KABANATA 20

85.8K 1.2K 186
                                    

Helga's P.O.V.

"Ano?!" Nakakunot na bulalas ni Mitch sa amin ni Jason. Medyo nasabi kasi namin ni Jason sa kanya—sa kanya lang naman, 'yung nadiskubre namin. "Ang taas pa naman ng pagtingin ko sa iyo

Jason, manyak ka rin naman pala." Humalakhak siya. "Kailan pa naging lunas ang sex sa lagnat? Magduduktor ka pa naman, hindi mo man lang ba pinainom muna ng Ibuprofen o sabihan man lang siya na magbabad na lang sa malamig na tubig?"

"Huwag mo ngang sisihin si Jason, Mitch!" Pagsabat ko. "Nasubukan ko na lahat 'yan bago pa kami nagkakilala ni Jason,pero hindi naman ako tinatalaban gamot. Nagbabad na rin ako noon, pero sinipon lang ako. Hmp."

"Ewan ko sa inyong dalawa!" Tatawa-tawang sagot niya. "But, I think that's the funniest excuse for having sex in my whole sexing career."

Ano raw? Sexing career? 'Yun ba ang career niya? Wow, bongga!

"Ewan ko rin sa 'yo!" Sabay irap ko. "Nakakapagsisi tuloy na sinabi pa namin sayo! Hmp." Humalukipkip ako habang tinitingnan ko siya nang matalim.

"Oy, oy, tigilan mo nga ako, Helga. Para binibiro ka lang eh. Eh kung 'yun ang madiskubre niyong gamot sa literal na pang-iinit mo, eh di go... go lang ng go! Pero alam mo? Malakas ang suspetsa ko na 'yan ang paraan ng panunukso sa iyo ng aswang na may gusto sa iyo. Ginagamitan ka niya ng mind control para mapanaginipan mo siya, at gustuhing makipagtalik sa kanya. Ang kaso, sorry na lang siya, iba ang nakikinabang eh!" Sabay hagalpak ng tawa na parang nang-iinis. Ang sarap tuloy batukan ng babaeng 'to. Kung hindi ko lang mahal ang new BFF ko na ito, eh baka siya na ang ipakilala ko sa aswang bilang proxy ko.

"Eh kung ipinapa-blind date kaya kita sa aswang, gusto mo?" Nakataas ang kilay ko sa kanya. "Tutal mahilig ka naman sa mahahaba at matitulis na... tongue!" At ako naman ang humagalpak ng tawa. Nakangiting iiling-iling naman si Jason. Si Mitch naman ay nginungusuan ako at pinama-maywangan. "At sa malalaki at matitigas na... U—ulo!" Sinadya kong humalakhak ulit na parang nang-aasar. Sinamaan naman niya ako ng tingin, sabay halukipkip at umirap. Mabuti nga sa iyo BFF, akala mo ikaw lang ang marunong mang-alaska ha? (Laugh trip!)

Hindi nagtagal ay dumating na si Benj para dagitin siya sa amin. Habang kami naman si Jason ay naghihintay pa ng ilang minuto dito sa kantina para sa susunod naming mga kani-kanyang klase.

"Susunduin kita after ng klase mo, Love. Huwag na huwag kang aalis ng wala ako." Mahinang bilin niya sa akin. Paranoid siya. Kaklase ko kasi si Manuel sa susunod kong subject. "Kung sakali mang ma-late ako ng kaunti... please, siguraduhin mo na dun ka sa labas ng classroom maghihintay, para naman nakikita ka ng mga tao. Ok?"

Tumango lang naman ako habang nakatulala sa napakaguwapo niyang mukha. Napangiti naman siya, at medyo namula, nang napansin niyang nakatitig lang ako sa kanya—habang nakapangalumbaba.

Busy ako ng pagpapantasya sa kanya ng gising nang may naaninag akong pamilyar na mukhang pumapasok sa pintuan ng kantina.

"Teka," sabi ko habang nanghahaba ang leeg ko sa pagtanaw sa pamilyar na taong iyon na nasa bandang likuran ni Jason. "Hindi ba si Alyssa 'yun?" Sabay nguso ko sa tinutukoy kong babae. Napalingon naman si Jason.

"Oo nga ano..." sabi naman niya habang halos mabakli ang leeg niya sa pagsipat. Napabalik naman ang tingin ni Jason sa akin nang biglang nakipagtitigan sa kanya si Alyssa na papaupo sa di kalayuang lamesang nakaharap sa akin. Dahil doon ay ako naman ang matalim na tumitig sa kanya.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.

She looks different. Parang iba ang dating niya sa pagpasok pa lang niya. Parang misteryosang ewan. From super kikay look niya noon, goth na ang itsura niya ngayon. Itim ang kanyang lipstick, itim din ang shade ng kanyang eyeliner at eyeshadow. May isang katutak na piercings siya sa magkabilang tenga, pati na rin sa kanyang ilong at lower lip.

Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]Where stories live. Discover now