Lies Of Destiny

66 6 3
                                    

"Everything is a complete mess, Trina! What are you planning to do now?!" singhal sa akin ng kaibigan kong si Lyka.

Wala akong masagot sa tanong niyang iyon. Umiling lang ako sa kan'ya habang patuloy ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata.

"Kasalanan ko ito, eh. Kung hindi lang sana kita ipinagtulakan sa pinsang kong manloloko, hindi ka sana—,"

"H-Hey! Hindi mo kasalanan Lyka," pagtitigil ko sa kaniya.

Tignan mo ang babaeng ito, sinisisi pa ang sarili.

"Sorry Trina. Forgive me, please?" Humagulhol narin sa iyak si Lyka.

Nandito naman kami sa kwarto niya kaya walang makakarinig kahit umatungal pa kami sa iyak.

"Ano ka ba? S-Sabing wala kang k-kasalanan eh." Nauutal kong pahayag. Hinahagod ko ngayon ang likod niya dahil dinaig pa ang pag-iyak ko eh.

"Does that mean, I'm forgiven?" Pumungay ang mga mata niya na waring batang sabik na sabik sa sasabihin ng kan'yang ina.

Well actually, I feel like a mother every time she acts this way.

"Kahit wala kang kasalan, sige, pinapatawad na kita." Niyakap ko siya nang sobrang higpit habang nakangiti. Ang gaan lang sa pakiramdam na kahit ganitong problemado ako, nakakaya ko paring ngumiti dahil sa kaibigan kong ito.

"Nakakainis talaga kasi si Kuya Ge—,"

"Don't mention his name, please?" Nakapikit kong pahayag. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko kaya minulat ko ulit ang mga mata ko.

"Sorry Trina. But, are you gonna break up with him?" Puno ng pag-aalala niyang tanong. Muling sumagi sa aking isipan ang nangyari kanina.

×Flashback

Tapos na ang last subject ko para sa araw na ito nang yayain ako ni Geon na pumunta sa park dahil may sasabihin daw siyang mahalaga.

I was with Lyka and Tonette that time. Sinabi ko sa kanila na niyaya ako ng boyfriend ko kaya hindi muna ako makakasama pauwi.

"No problem friend. Enjoy your date." Pahayag ni Lyka at hinila na si Tonette paalis. Nginitian ko nalang sila at nagsimula na akong maglakad papunta sa park na hindi naman kalayuan sa school.

Malayo pa lang ako ay nakikita ko na siyang mag-isang nakaupo sa swing. Agad ko siyang nilapitan.

"Hi." Bati ko. Nang makita niya ako'y agad siyang tumayo at niyakap ako ng sobrang higpit.

"I miss you." Bulong niya sa akin. Napangiti ako sa kawalan sa sinabi niya.

Niyaya niya akong maupo sa isang bench na madalas naming upuan sa tuwing nagkikita kami dito.

"I r-really miss you." Nanginginig ang labi niya sa pahayag niyang iyon. Na-weirduhan naman agad ako sa kaniya.

"Hoy, ano bang nakain mo at miss na miss mo ako ha? Parang di tayo nagkita kahapon ha?" Natatawa kong sambit.

Naramdaman ko ang bigat ng hininga niya habang nakatingin sa likuran ko. Balak ko sanang lumingon nang magsalita siya ulit.

"I will m-miss you." Nahimigan ko agad ang lungkot sa boses niya.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Ayos ka lang ba? May sakit ka ba?" Nag-aalala kong tanong habang hinahawakan ang kaniyang magkabilang pisngi. 

Dahil sa pagsipat ko sa kan'yang pisngi, hindi ko namalayang nagkalapit na pala ang mukha namin. Napatitig ako sa mata niyang nakatingin ngayon sa labi ko. Dahan-dahan niyang inilapat ang labi niya sa labi ko.

Lies Of Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon