Eight

10 2 0
                                    

Death

Trina's POV

"Kapatid ko si Tonette?" Tanong ko kay Mama nang magkasalubong kami sa hagdanan.

Nakita ko ang paglaki ng kan'yang mga mata na wari mo'y hindi makapaniwala.

"S-sinong nagsabi sa'yo?" Kinakabahang tanong ni Mama.

"Si Kuya po." Sinenyasan naman ako ni Mama na pumunta kami sa sofa para makapag-usap ng maayos.

"Gano'n ba? Sorry anak ha. Natatakot kasi kami sa magiging reaksyon mo." Aniya. Natawa naman ako. Bakit? Ano ba sa tingin nila ang magiging reaksyon ko?

"Hindi ka galit anak?" Gulat na gulat na tanong ni Mama. Napansin kong lumapit sa amin si Papa na nakabihis na pang-trabaho.

"Medyo lang. Kailan mo pa Ma, nalaman?" Tanong ko.

"Hindi pa lang matagal. Sorry anak." Umiiyak na naman na pahayag ni Mama. Lumapit nalang ako sa kan'ya at saka ako yumakap.

Tiningala ko naman si Papa na nakangiting nakatingin sa amin.

"Eh diba Papa, patay na 'yong ina ni Tonette.." Seryosong tumingin siya sa akin.  "Bakit hindi niyo nalang po siya kupkupin?"

"Anak, may asawa 'yong ina ni Tonette. Natatandaan mo, 'yong nagtutok sa'yo ng kutsilyo." Biglang bumalik sa aking alaalala 'yong gabing galit na galit ang akala kong tatay ni Tonette.

"Opo." Napatango nalang ako.

"Akala niya anak niya si Tonette at hanggang ngayon ay hindi niya parin matanggap na nagtugma ang DNA test namin ni Tonette." Ani Papa na malungkot na nakatingin sa akin.

"Ngayon mo lang nalaman Pa? Hindi mo nalaman na nabuntis mo noon ang nanay ni Tonette?" Namamangha kong tanong. Napatango-tango nalang si Papa habang pinipisil ang kamay ni Mama. Alam kong masakit sa parte ito ni Mama pero salamat at naiintindihan niya.

"May kinalaman po ba 'to sa pagkawala nila ni Geon?" Nananabik kong tanong habang parang pinipiga ang puso ko.

"Hindi ko alam ang parteng pagkawala ni Geon. Pero 'yong kay Tonette, palabas lang namin iyon para makuha siya sa tatay niya." Paliwanag ni Papa. Naguguluhan ang buong sistema ko kaya hindi ako makapagsalita.

"Sinasaktan lang ng lalaking iyon si Tonette kaya tinago namin siya." Singit naman ni Mama.

"Humihingi ako anak ng dispensa sa parteng nalagay ka sa peligro sa gabing 'yon." Dagdag naman ni Papa. Lumiwanag naman ang mukha ko at tumango.

"Salamat po Papa, Mama sa pagsabi ng totoo." Nakangiti kong iniwan muna sila para makapunta sa bilihan ng sapatos.

Balak ko ngayon bumili ng bagong school shoes para sa unang araw ko sa Lunes sa Werton University. Excited na ako eh.

Nakuha na ni Kuya ang scooter ko sa mall na hindi naman na nagtanong kung bakit nandoon lang iyon. Sumakay na ako sa scooter ko at tumungo na sa isang boutique ng mga sapatos.

Nang maiparada ko na ang sasakyan, biglang may tumawag sa akin. Nang lingunin ko ito, agad kumulo ang dugo ko.

"Uy.. Trina. What's up?" Suot-suot niya ngayon ang shades na binili niya nang magkasama kami.

"Eeh?" Nginitian ko siya ng peke bago ako tumalikod at pumasok sa boutique.

"Bakit ka nandito?" Pangungulit niya.

"Eh syempre bibili. Eh, ikaw? Bibili ka rin? Eh diba panbabaeng bilihan lang 'to? Ano, bibili ka para sa sarili mo o para sa mga girlfriends mo?" At saka ko siya iniwan sa labas.

Lies Of Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon