Eighteen

4 2 2
                                    

Do it, Trina

Trina's POV

"Let me go!" I hissed.

Binitawan naman niya ako pero hindi niya ako hinayaang makawala sapagkat itinulak niya ako papasok sa kotse niya.

"What the! My Ghaaad, Geon! What are you doing?!" Patuloy kong pagsigaw habang nagmamaneho siya nang napakabilis.

"Quite, Trina!" Sigaw niya pabalik.

Hindi ko siya sinunod. Tinanggal ko ang pumps ko at sinubukang buksan ang pintuan. Tatalon ako. Mangyari na ang mangyari sa akin, ayaw ko lang siyang makita at makasama ngayon.

"The hell Trina! Stop that!" Gigil na gigil na saad niya bago niya cli-nick ang automatic car at pinigilan niya akong mabuksan ang pintuan.

Yinakap niya na naman ako. Humagulhol ako sa iyak. Bakit ba ako nandito? Bakit ba ako niyayakap ng k-kapatid ko?

"Let me go!" Mahina kong saad.

"Huwag kang aalis."

"Fine."

Tinanggal na niya ang pagkakayakap sa akin at ipinagpatuloy niya na ang pagmamaneho niya.

Sa buong byahe, tahimik akong umiiyak. Paminsan-minsan akong sinusulyapan ni Geon. Ginugol ko nalang ang oras ko sa pagpunas sa mga luhang patuloy na lumalabas sa dalawa kong mata.

Mamaya ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Jeff. Napatingin din si Geon sa cellphone ko at agad niya itong hinablot.

"Geon.." Mahina kong saad.

"You don't have to answer this." Mahina niya ring saad.

Napa-iling nalang ako at pinayabaan siya habang may tinitipa siya sa cellphone ko at mamaya ay pinatay niya na ito.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kan'ya.

"Hmmm.."

Hindi siya sumagot.

Maya-maya pa ay tinigil niya ang sasakyan sa harapan ng isang malaking building. Condominium yata ito. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pintuan.

Hinablot niya agad ang kamay ko at kinaladkad ako papunta sa elevator. Kaming dalawa lang ang nandito kaya dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya sa kamay ko.

"Susunod ako." Nakayuko kong saad.

Tumango siya at pinindot ang number 15. Nang bumukas ang elevator ay sumunod parin ako sa kan'ya papunta sa isang suite. Binuksan niya ito. Pumasok kaming dalawa.

Umupo agad ako sa sofa at pinagmasdan ko siyang nagtatanggal ng sapatos at tuxedo sa harapan ko. Naka-simpleng T-shirt nalang siya na puti na tumabi sa akin.

Tulala lang akong tumingin sa kan'ya. Nang umupo siya sa sofa ay nagkatinginan kami. Hindi siya nagpakita ng anumang klaseng emosyon sa kan'yang mukha. Tumikhim ako at ibinaling ko sa iba ang paningin ko.

Nagulat naman ako nang maramdaman ko ang daliri niya sa mukha ko. Pinunasan niya ang natirang luha at ang nasirang make-up sa mukha ko dahil sa pag-iyak ko.

Sumimangot ako habang pinagmamasdan ang mukha niya na malapit sa akin. Naghanap ako ng isang pagkakapareha sa mukha namin. Magkapatid ba talaga kami? Totoo ba lahat ng sinabi ni Jeff? Magkapatid ba kami nitong lalaking hanggang ngayon ay mahal ko parin?

"Trina.."

"Hmmm?"

"I'm so inlove you.." Saad niya na parang kinanta sa sobrang klarado ng boses niya.

Lies Of Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon