Chapter 19

133 4 0
                                    

Chapter 19

You've been busted


Dinala naman ako ni Harriet sa isang kainan pero bago pa man kami makarating doon ay bigla na lang din may sumugod kay Harriet at sumalampak na lamang ito sa lupa. Nang makita ko naman si Scott ay agad ko naman siyang pinigilan na suntukin muli si Harriet. Tumayo namang mag-isa si Harriet at pinapakalma ko naman si Scott dahil ang agresibo niya bigla nang makita niyang magkahawak ang kamay namin.

"Sino 'yan, Reena? Baka mamaya miyebro 'yan ng budol budol gang." pagtukoy pa niya kay Harriet.

Agad naman akong umiling, "hindi Scott, siya si Harriet. Nakakagulat pero siya nga 'yan. Hindi siya budol budol gang okay?" aniko.

"Reena's right, I'm Harriet... you can come with anyway." anito.

"Kahit hindi mo sabihin, hindi ko iiwanan si Reena."

Napakibit balikat na lang din naman si Harriet at isinama na nga namin si Scott. Pagkarating namin sa isang kainan doon ay pina-order pa kami ni Harriet kung ano gusto naming kainin pero inumin na lang din naman ang kinuha ko. Si Scott ang nagdemand ng makakain.

"Sinong tinatawagan mo, Scott?" tanong ko sa kanya.

Nilayo naman niya saglit sa kanyang tenga ang phone, "si Amy, tinatanong kung okay ka lang daw ba. Saka umiiyak si Riley, ayaw daw tumahan." anito.

"Sige nga, pakausap nga muna." aniko.

Kinausap naman ni Scott na ilapat ni Amy ang phone sa tenga ni Riley para makausap ko. Napatingin naman ako kay Harriet na nakangiti naman sa akin. Kinausap ko naman si Riley, umiiyak ito pero simula nang magsalita ako ay tumahan na rin naman ito. Nang si Amy na rin naman ang sumagot ay ako naman ang kinausap nito saka binaba ko na ang tawag.

"I see that your happy." ani Harriet.

Napangisi naman si Scott habang kumakain.

Napangiti na lang din ako, "yes, iniisip kasi ng iba malas ang nangyari sa akin pero hindi ko iniisip na malas dahil dumating sa akin si Riley ngayon." aniko, "anyway, starts with the pictures, why did you do that?"

Napantingin naman si Scott kay Harriet, "so ikaw rin pala talaga ang may pakana no'n 'no? Hindi kasi kita namukhaan noon kaya hindi ako sigurado pero pwede ba kitang suntukin ulit ngayon?"

Natawa naman si Harriet, "one time is enough, bro." aniya, "just let me tell it to her, just listen."

Tiningnan ko naman si Scott, "you heard that, just listen."

He rolled his eyes, "whatever." aniya at bumalik sa kanyang pagkain.

Umayos naman ng pagkakaupo si Harriet at uminom sa kanyang juice. "So, it started when I saw you at the restaurant. Noong una, wala naman akong pakelam, kasama ko mga kaibigan ko noon pero imbis na sa usapan namin ako nakatuon sayo napupunta ang atensyon ko. Sa tuwing tumatayo ka para pumunta sa buffet table, I was so struck that time. Hindi ko na inalis ang tingin ko sayo and I sneak a picture of you, nakita kong nakatingin ang kaibigan mo, akala ko sisitahin ako pero hindi pala."

Napangisi naman si Scott, "bugbugin pa kita no'n eh." 

"Scott, ano ba." saway ko naman dito. "'wag ka na lang makisabat, okay?"

"I'm just--ah, fine." He sighed in defeat.

"Actually, I posted your picture on my account to know who you are but in the next few days, it gains like and shares. Nafeature sa ilang sites at naging headline na most beautiful girl in the world. And when I knew your name, hindi na kita pinakawalan."

Imperfections of Being PerfectWhere stories live. Discover now