kanya. "Teka nga pala Simoun, anong balak mo 'don sa sinasabi mong mag-stay ka na dito for good?"

He shrugged, "I still have no idea about that, siguro kapag natapos ang series ay pag-iisipan ko 'yan." Aniya.

Napatango rin naman ako, "dalhin mo ako sa london ha?"

Napangisi naman ito, "sure, wherever my girl would wanted to be."

Napangiwi na lang din naman ako sa sinabi niya. Minsan hindi mo na lang talaga maiintindihan ang mga pinagsasabi niya o dahil iyon ang nakasanayan niyang kultura. Hindi ko na rin in-open ang usapan about 'don sa biglang paghalik niya sa akin noong book launch ko. Nakakagulat naman kasi talaga pero hinayaan ko na lang.

Third time ko pa lang ulit nakabalik ng boracay habang pangalawa pa lamang ni Simoun. Dito siya nadiscover kaya dito rin gagawin ang una naming episode.

Narating din naman namin ang hotel na pagtutuluyan namin. Magkasama kami ni Amy sa iisang kwarto habang nakasama naman ni Scott si Simoun sa kabilang kwarto. May camera naman na nakatutok sa amin at kung ano ano na lang din ang ginagawa namin at pinagsasabi. Sinusuri ang room na tinuluyan at kung kuntento ba ako sa mga facilities dito. Just like a normal travel show, mga tips and such ang makukuha nila sa amin.

Pinaghanda naman kami ng staff para sa lunch namin, iyon ay magkasama na kaming dalawa ni Simoun at para na talaga 'to ng episode one.

On the whole day ay ginawa namin ang episode one, hindi pa nga tapos dahil hindi pa namin nata-try ang ibang activites dito, so I guess, ilang araw nga talaga naming gagawin ang isang episode lang. I know this take a few months para matapos ang thirteen episodes at excited din naman ako sa magiging outcome nito eh.

Nang magpapahinga na rin naman ako dahil sa sobrang pagod ay bigla namang sumampa si Amy sa kama ko.

"Ano ba 'yan?! Matutulog na ako eh."

"Nagtext na si Miss Anatoche, next week na ang launch ng magazine na ikaw ang front cover. She gave the schedule kaya after nitong shooting natin, stay muna tayo sa manila for your launch."

Tumango na lang din naman ako sa kanya, walang gana dahil inaantok na talaga ko.

I know a lot of works has come tomorrow, hindi ko naman inakala na ganito pala kahirap maging most beautiful girl in the world. Ang hassle maging maganda, nakakamiss maging normal sa tingin nila.

Imperfections of Being PerfectWhere stories live. Discover now