Pins and Needles

2.6K 101 101
                                    

Written by: greenmeadow

Prompt by: Mizujin

-

🎼🎶 Ikaw ang pag-ibig na hinintay, puso ay nalumbay ng kay tagal, ngunit ngayo'y nandito na ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay, sa akin ng may kapal, biyaya ka sa buhay ko, ligaya't pag-ibig ko'y ikaw....🎼🎶

'Ate May, punta ka daw sa room 506 sabi ni boss, may problema ata.' biglang putol ni Yong sa kanta session ko habang naglalaba. Isa siya sa mga kasamahan ko dito sa CORNER Hotel na pinagtatrabahuan ko.


'Hala, paano 'to ang dami pang labahin?' patanong kong sagot sa kanya.


'Ako na lang diyan. Punta ka na do'n parang galit si bossing.'


Pagdating ko sa room 506....


Knock. Knock. Knock.


'Pasok.' parang may pagdiin na sambit ni Boss Tanner.


On his cue, binuksan ko agad ang pinto. AT... juskolord!!!!! Hindi ko nakayanan ang nakita ko, kaya sinara ko ito ulit.


Isang babaeng nakatayo na naka-bra at panty lang at.. at.... at isang lalaking naka-brief lamang... I repeat, BRIEF ONLY. Hindi boxer shorts, mas lalong hindi shorts... Holy Dism!!!

Kahit na nakayuko ang ulo nito habang ang mga kamay ay sinusundot-sundot ang kanang paa na nakapatong sa kaliwang binti .... Shit!!! Hindi naligtaan ng mga mata ko ang mala-adonis niyang katawan.


I shook my head swiftly a couple of times to erase the scene in my memory but it didn't help a little.


'Maymay pasok ka.' ayun... boses ulit ni Boss.


Papasok ba ako o hindi? Sa totoo lang virgin pa talaga ang mga mata ko. Ngayon lang ako nakakita ng halos hubad na katawan.


'Maymay, papasok ka? o sisantihin kita?' si boss ulit.


Walang magawa si ako. Bahala na. Pwede naman sigurong hindi tingnan si adonis.


Slowly, I opened the door.


A furious Tanner met my gaze. My fidgeting ignited. Not because of the presence of an almost naked man inside the room but the fact that I'll become jobless in no time. Apparently, I knew the reason behind the scene in front of me as boss Tanner showed me a couple of pins. Yes, a couple of pins. I remembered it so well... the pins.


Who would have thought it would end up like this?


I took a glimpse at the girl. She was furious as hell too. Pero napuna ko rin ang katawan niyang nakabalandra lang. Hmmn, sexy rin. Pero mas sexy ata ako. Hahaha! Una-unahan lang naman iyan. Sa isip ko lang naman kaya pagbigyan niyo na ako. Hahaha.


Wait... tingnan ko ba si Adonis? Huwag na. Baka magkamali pa ng galaw ang eyeball ko, himatayin pa ako.


'Ano 'to?' tanong sa akin ni Boss.


'A-a- aspile po sir.' pag-aalinlangan kong sagot sa kanya.


'At bakit ito napunta sa kama?' tadtarin ata ako ng tanong nito.


'Fire her.' sigaw ni babaeng malandi. Hindi man lang nag-abalang takpan ng kumot ang katawan. Buti sana kung si adonis lang ang nasa harap niya, andito kaya kami ni boss.


'Sir, hmmmmnnn, hindi na kasi kumapit ang garter ng bedsheet kaya nilagyan ko na lang ang dalawang dulo ng aspile.' ang kaba sa dibdib ko ay hindi nawawala.

MES: TwentyWhere stories live. Discover now