Nineteen

9 2 0
                                    

I'm Easy

Trina's POV

"Jeff ano ba?! Pakawalan mo ako!" Sigaw ko sa kaniya habang sinasakal niya ako sa gitna ng dilim.

"Hindi Trina. Tinalikuran mo ako! Pagkatapos kitang pag-aralin! Gaganituhin mo lang ako!" Sigaw niya.

"Jefferson! Hindi ko kasalanan! Binilog mo ang utak ko—,"

"Nagpabilog ka naman!" Sigaw niya habang mariin na hinahawakan ang leeg ko.

"H-hindi a-ako makah..hinga.. Ahh.."

"Trina? Trina? Wake up!" Nang maramdaman kong may tumapik sa akin ay napamulat ako ng mata.

"AAAHHH!" Napabangon ako nang biglaan habang hawak-hawak ang leeg kong kinakapos sa hininga.

"Trina? What's wrong?"

Napatingin ako kay Geon na may nag-aalalang mukha. Napahikbi ako habang inaabot ko siya para mayakap.

"Huhuhu.." Hindi ko mapigilang pag-iyak.

Hinagod-hagod naman ni Geon ang likod ko at hinalikan niya ang ulo ko. Hindi parin maalis sa utak ko ang naging panaginip ko. Ano ang ibig sabihin no'n? Ano nga kaya talaga ang reaksyon ni Jeff na hindi ako dumalo sa graduation kagabi? Ano kaya ang gagawin niya ngayong hindi ako nagpaalam sa kan'ya?

"G-geon, si Jeff." Pagsusumbong ko sa kan'ya.

"Hush, baby." Aniya habang pinupunasan ang pisngi ko. "I will take care of everything, okay?"

Tumango ako habang pinapatahan na ang aking sarili. Nang tumayo na si Geon ay pinagmasdan ko siyang kinuha ang kan'yang cellphone at mukhang may tinatawagan.

"Yes, this is Kick Pascua.. Alright.. I'll go there in a few hours.. I don't know.. Uhh.. Maybe?.. Okay, okay.. Goodbye."

Tinignan niya ko nang binaba niya ang tawag.

"Pupunta tayo ngayon sa bahay ng principal niyo. Kukunin natin ang certificates at medals mo na hindi mo nakuha kagabi." Aniya.

"Talaga?" Gulat kong tanong. "Wahh, thank you! Akala ko, 'di ko na makukuha 'yon."

"Oh.. Thanks to me, then?"

"Thank you." Malambing kong saad.

Natawa naman siya sa pagpapa-cute ko kaya mariin niyang kinurot ang dalawa kong pisngi.

"Aaa..aa..ray!"

Tumatawa naman siya na lumayo sa akin dahil handa na akong sipain siya papunta sa Mars. Tumayo ako at sinugod siya na ngiting-ngiti na tinitignan ako galing sa may pintuan nitong kwarto.

"Ya! Ang sakit no'n!" Nangangalaiti kong sigaw habang karga-karga ang pillow.

"Anong gagawin mo diyan?" Tanong niya na tinutukoy ang pillow na dala ko.

"Ipapalo sa'yo, ano pa?!" Sigaw ko.

Hindi siya gumalaw at kampante siyang naka-cross arms habang nakasandal sa may pintuan.

"Ipapalo mo sa akin? Ha! Then, 'di nalang tayo pupunta sa Principal para kunin 'yong medals at certifi—,"

"Naku, ito naman! Bibitbitin ko lang ito palabas. Ang sarap yakapin eh." Agaran kong saad habang binaba ang dala ko para kunyaring niyayakap ko nga ito.

Narinig ko naman ang hagalpak niya sa tawa. Napalunok nalang ako habang tinatago ang inis ko sa kan'ya. Naramdaman kong umakbay siya sa akin at marahan niya akong tinulak papunta sa banyo.

"Maligo ka na. Ang baho mo na."

Sinapak ko naman siya sa braso. "Kainis 'to. Parang ang bango-bango mo naman."

Lies Of Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon