KABANATA 14

89.9K 1.3K 74
                                    

Jason's P.O.V.

Sabado kinabukasan.  Walang pasok.  Pero nagising na lang ako na wala na si Helga sa tabi ko.  Tumingin ako sa alarm clock ko.  Alas-siete na.  Mukhang napasarap ang tulog ko ah!

Usually naman kasi ay maaga akong nagigising kahit Sabado.

Pero teka, nasaan si Helga?  Panaginip ko lang ba na kayakap ko siya sa pagtulog kagabi?  Inalog ko ang ulo ko. At sa paghinto ko ay natanaw ko ang pink purse ni Helga na nakapatong sa study table ko.

Oh well, that was a relief.  Mabuti naman at hindi pala ako nananaginip.  Narito nga si Helga.  Ang tanong ko lang ay, nasaan na ba siya?

Bumangon na ako at inayos ang kama ko tulad ng nakagawian ko.  Pagkatapos noon ay pumunta ako sa banyo, para naman magmumog at maghilamos.  Paglabas ko ng banyo ay siya namang namataan ko ring paglabas nina Benj, Art, Tristan at Jon sa kani-kanilang mga kuwarto.

"Ano 'yun?"  sabi ni Jon.  Sumisinghot-singhot siya sa paligid na parang may inaamoy.  "Ang bango ah!"

"Amoy bacon! Hmmm!"  sabi naman ni Benj. Sumisinghot-singhot din.

Napasinghot na rin ako.  Oo nga, ang bango.  Amoy bacon at aroma ng brewed coffee.  Nagkatinginan kaming lima, at saka sabay-sabay na nagpunta sa kusina.

"Good morning boys!"  Nakangiting bungad ni Helga.  Naka-apron siya at may hawak na mga tasang inilalapag niyang isa-isa sa island ng kusina. "Upo na kayo mga pogi at nang makapag-breakfast na!"

Para naman kaming natatameme habang dahan-dahang lumalapit sa kani-kanyang pwesto. Pinagmasdan naming lima ang mga nakahain. May hotdogs, eggs, bacon, french toasts, syrup, butter, peanut butter with grape jam at eto nga, isa-isa niyang sinasalinan ang mga tasa namin ng kapeng mula sa carafe ng coffeemaker. Ako ang huli niyang sinalinan sa aming lima, habang napapatunganga naman ako sa napakaganda niyang mukha.

Pagkatapos niyang salinan ang tasa ko ay sinalinan naman niya ang kanya.  At pagkatapos noon ay isinauli na niya ang carafe sa coffeemaker, nagtanggal ng apron, bumalik sa tabi ko at saka umupo.

Noon na ako napalingon sa mga kabarkada ko at bumungad na nga sa akin ang kanilang pang-asar na mga ngisi.  Hah!  At nakita kong ibinuka ni Jon ang kaniyang bibig at sinabing... 'Jackpot ka 'tol!'  na walang lumalabas na boses. Sinabayan pa niya ito ng ngisi at two thumbs-up.

"Wow! Ibang klase talaga kapag may babae sa bahay!" sabi ni Tristan habang nginunguya ang hotdog na kinagat niya.

"Mukhang sinuwerte kaming maigi sa pagtira mo dito Helga ah,"  sabi naman ni Art.  "Pero pakatandaan mo na hindi mo obligasyon na gawin ito."  Pangangaral niya. "At kayo,"  sabi niya sa amin. "Magpasalamat kayo kay Helga ngayon, pero bukas, balik ulit sa dati ha? Kanya-kanyang handa.  Hindi pwedeng abusuhin si Helga dito.  Pare-pareho lang naman tayong mga estudyante."

"Yes, Father!"  Panunukso ni Jon kay Art, sabay hagikhik.  Napahagikhik din naman sina Tristan at Benj.  Nakangiting umiiling lang naman si Art sa sinabi ni Jon.  Sanay na rin kasi siya sa pagiging mapang-alaska ng best friend niyang 'yun.

Lingid sa kanilang lahat ay hinawakan ko ang kaliwang kamay ni Helga na nakapatong sa kaliwang hita niya.  Nakaupo kasi siya sa bandang kanan ko. Sumulyap naman siya sa akin, ngumiti at kinindatan ako.

Argh!  Bakit ba kailangan niya pa akong kindatan?

Tiyak ko, namumula na naman ang mukha ko! Hanep naman kasi sa ganda ang babaeng ito.  Parang hindi na makatarungan. Tapos ganito pa siya kaasikaso, at kagaling makisama sa mga kaibigan ko. Lalo tuloy akong nai-in love.  Sino ba ang mag-aakakala na ang isang katulad ko, na parating naba-basted, eh magugustuhan ng ganitong kagandang babae?

Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon