KABANATA 24

68.8K 1.3K 117
                                    

Jason's P.O.V.

Three days after that night...

"Aaaaaaahhhhh!"

Malakas na hiyaw iyon na nagmumula sa kwarto ni Tristan, alas-tres ng madaling araw. Napabalikwas naman kami ni Helga at saka dali-daling lumabas ng kuwarto. Pagkalabas namin sa pintuan ay nakita naming

nagsisilabasan din sina Benj, Mitch, Art at Jon.

"Ano 'yun?" tanong ni Art na... Walastik! Kung kaming lahat ay medyo gulo-gulo ang buhok, ang sa kanya ay ayos na ayos pa rin.

"Tristan!" *TOK* *TOK* *TOK* "Tristan!" *TOK* *TOK* *TOK* pagtawag at pagkatok ni Benj.

Walang sumasagot

"Tristan!" *TOK* *TOK* *TOK* "Tristan!" *TOK* *TOK* *TOK* pag-ulit ni Benj.

Wala talaga.

Uulitin sana ni Benj nang hilahin siya ni Jon para siya naman ang...

"Tristan!" *TOK* *TOK* *TOK* "Tristan!" *TOK* *TOK* *TOK* "P—tang ina, lalabas ka ba o hindi!" iritableng bulalas niya.

Nagkatinginan na lang kaming lahat at napailing. Ibang klase talaga itong si Jon. Malupit!

Hindi pa rin sumagot si Tristan.

"Tristan!" sigaw ni Jon sabay kalabog na sa pinto. "P—tang ina, lalabas ka ba o wawasakin ko itong pinto?!"

"Wawasakin mo ang pinto?!" medyo nakasimangot na tanong ni Art kay Jon. "Hindi ba pwedeng kunin muna natin ang master key?" kalmadong niyang dugtong. Ibang klase, magkasalungat talaga ang pag-uugali ng mag-bestfriend na ito. "Hindi sa atin ang bahay na ito, tapos wawasakin mo?!"

"Eh nasaan ba kasi ang p—tang inang master key na 'yan?!" singhal agad ni Jon kay Art.

"Sandali po kukununin ko lang po, sinyorito!" iritableng sagot ni Art sabay alis para kunin ang master key. "Kung bakit naman kasi lahat ay idinadaan sa init ng ulo!" medyo pabulong na turan nito.

Nagkatinginan kami ni Benj habang pinipilit na huwag matawa. Paano naman kasi ay nakakatawa ang itsura ni Jon. Tayong-tayo ang buhok niya na parang troll. Medyo espunghado kasi ang buhok niya at mukhang kailangan na ng gupit. Samantalang 'yung kay Art ay plantsadong-plantsado na parang hindi galing sa pagkakahiga.

Ganito na kainit ang ulo ni Jon simula nang dumating siya galing sa pag-aasikaso ng itatayong negosyo nila ni Bernard. Pero mukhang hindi naman 'yon ang problema. Ang problema 'yata' niya ay nagkakalabuan na sila ni Ella.

Maya-maya ay namataan na namin si Art dala-dala ang isang bungkos na master keys na nakaipon sa iisang keychain.

"Tumabi ka nga riyan!" sabi nito kay Jon dahil nakaharang ito sa pinto. It was a shocker for us kaya nagkatinginan na naman kami ni Benj. Tumabi naman si Jon.

Pinipilit ko namang huwag tingnan si Jon dahil natatawa talaga ako sa hitsura niya. Mukha kasi siyang kinuryente. (Laugh trip!) I'm sorry, but that's the truth.

Maya-maya pa ay nabuksan na ni Art ang pinto ng kwarto ni Tristan. Nauna siyang sumulip.

"Tristan?" Madilim ang kuwarto kaya kinapa niya ang switch ng ilaw at binuhay iyon. Agad namang nagliwanag.

Sumugod naman agad si Jon sa loob. Medyo nasagi niya ang balikat ni Art kaya't kamuntik na itong mapasubsob.

"Ano ba?!" pabulong na singhal ni Art sa kagaslawan ni Jon. "Magdahan-dahan ka nga!"

"Eh ang bagal mo eh!" pabulong na singhal pabalik ni Jon kay Art. "Para kang si Kuya Cesar sa bagal!"

*THUG!*

Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]Where stories live. Discover now