17. The Threats and the Truth

5.8K 311 308
                                    




"Ate Boss, I'm sorry for disrupting you like this, pero there's someone who wants to--"

"Just let me in already, ako na bahala." sabi nito and pushed Alex to the side at pumasok sa loob ng office ni Karylle.

Pinanlakihan naman ng mata ni Alex si Karylle to warn her bago binigyan ng ngiting peke yung bisita nila.

"Kuha ko lang kayo ng mainit na mainit na kape ah, ats. Bagay na ibuhos-este ihain sa bisita nyo yun eh." sabi ni Alex at lumabas ng office.

Karylle stood up from her seat to politely greet her visitor, pero the latter just gave her the signal to stay kung saan sya at umupo sa seat on the other side of the desk.

"I won't be staying long." sabi nito at tiningnan ng seryosong tingin si Karylle.

"What can I do for you, Madam First Lady?" tanong ni Karylle at napasandal sa inuupuan nya. She sort of have an idea what this visit could be about.

"Siguro naman alam mo kung bakit ako nandito diba?"

Karylle smirked, "Oh please, Madam First Lady... Please enlighten me."

"Oh come on now, Karylle dearest." sabi ni Angel at natawa sarcastically, "You really want me to say it out loud?"

"Pasensya na, Angel, do you mind if I call you Angel?"

"Call me whatever you want, since nakukuha mo naman lahat ng gusto mo eh. Including my husband, diba?" Angel gave her a lopsided fake smile and watched Karylle's reaction.

Karylle shook her head at natawa na lang sa pagka immature ni Angel, "Kasalanan ko bang ako pa rin ang mahal ng asawa mo?"

"You bitch." sabi ni Angel na napangiti at tinitigan ng madiin si Karylle.

Napatayo si Karylle sa upuan nya at lumakad papunta sa may pinto ng office nya.

"Kung nandito ka lang to insult me, please leave. Wala akong time para makipag bangayan ng ganito sa'yo ngayon." sabi ni Karylle na binuksan yung pinto ng office nya to show Angel the way out.

Sumunod naman si Angel kung nasaan si Karylle, when she was stood opposite Karylle, she grabbed the door and slammed it shut again.

Napa-roll eyes na lang si Karylle at bubuksan sana ulit ang pinto, but before she could, Angel grabbed her arm and gripped it tightly habang pinilit tingnan sa mga mata nito si Karylle.

"Bitiwan mo ko." sabi ni Karylle na seryosong tumitig pabalik kay Angel habang binabawi yung arm nya, "Nasasaktan ako, Angel." sabi nito at nag frown.

Angel didn't listen, she tightened the grip even more before threatening Karylle.

"Tigilan mo na ang asawa ko. Ang tagal tagal nyo ng tapos, pwede ba?!"

"Bakit ba hindi ang asawa mo ang kausapin mo tungkol sa bagay na yan?!" sagot naman ni Karylle.

Angel let go of Karylle's arm but maintained her death stare, "Hindi naman magloloko ang asawa ko kung hindi mo sya pinaglalaruan din diba?"

"Sigurado ka ba dyan?"

"You call yourself a respected lawyer, pero pumapatol ka sa may asawa?!" Angel faked a laugh, "Sa pamilyadong tao pa? Sa presidente pa ng bansa?" Angel stared at her from head to toe at ngumisi, "Iba ka rin eh, noh?"

"Tapos ka na ba?" tanong ni Karylle who managed to smile politely despite all the insults she got from Angel.

"Tigilan mo na ang asawa ko kung ayaw mong masira ang buhay at career mo. Alam mo kung sino ako, Karylle, I can ruin your life in a blink." pag t-threat ni Angel.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The President's Secret | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon