Chapter 4

221 7 1
                                    

Chapter 4

For Reena's eyes only


Before we headed to the pictorial, dumaan muna kaming dalawa ni Amy sa isang coffee shop. Kailangan maging gising ang katawan ko ngayon, hindi naman siguro bakbakan ang pictorial ano? Hindi pa ako nakakatry ng formal pictorial though nagkaroon ako ng photoshoot noon for my debut pero duh, kailangan naman daw kasi talaga iyon kaya no choice ako.

Habang nasa mesa kaming dalawa ni Amy ay hindi rin naman kami tinigilan ng ilang customer. Ang iba ay nagkakatulakan pa para lang makalapit sa akin, 'yong iba naman ay walang pakelam—siguro dahil hindi nila ako kilala o wala lang talaga silang pake sa akin. Iyong mga waiters' din, pinapagalitan na sila ng manager nila pero nakukuha pang magpapicture sa akin.

Niyaya na ako ni Amy na umalis dahil masyado nang nagiging crowded ang loob ng coffee shop. Kapag may lumalabas kami ay mukhang pinagkakalat kaya ayon, tinitingnan talaga kung ako nga ba talaga ang nandito. Hindi rin kami aalis hanggat wala pa si Scott. Tinawagan na namin siya kanina at on the way na siya pero magthi-thirty minutes na ay wala pa rin siya.

"Tawagan mo nga ulit." Sabi ko kay Amy.

She dialed Scott's number, dalawang babae naman ang lumapit sa akin at nagtanong kung pwede daw magpapicture. I was gladly to accept their permission pero hinarangan naman sila ni Amy at nalungkot ang dalawang babae na umalis.

"Hindi mo dapat ginawa 'yon." saway ko sa kanya.

Tinitingnan niya lang ako, hindi pinapansin ang sinasabi ko dahil kausap si Scott sa kabilang linya. Nang ibaba niya ay tinaasan naman niya ako ng kilay.

"Not all the times, kailangan mo silang bigyan chance Reena."

"Eh? I'm just being kind to them." Kunot noo ko pa.

"If you give them what they want, hindi ka na nila susundan. I mean, kapag may nagpapicture na sayo. Hindi ka na nila pupuntahan kasi may picture na kayong dalawa, get my point?" taas kilay pa nitong sabi sa akin.

Napailing na lang din ako at napabuntong hininga, "I didn't like this fame, Amy. You know, maybe tomorrow, I'm not the one whom they'll crazy about."

She didn't respond at nagbasa na lang ng tweets sa kanyang phone. Hindi rin nagtagal ay dumating na si Scott, pagkaalis namin sa mesa ay halos matigilan naman ako na ang ilang kalapit table namin ay nag-agawan sa cup at tissue na ginamit ko.

"Who says they you'll gonna lose the fame, Reena?" ngisi pa ni Amy.

Napabuntong hininga naman ako. "I didn't expect that to happen."

May ilang sumunod sa amin sa sasakyan. Tila naging instant paparazzi ang mga datingan nila. Todo tago naman si Amy sa pagmumukha ko at nang makapasok sa kotse at agad namang pinaandar ni Scott at tinulak ang papunta sa building na pupuntahan namin.

As we came to the FlashStar—the company's name, we're glad na walang mga paparazzi sa labas ng building kaya naman nakapasok kaagad kami. Peti met us on the hallway, may pinuntahan naman saglit si Scott, sabi niya ay kukuha lang daw siya ng sticker sa sasakyan para pwede nang pumasok sa private parking. Sabi ko nga hindi naman niya kailangan gawin 'yon, hindi naman kami magtatagal sa company na ito.

Dinala naman kami ni Peti sa isang studio kung saan gaganapin ang pictorial.

"Miss Toche will come here soon, na-traffic lang siya pero on the way na." anito sa amin, "You can prep na naman Reena, the hairstylists are waiting for you."

Imperfections of Being PerfectWhere stories live. Discover now