16. In Another Life

4.9K 254 205
                                    

Alex came out of her trance slash nap when she heard the twins rush to the door. Napatayo naman sya agad para sundan ang kambal.

"Hey, hey, wait! Hoy kayong dalawa, anong ginagawa nyo dyan?" she shouted at hinabol yung mga bata.

"Mommy! Mommy!" sabay na sabi ng dalawa ng marinig yung pinto ng sinususi na from the other side.

Alex went down to their level at hinarapa sa kanya ang mukha ng dalawa, "Hindi ba't sinabi ko na sainyo na ako ang mommy nyo?" sabi ni Alex na pinanlakihan ng mata yung dalawa.

"Siwwy Ate!" sabi naman ni Keira na napatawa.

"No!" sabi naman ni Miya na pilit inaabot yung door knob ng pinto.

"Stand back muna, let mommy come through." sabi naman ni Karylle na naririnig yung kambal nya from the other side of the door.

"Mooooommyyy!" sabi ng dalawa ng makapasok na ang mommy nila.

"Alex, ba't hindi pa tulog tong mga to?"

"Natulog kaya kami..." sabi ni Alex na binuhat si Miya na kanina pa nya iniinis, whilst si Keira naman ay masayang masaya na nakayakap kay Karylle.

"You mean, ikaw?" natatawang sabi ni Karylle at napakamot ng makita yung kalat na mga laruan sa salas.

"Aba, ate boss, sila na ang nagkalat dyan." sabi ni Alex referring to the toys, "Lalo na tong tabachingching na to!" sabi ulit ni Alex at kiniliti sa kili-kili si Miya.

"No mommy, it wasn't me!" pag deny ni Miya at nagpababa kay Alex to hug her mommy's leg, "Kiya! Kiya did it." sabi nito at sabay turo sa kambal nya.

"I didn't do it, Mommy!" sabi naman ni Keira at umiling sabay yakap ulit sa leeg ng mommy nya.

"Was it Ate Alex?"

Nagtinginan ang dalawang bata at tumango, "Ate! Ate!" sabi nila at tinuro si Alex.

"Ay magaleng." sabi ni Alex na natawa na lang.

"Case closed then." sabi ni Karylle na natawa na lang din. Binaba nya na muna si Keira at hinalikan si Miya sa noo bago nag head papuntang kitchen.

Naiwan naman ang dalawang bata sa salas na nanood ulit ng TV whilst playng with their toys.

"Alam mo ate boss," sabi ni Alex na nakatayo sa may pinto ng kitchen, "Abogado ka nga, pero mukhang mahihirapan ka sa kambal mong yan. Ang bata pa lang, bongga na mambintang ha."

"They're only protecting themselves." sabi ni Karylle na kumuha ng makakain na prutas galing sa table.

"Nagluto si manang ng adobo dyan, ayaw mo ba?" sabi ni Alex ng makita yung kinakain ng ate boss nya.

"Hindi ako gutom." sabi ni Karylle na lumapit kay Alex at sabay ulit silang naglakad papuntang salas.

"Konti na lang talaga, magiging kasing sexy mo na rin ako." sabi ni Alex at kinurot sa tagiliran si Karylle.

"Baliw 'to!"

"Ate Boss, hindi na healthy yan ah. For sure di ka na naman kumain ng maayos."

Karylle rolled her eyes, "Sorry naman mommy."

"Aba isusumbong kita kay Ate!" sabi ni Alex na pinanlakihan si Karylle ng mata.

"Mas mapayat pa nga sa'kin si Tin!"

"Edi isusumbong kita kay Mama Amy." sabi naman ni Alex na pinanlakihan ulit ng mata si Karylle.

"Bukas, kakain na ako ng maayos." sabi ni Karylle  na medyo kinabahan na din sa threat na yun ni Alex. She knows her Mama Amy, baka umuwi pa ng Pilipinas ulit yun pag nalaman nitong may hindi sya ginagawang mabuti.

The President's Secret | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon