Five

19 5 0
                                    

I'm So Frustrated

Trina's POV

"Samahan na kita?" Pagyayaya niya. Sinabi ko kasi sa kan'yang may bibilhin ako sa mall saglit.

"Ahh.. Sige. Pero, uhmm.. Magko-comute lang ako." Saad ko. Si Kuya kasi ang mahilig maghatid sa akin eh. Kaso iyon nga, galit siya sa akin. Meron naman akong scooter kaso tinatamad akong magmaneho.

"Naku, may sasakyan naman ako." Nagliwanag naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Talaga? Pero, huwag na." Saad ko. Nakakahiya naman kasi eh.

"Ayaw mo? Bakit naman?" Tanong niya. Napatingin ako sa kotse niyang kulay gray. Waaah! Ang ganda!

"Nakakahiya kasi." Narinig kong natawa siya saglit kasabay ng paghigit niya sa akin.

Nagtaka naman ako kasi hindi niya ako hinihila papunta sa sasakyan niya kundi hinihila niya ako sa kabilang direksyon.

"Oh? Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang patuloy parin ang paghila niya.

"Sa mall." Simpleng sagot niya.

"Huh?" Hindi na ako nakapagsalita pa nang pumara siya ng jeep at hinila niya ako papasok.

"Ayaw mo kasing sumakay sa sasakyan ko eh." Bulong niya habang magkatabi kami. Naku, kung alam mo lang kung gaano ko kagusto sumakay doon eh.

Nakarinig ako ng hagikhikan sa harapan naming upuan. Tatlo silang babae na mukhang ka-edaran lang namin. Nakatingin sila ngayon kay Sipa na ngingiti-ngiti lang.

Napanguso naman ako sa kalandian ng isang 'to.

"Nagseselos? Hahaha." Mahinang bulong niya. Pumula naman ang mukha ko at inirapan siya.

"Huwag masyadong assuming, Kuya." Maarte kong saad. Nagulat naman ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"Hoy, ano ba?! May gusto ka sa akin 'no? Huwag—,"

"Ayan 'yong bayad ko. Paabot kay Manong." Pahayag niya. Napatingin naman ako sa kamay kong may bente pesos.

Napakagat-labi ako sa inasta ko sa kan'ya.

"Libre na kita." Saad niya na ngiting-ngiti parin.

"Bayad po!" At ipinaabot ko na nga ang bayad namin sa unahan. Hindi ko parin siya tinitignan dahil sa kahihiyang ginawa ko.

"Uhmm.. Kuyang red hair." Napalingon naman ako sa babaeng umagaw ng atensyon ni Sipa.

"Hmm?" Nakangiti niyang tugon. Namula ang mga pisngi ng tatlong babae at halatang kinikilig na ewan.

"Ano pong pangalan mo?" Magalang naman na tanong no'ng babaeng binuhusan ng pintura sa mukha. Wow ha! Ang galang naman nitong makipaglandi.

"Rupo Ontol De Magiba." Natawa naman ako ng mahina sa isinagot niya. Halatang nagulat ang tatlong babae sa ganda ng pangalan ng isang 'to.

"Rupo? Maganda naman ah?" Plastik na ngiti ang isinaad ng babaeng may headband na parang may sungay na kulay pink. Tsk, arte.

"Salamat ha?" Tumango-tango nalang si Sipa habang sinisiko ako.

"Ano ba? Masakit kaya." Bulong ko. Natawa naman siya at pumara na nang nasa harapan na namin ang mall.

Palabas na kami ng magpaalam ang tatlong babae.

"Ba-bye po, Kuya Rupo." Hindi ko na napigilan ang pagtawa nang makababa na kami sa jeep. Seryoso naman ang mukha niya na hinigit na ako papunta sa loob ng mall.

"Anong nakakatawa do'n?" Seryoso niyang tanong habang naglalakad-lakad kami.

"Hindi mo sinabing ang ganda pala ng pangalan mo, sobra. Hahahaha." Napanguso naman siya at inakbayan ako. Pinabayaan ko nalang ang kamay niya.

Lies Of Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon