KABANATA 43

57.4K 1.2K 90
                                    

Helga's P.O.V.

Ipapasa na sana kami ng mga higanteng impaktong iyon sa mga lumilipad na nilalang na wari ko'y siyang magbibitbit sa amin paitaas nang...

*KACHUG* *KACHUG* *KACHUG* *KACHUG*

Walang humpay ang hindi mabilang na pagdagsa ng mga pana na sumasapol naman sa

mga higanteng impakto at mga lumilipad na nilalang.

*GRRROOOWWWWWLLLL*

Sabay-sabay na daing iyon ng mga impaktong nabitawan na kami ni Jason dahil sa mga panang tumama sa kanila.

*IIiiiiioookkkkkkkk*

Daing iyon ng mga lumilipad na nilalang na isa-isa nang nagsipagtakas matapos silang tamaan din ng pana.

"Helga!" sabay hila sa akin ni Jason sa isang sulok ng aming tarangkahan at ikinulong ako sa kanyang mga bisig.

Hinanap namin ang pinanggagalingan ng mga pana at napansin namin na nanggagaling 'yon sa iba't ibang direksyon. Marami ang nagliligtas sa amin at sigurado kami roon. Kung sino-sino ang mga ito, iyon ang hindi namin alam.

*GRRRROOOOOWWWWLLL*

Ungol iyon ng apat na higante nang bitbitin sila ng apat na napakalaking nilalang na may pakpak na parang sa mga higanteng paniki. Maihahalintulad sa ibon ang kanilang mga mukha.

Tumigil ang pagdagsa ng mga pana nang mawala na ang mga impakto.

"Jason..." bulong ko kay Jason habang nanginginig na nakabaon ang mukha ko sa kanyang may dibdib.

"Bakit?" bulong niya pabalik habang lumilinga-linga sa paligid.

Inilapit ko ang bibig ko sa kanyang tenga at...

"Nagsinungaling ako."

Napatingin siya sa akin. "Nagsinungaling tungkol saan?"

"Nagsinungaling ako nang sinabi ko na hindi na kita mahal."

Nasilip kong ngumiti ang kanyang mga mata sa ilalim ng kanyang salamin.

"I know," sabi naman niya.

"How did you know?"

"I just...know." Hinalikan niya ako sa noo. "At kung talagang hindi man eh wala naman akong balak sumuko sa'yo. Kung kinakailangan kong manligaw ulit, liligawan kita uli."

"Talaga?"

"Oo, talaga."

"Talagang-talaga?"

"Ikaw lang ang kaya kong mahalin, Helga. Kaya...talagang-talaga!"

*TOK*

Kinatok ko ang noo niya.

"Oh, bakit?" habang hinahaplos niya ang kanyang noo.

"Sinungaling!"

"Bakit ako naging sinungaling?"

"Eh kung ako lang talaga, eh bakit nakikipaglandian ka sa bruhang Vanessa na 'yon kanina?"

"Ikaw naman... Alam ko naman na alam mong pinagseselos lang kita. Effective naman, hindi ba?!" sabay tawa.

Kinurot ko siya sa tagiliran kaya naman napaigtad siya sa sakit.

"Eherm...nakakaabala ba kami?"

Napaigtad kami nang magkakasabay nang gumulantang sa amin ang isang tropa ng Aswang, mga Maligno at Engkanto sa aming harapan. Mga nasa anyong naturalesa nila ang mga ito kaya naman halos mapaihi na ako sa aking salawal dahil sa sobrang kilabot.

Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon