Seventeen (Special Chapter 2)

6 0 0
                                    

Another Special Chapter. This will reveal all the hidden lies about the identity of Geon, Trina, Zack and Tonette. This chapter will use Clara Pascua's POV.

Free

Clara Pascua's POV

"Good Morning Ma'am." Bati ko sa babaeng pumasok sa shop ko.

Hindi ako nakatingin sa babaeng pumasok sapagkat nasa labas ang paningin ko. Pinagmamasdan ko si Kick na sinusundan si Trina na galing palang sa tindahan dito.

Hindi ako makapaniwala na nakausap ko kanina ang anak ni Daniel. Ang tanging lalaking minahal ko. Ang tanging lalaking inalayan ko nang buhay.

"Uhmm.. Miss?" Nagulat naman ako nang kalabitin ako ng isang costumer.

"Ahh.. Sorry, ano 'yon?"

"Magkano ba 'to?" Tanong nito.

Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi ako mapakaling nakahiga sa kama ko. Paulit-ulit sa isipan ko si Kick at si Trina na nagkukulitan sa loob ng tindahan ko kanina. Mukhang may gusto si Kick kay Trina. Pero paano ito, ang alam ni Kick, magkapatid sila.

Nang sumunod na araw ay tumungo ako sa bahay nina Trina. Pinagbuksan ako nang pintuan nang ina nila.

"Sino po sila?" Magalang na tanong nito.

"Uhmm.. Clara Pascua po. Nandiyan ba si Mr. Daniel?" Pormal kong tanong.

"Ahh.. Opo, sige.. Pasok po kayo."

Mukhang nag-aalinlangan siya ngunit pinapasok parin niya ako.

Pumasok siya sa isang pintuan kaya sinundan ko lang siya. Napansin kong isa itong opisina at nakita ko na agad ang sadya ko na kalmadong nagbabasa ng mga dokumento sa lamesa niya.

"Uhmm.. Daniel.." Tawag ng asawa niya.

Umangat naman ang tingin ni Daniel sa asawa niya ngunit namataan niya agad na nandito lang ako sa loob ng kwartong ito.

"May bisita ka. Iwan ko muna kayo, ha? Kukuha lang ako ng inumin." Ani ni Vanessa, pangalan ng asawa ni Daniel.

"O sige."

Bumaling naman ang tingin niya sa akin. "Maupo ka."

Naupo ako sa upuang nasa harapan ng lamesa niya. Tinanggal niya ang salamin sa mga mata niya at inayos na muna ang mga papeles na nakapatong sa lamesa niya. Pinagsikop niya ang nga kamay niya at maiging tumingin sa akin.

"Clara.. Long time no see." Casual na saad niya.

"Daniel.. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." Seryoso kong saad. "Tama na ang pagpapanggap."

Sumidhi ang galit sa mukha niya at saka hindi na siya makatingin sa mga mata ko. "Clara.. Tapos na ang pangyayaring iyon. Maayos na ang buhay namin ngayon. Tumigil ka na, huwag ka nang makigulo."

"Ikaw ang tumigil, Daniel! Walang kasinungalingan na hindi nabubunyag! Isiwalat mo na! Bago pa maging huli ang lahat!"

"Matagal nang huli ang lahat Clara! Ngayon, maayos na. Maayos na ang sinimulan niyong trahedya noon!"

"Hindi! Hindi Paulo!"

Nang binaggit ko ang pangalang iyon ay ang kalabog niya sa kan'yang lamesa. Nagulantang ako sa tindi ng pagkakapukpok niya sa lamesa.

"Hindi ako si Paulo! Ako si Daniel!" Sigaw niya.

"Please.. Paulo. Matagal nang patay si Daniel Matagal nang patay ang kapatid mo."

Agad siyang tumayo at tinungo ang pintuan. Ni-lock niya ito. Sinuggod niya ako. Napatayo ako sa paghila niya sa akin. Mariin ang pagkakahawak niya sa magkabila kong braso.

Lies Of Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon