One

29 6 0
                                    

Fight

Trina's POV

"I'm really sorry, Ly. Sorry. Sorry," paulit-ulit kong paghingi ng pasensya kay Lyka habang nandito kami sa kwarto ko para makapagbihis.

"That's alright, Trina. Alam ko namang masyado lang ocuupied ang utak mo. Don't worry, I'm not mad. Just a little bit.. disappointed. Hehe," at nag-peace sign pa siya sa akin.

Mas lalo akong nakonsensya. Bakit ba kasi ang ulyanin ko na eh? Una, 5th monthsary pala namin ni Geon, pangalawa, hindi ko naalalang pinapabihis pala ako ni Lyka at pangatlo, birthday pala ni Lyka ngayon.

"Dibale, babawi nalang ako next time, okay?" saad ko. Nakangiti naman siyang tumango-tango habang pinagmamasdan ang hawak niyang off-shoulder dress na kulay maroon.

"Don't tell me, susuotin ko 'yan?" gulat kong tanong. Pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko mula ulo hanggang talampakan bago nagtaas ng kaliwang kilay.

"Lyka, no. Kahit ito na lang oh," at ipinakita ko sa kan'ya ang paborito kong pantalon. Napa-buntong hininga naman siya na wari mo'y hindi makapaniwalang nasa kamay ko ngayon ang pantalon.

"Trina, it's my birthday. You should obey me, okay?" nakangisi niyang sabi. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Blackmailer!

"Okay, fine," natatawa kong sabi habang tinatanggap iyong dress. Sinenyasan ko siyang papasok muna ako sa banyo para makapagbihis.

Dali-dali kong isinuot iyong dress. Pagkalabas ko ay pinagmasdan ko agad ang itsura ko sa salamin. Hindi ko alam na masusuot ko rin pala ito. Hindi ko alam na sa huli, dito parin ang bagsak ko. Hindi ko alam na kung kailan tapos na kami, ngayon ko pa ito naisuot.

×Flashback

"Happy 1st monthsary, Geon!" Niyakap ko siya ng mahigpit na agad niya namang sinuklian. Wala akong narinig sa kan'ya kaya nama'y nagtaka ako. Deadma lang ang greetings ko eh.

"Hoy, wala bang Happy 1st Monthsary din?" tanong ko dito. Tulala siyang umiling na parang inosenteng bata. Huwag mong sabihing, di niya natatandaan na monthsary namin ngayon? Ugh, sakit naman!

"Nakakainis ka! Paepal mo rin eh no!" sigaw ko habang pinapalo siya sa braso. "Ayan oh, may regalo pa naman ako sa'yo! Kainis!"

Itinapon ko sa kan'ya ang naka-wrap kong regalo at inis na naglakad palayo. Hindi ba niya alam na halos hindi na ako makatulog kakaisip ng magandang gawin sa 1st monthsary namin? Tapos gano'n lang pala, hindi niya alam!

Balak ko sanang lingunin siya nang maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod. Natigilan ako sa paglalakad.

"It's been 5 minutes, 2 hours and 30 days since you said yes, baby girl. Happy monthsary, I love you," bulong niya sa akin. Naestatwa ako sa aking narinig. Wow! Just wow!

Pinipigilan kong ngumiti nang harapin ko siya.

"K. Fine. Whatever," masungit kong saad. Tatalikod na sana ako nang bumara siya sa daanan ko na naging dahilan para mabangga ako sa dibdib niya. Agad kong naamoy ang pabango niyang palaging hinahanap-hanap ng ilong ko.

"Ouch!" saad ko sa sakit na naramdaman ko sa aking ilong. Ang tigas naman kasi ng dibdib ng isang ito eh.

"Sorry, baby girl. Don't be mad. I was just trying to act like this day is not special. Gusto ko kasing makita kung ano ang magiging reaksyon mo. And boom, you're mad! So sorry," mahabang pahayag niya. Napatango-tango naman ako habang hinihimas ang ilong ko. Hinawakan niya bigla ang kamay ko para maalis ang pagkakahawak ko sa aking ilong at dahan-dahan niyang hinalikan ang tungki ng ilong ko.

Lies Of Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon