KABANATA 13

85.5K 1.3K 103
                                    

Jason's P.O.V.

Hindi ko alam kung dahil lang ba sa ginagawa namin 'yun... pero grabe!  Grabe ang init ng katawan ni Helga.  I mean... literally.  Para siyang may lagnat.  Hindi nga ako makatagal na nakalapat ang dibdib ko sa kanya, dahil parang pakiramdam ko

ay maluluto ako sa sobrang init niya.

"Aray!"  Itinulak niya ako at pinaalis sa ibabaw niya, bago siya bumangon paupo sa gilid ng kama. Kapwa na kaming walang saplot.

"A-akala ko ba ito ang gusto mo?"

Natahimik siya at yumuko.

"Akala ko rin." At saka tumingin sa akin, at nag-umpisa ng umiyak. Noon na ako lumuhod sa harap niya para yakapin siya.  Niyakap naman niya ako pabalik. "Hiyang-hiya ako sa iyo, Jason. Dahil sa akin, napipilitan kang gawin ang ayaw mong gawin."

"Tahan na.  Gusto ko rin naman, Helga. Gusto ko rin kahit hindi pa ako handa." Pag-alo ko sa kanya.  Bumitaw ako ng yakap sa kanya, hinawakan ko ang kanyang mukha, at sandaling hinalikan ko siya sa kanang pisngi.

"Hindi ko maintindihan ang sarili ko, Jason.  Simula ng magtungo ako sa tiyahin ko sa San Isidro, nagkakaganito na ako paminsan-minsan"

"Anong ibig mong sabihin?"

"'Yung... nag-iinit ang katawan, 'yung init na parang may hinahanap ang aking katawan na hindi ko maintindihan kung ano. Tapos..."

"Tapos?"

"Tapos madalas kong mapanaginipan na..."

Tiningnan niya ako na parang nag-aalinlangan.

"Na?"

"May katalik akong isang malaking lalaking may pakpak! Mukha siyang taong may pakpak sa una, pero habang nagtatalik kami, ay nag-iiba ang anyo niya. Para siyang may mukha ng isang pusa o tigre o leon basta, parang ganun. Tapos..."

"Tapos?"

"Everytime na napapaniginipan ko 'yun, nagigising ako na basa na 'yung 'ano' ko..."

"'Yung ano?"

"'Yung 'ano' ko... alam mo na 'yun."  Inginunguso niya ang kaselanan niya. "Tapos parang umiinit na parang may lagnat ang katawan ko, tapos halos hindi ko mapigilan ang..."

"Ang?"

Naroon na naman ang pag-aalinlangan niya.

"Pagnanasa ko.  'Yung pagnanasang nakakabaliw, na parang nawawala ako sa sarili.  Na parang gusto kong makipagtalik na hindi ko maintindihan."

Tumayo ako.  Nakakatawa nga, na hindi na ako nahihiya kay Helga na maglakad sa kuwarto na walang saplot. Siguro ay dahil nakahubad din siya. Pakiramdam ko tuloy, kami si Eba at Adan na bumalik sa lupa.

Kinuha ko ang thermometer at BP kit ko, at saka muling lumuhod sa harapan niya.  Hinipo ko ang kanyang noo at leeg... ang init talaga niya. Kinuha ko ang thermometer, at inilagay iyon sandali sa kanyang bibig, at pagkatapos ay hinugot ko ito at tiningnan...

38°C... Pyrexia.  Nilalagnat nga siya.

"Anong nararamdaman mo?  Masakit ba ang ulo mo?" Sabay haplos ko sa kanang bahagi ng kanyang ulo.  Umiling siya.  Gamit ang kanang kamay, ay itinapat ko ang aking hinalalaki at hinlalatok  sa magkabilang tapat ng tonsils niya, wala naman akong nakapang inflammation pero tinanong ko pa rin. "Masakit ba ang lalamunan mo?"  Umiling siya ulit. "Hindi ka ba nahihirapang umihi?" Umiling ulit siya. Nagbabakasakali ako na baka may infection lang siya of some sort. "Nakakadumi ka ba regularly?"  Sumulyap siya sa akin at ngumiti ng bahagya.  Pero pagkatapos naman noon ay, tumango siya. "Nilalagnat ka, Helga.  Dumito ka na muna ulit sa akin para maalagaan kita."

Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon