Ten

22 2 0
                                    

Forgive Me

Trina's POV

"Hainee?" Tumango siya sa akin bago sumubo ng isang kutsara ng kanin.

"Ahh.." Iyan nalang ang nasabi ko sa medyo awkward na nararamdaman ko. Nasa iisang lamesa kami ngayon ni Ms. Mataray, na Hainee pala ang pangalan at iyong lalaking kasunod ko sa pila kanina.

"Mag-ano k-kayo?" Medyo nahihiya kong tanong habang nakatingin sa kanilang dalawa. Nagkatinginan naman sila at parang nag-uusap nang walang boses.

"Special talent." Bulong ko sa sarili.

"We're on a relationship." Medyo matabang na saad nitong lalaking hindi ko kilala. Napataas naman ang kilay ko sa pagtataka.

"Kayo? Sigurado kayo? Eh b-bakit, hindi—,"

"Let's not talk about that." Ngumiti ng pilit si Hainee at nagpatuloy nalang sa pagkain.

Pinagmasdan ko silang dalawa at nararamdaman ko talaga ang awkward sa mukha nilang dalawa. Wait, magkasintahan ba talaga sila? Bakit parang hindi naman sila sweet o kung ano pa man?

Pinilig ko nalang ang ulo ko sa mga bagay na gumugulo sa utak ko. Bakit ba ako nakikigulo sa kanila? Pinagmasdan ko nalang ang mukha ng lalaki. Napakunot noo ako nang matutukan ang mukha niya. Nanlaki ang mata ko sa napagtanto.

Bakit.. Bakit parang may kamukha siya? Bakit parang lahat nalang yata may kamukha? Si Kick, mukhang pamilyar sa akin. Si Hainee, na mukhang nakita ko na sa kung saan. At itong si..

"Uhmm.. Ano nga ulit pangalan mo?" Tanong ko sa boyfriend daw ni Hainee. Uminom naman siya ng tubig at ngumisi.

"You don't have to know." Sarkastikong ngiti nalang ang isinukli ko sa kaniya.

You don't have to know? Che, ngayon alam ko na kung bakit magkasintahan sila ni Hainee. Sabi kanina, it's for you to find out pero sinabi niya rin lang sa huli. Hays.. Ang gulo pala ng mga estudyante dito.

May inilapag na camera si Mr. You-don't-have-to-know sa lamesa. Kinabahan ako sa aking naiisip. Pinagmasdan ko pa ang mukha niya.

"Ahh.. I-ikaw?" Napaatras na ako kasabay ng pagbagsak ng upuan ko. Nagtaka naman si Hainee sa ipinakita ko at saka tumingin sa camera.

"H-hey!" Kinakabahang saad niya sabay hablot sa camera.

Napatayo ako sa gulat at pagkaka-disappoint. Bakit pati dito? Bakit pati dito, isa lang ang maaalala ko?

Hinablot ko na ang bag ko at tatalikuran na sana sila ng hilahin ako ni Hainee. Hinila niya ako palabas ng canteen. Wala akong pakealam sa nasayang na pagkain dahil libre niya naman iyon sa akin.

Isa lang ang gusto ko sa ngayon. Gusto kong pakalmahin ang sarili. Gusto ko nang maalala si Geon na hindi nasasaktan. Gusto kong makita siya na wala nang nararamdaman. Gusto kong kahit sandali lang ay makalimutan ko na siya.

Makalimutan? Isang tao lang ang pumasok sa isipan ko. Ang taong tutulong para makalimutan ko si Geon.

Pinigil ko sa paglalakad si Hainee. "K-kailangan kong hanapin si Kick."

Pumungay naman ang mukha niya pero umiling lang. "P-please Hainee.. Siya nalang ang natatanging taong makatutulong sa akin. Gusto ko nang takasan ang lahat! Kahit mukhang hindi kita kilala, alam ko at nararamdaman ko na kilala mo ako! May alam ka tungkol sa akin! At alam kong nagsisinungaling ka rin! Nagsisinungaling ka! Akala ko.. Paglipat ko dito, matatapos na eh! Hindi pa pala!"

"T-trina. Listen to me. Wala akong in—,"

"Not now, please." Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. "Si Kick. Siya lang ang gusto kong pagkatiwalaan. Siya.. Siya lang ang magpapasaya sa akin."

Lies Of Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon