KABANATA 4

97K 1.7K 143
                                    

Jason's P.O.V.

Walanghiya. Ibang klase rin ang babaeng 'yun, ang taas masyado ng tingin sa sarili. Hindi ko naman talaga gustong laitin siya sa makeup niya na... bagay naman kasi sa kanya, at hindi naman talaga makapal. Pero napilitan akong punahin 'yun dahil wala akong ibang mahanap na kapintasan niya.

Maganda naman kasi talaga siya, matangkad at sexy. Ang kaso, ang mga babaeng ganun kagaganda ang mas madalas na madaling sulutin. At dahil alam niyang maganda siya, I am pretty sure, siya 'yung klase ng babaeng malingat ka lang, ay napalitan ka na.  No, thanks.  Hindi bale na lang.  Mas okey pa sa akin na magkanobya ng hindi kagandahan, basta't 'yun namang mapagkakatiwalaan.

Dun sa huling sinabi niya, natameme ako roon ah. Totoo kaya 'yun?  Totoo kayang puro lang ako mukha, pero wala akong sex appeal?  'Yun ba ang dahilan kung bakit parati akong nababasted? 'Yun kaya ang reason, kung bakit nasusulot ni Mike, at ng iba pang mga lalaki, ang lahat ng mga nililigawan  ko?

"Hoy, Jason!" Si Hector.  Mukhang napalalim yata ang iniisip ko. "Mukhang kinabog ka yata sa babaeng 'yun ah."  Tatawa-tawa siya.

"Nakita mo naman kung gaano kayabang ng babaeng 'yun." Nakasimangot kong sagot.

"Eh ang suplado mo rin kasi." Nakangiting sagot ni Hector. "Ang ganda-ganda nung babae, sinungitan mo lang.  Kung ako sa 'yo, popormahan ko na agad 'yun."

"Eh di pormahan mo, problema ba 'yun?"

"Eh mukhang ikaw ang gusto, sa 'yo natulala eh." Natatawa siya.

Sasagot pa sana ako nang...

"Hello, pwede bang magtanong?"

Tinig iyon ng isang babae mula sa aming likuran, magkasabay kaming napalingon ni Hector.

"Saan ba dito and  Arts and Sciences Building?"  dugtong niya.

Hindi namin alam kung anong nangyari sa amin ni Hector, pero pareho kaming natigilan sa kanya.  Natulala.  Ang ganda-ganda kasi niya, mestisahin, mamula-mula ang kanyang magkabilang pisngi at mga labi. Mahaba at itim na itim ang kanyang buhok, pero isa ang kapansin-pansin sa kanya... mukha siyang probinsyana sa suot at ayos niya.

"Ah, eh..." Nauutal at kakamot-kamot si Hector, habang halos magkasabay kaming humaharap sa kanya.

Napansin ko naman agad na sa akin siya nakakatitig.  Ang ganda niya talaga. Lalong mas naging maliwanag ang tingin ko sa kanya ngayong nakaharap na kami sa kanya.  Ang kinis at ang puti-puti ng kanyang balat, katamtaman lang ang kanyang taas—siguro mga 5'4", at kahit simple lang suot niya, nasasapawan ito ng ganda ng kanyang mukha.

"Lakarin mo lang ang direksyong 'yon," turo ko sa may gilid niya. Napatingin siya sa itinuro kong direksyon bago tumingin ulit sa akin. "At pagkatapos noon ay kumaliwa ka." Dugtong ko. "Lumakad ka lang ng kaunti, at makikita mo na 'yung sign ng building."

Ibang klase ang hagod ng mga mata niya sa akin, nakakatulala. Ramdam ko na kusang napanganga ang bibig ko.  Para akong nabibingi, para akong nahi-hypnotize. Kaya naman habang kontrolado ko pa ang aking katinuan ay ipinikit ko na ang aking mga mata, at saka inalog ang aking ulo.

Whew! Sa wakas, ay nadinig ko na, ang ingay ng kapaligiran.  Nagbalik na ako sa realidad. Ang hindi ko lang maipaliwanag ay kung ano 'yung nangyari sa akin. Sobrang ikinagulat ko ri  nang marealize ko sa pagmulat ko na nag-iisa na lang akong nakatayo.  Lumingon-lingon ako para hanapin si Hector at 'yung babae, pero wala na sila.

Saan kaya nagpunta ang mga 'yun?  At paano nila ako naiwan ditong mag-isa nang hindi ko man lang namamalayan?

"Jason."  Isa na namang tinig ng isang babae, mula sa aking likuran.  Lumingon ako.  Akala ko, 'yung magandang babaeng mestisa na, hindi pala...

Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon