Three

17 3 0
                                    

Remove

Trina's POV

"Good morning class!" Napaayos ako ng upo ng dumating na si Sir Paul. Tinitigan ko siya at ngumiti siya sa akin. Tumango naman ako sa kan'ya. Naks, close na kami ni Sir.

Oo nga pala, nahanap ko na ang susi nitong classroom namin. Nasa loob lang pala ng banyo, eh. At dahil ayaw ko ng mangyari ulit ang nangyari kahapon, ibinigay ko nalang sa iba kong kaklase ang susi.

"I have a very important announcement to all of you, except this three students." At tumingin sa akin si Sir. Ano? Announcement? Except me? At sino pa 'yong dalawa? Natawa nalang ako.

Naramdaman kong siniko ako ni Harold na siyang katabi ko. Napansin niya yatang ako 'yong tinutukoy ni Sir.

"The students from Werton University will come here in Academy of Hervania." Napasinghap ako sa narinig kasabay ng pag-ingay ng paligid.

"Lahat po ba Sir ng estudyante?" Tanong nitong si Harold na halatang excited.

"Hahaha, not actually. Only three students." Maraming napasimangot sa sinabi ni Sir. "Dalawang naggwa-gwapuhang lalaki at isang nakapagandang babae."

Maraming naghigikhikan sa narinig. Mga tao nga naman.

"Tatlong estudyante ang mawawala sa loob nitong klase natin para maging exchange students sa Werton University for about 2 months." Pagpapaliwanang ni Sir. Tumingin ulit sa akin si Sir. Tumango-tango lang ako sa kan'ya.

"Magsisimula iyon sa Lunes." Lumakas ang ingay sa sinabi ni Sir. Kinabahan naman ako bigla.

"One of the three students is Trina Chris Martin." Napunta lahat ng tingin ng mga kaklase ko sa akin. Napatingin ako kay Lyka na natatawa na nalukungkot na ewan. Nilingon ko naman si Tonette na pagak na ngumiti sa akin. Hindi na ako nag-abalang tumingin kay Geon na katabi ngayon ni Tonette.

"Congrats Trina!"

"I'm proud of you!"

Nagpasalamat nalang ako sa mg kaklase kong mas excited pa sa akin. Pagkatapos ng klase ay tinanong ko si Sir kung sino ba 'yong dalawang tao na makakasama ko pa papunta sa WU.

"Secret." Natatawang saad ni Sir. "By the way, nakapirma na si Geon sa mga papeles mo. Pinapirma ko na. Hindi mo naman kasi sinabing break na kayo, eh." Napa-irap nalang ako sa kawalan at tinanggap ang perang galing sa school para makabili ako ng mga gamit sa paglipat ko sa Werton University. Pagkatapos ay tuluyan na akong lumabas sa room.

Sabay kaming pumasok ni Lyka sa mga susunod naming klase. Ngunit napaismid nalang ako nang maalalang hindi pala kami parehas ng susunod na subject.

"Diba, sa laboratory ka ngayon, Ly?" Tanong ko sa kan'ya. Tumango naman siya at sumulyap sa wrist watch niya.

"Ihahatid na muna kita." Pagpe-presinta niya. Pinigilan ko naman agad siya. Ang babaeng 'to talaga.

"No need Lyka. Para naman akong batang babantayan mo pa eh." Sagot ko.

"But—,"

"No buts. I can take care of myself, okay?" Napa-shrug nalang siya ng balikat at tumalikod na.

Umakyat na ako sa second floor para sa susunod naming klase nang may mabunggo ako.

"Harold? Okay ka lang?" Tanong ko sa kan'ya. Umiling nalang siya at nakayukong pinupulot ang salamin niyang nahulog at ang mga librong hawak-hawak niya.

"Bakit? Kapag ba sinabi kong okay ako, may gagawa ka?!" Nagulat naman ako sa bigla niyang pagsigaw sa akin.

"A-anong nangyari sa'yo?" Tanong ko nang mapansing umiiyak siya.

Lies Of Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon