All I Ask

2.4K 110 123
                                    

Written by: itsmealyg_

Prompt by: RedbutterflyJasmine

-

"We're getting married!"

Halos mahulog ako sa upuan ko ng biglang pumasok si Louise sa opisina ko. Nasa kalagitnaan ako ng brain storming para sa isang mahalagang client ng bigla siyang sumulpot sa harapan ko at winasiwas ang kamay niya. Una kong napansin ang isang napaka gandang engagement ring sa daliri niya.

"What?!"

"Sabi ko, we're getting married! Ate May! Me and Edward are getting married!"

Hinila niya ako patayo sa swiveling chair ko at niyakap ng sobrang higpit. Hanggang ngayon hindi padin ma-absorb ng boong pagkatao ko ang sinabi niya.

Si Edward at si Louise, ikakasal na?

"Ano Ate May, bakit parang di ka masaya?"

"Ah-eh, ano ka ba! Masaya ako no! Nagulat lang ako! Congratulations Lou!"

Niyakap niya akong muli at yumakap nadin ako pabalik. I should be happy right? I should be happy for my best friend.

Louise became my best friend since third year college. Nagkakilala kami sa isang org at nag click instantly ang loob namin sa isa't isa. We treat each other as siblings kaya naman ngayon na ganito ang nararamdaman ko pakiramdam ko ang sama sama kong tao.

"At dahil ikaw ang best friend ko, tutulungan mo ako sa pag a-arrange ng wedding ko okay?"

"Ha?"

Sumimangot si Louise at pinamewangan ako.

"Ate May, ayos ka lang ba? Bakit parang lutang ka? May poblema ba? May sakit ka ba?"

Kumurap kurap ako at napalunok ng laway. How could I act happy sa mga naririnig ko when I know deep in side myself that I shouldn't be happy.

"Hi-hindi, sobrang focus lang sa work kaya medyo mahina ang sagap ko. Hehe." Pabiro kong sabi.

Louise sigh, "Puro ka nalang trabaho! Puro ka nalang trabaho! Wala ka na ngang oras sa amin, wala ka naring oras para kay Gabriel!"

"Uy hindi ah." Dipensa ko naman. Tinignan lamang niya ako na para bang nagdududa ngunit ngumiti din siya pag katapos.

"Basta Ate May, tulungan mo ako ha. Alam mo kung gano ko kamahal si Edward diba? He is my life at yung araw ng kasal namin yun ang pinaka mahalagang araw sa buhay ko."

Wala nalang akong nagawa kundi tumango sa sinasabi ni Louise. Pasok sa tenga labas sa kabila. I don't want to hear it anymore.

"Kasal agad? Bakit biglaan?"

Ngumiti ng malapad si Louise, "You'll know soon."

Ikakasal na siya, ikakasal na talaga siya.

Why life needs to be cruel on me? Bakit yung ka isa-isang taong mahal ko, bakit ikakasal na sa best friend ko?

Sumaglit lang si Louise dito sa office para ibalita ang kasal nila at pagkalabas na pagkalabas niya ay hindi ko na talaga napigilan ang pag iyak. Bakit ganun? Bakit siya pa? Bakit sila pa? Pinunasan ko ang luha ko na walang humpay sa pag agos. Ang sakit sakit!

"Love?"

Nabigla ako ng biglang pumasok si Gabriel at humangos sa tabi ko.

"Love why are you crying? Anong nangyari?"

Umiling ako ngunit patuloy padin ako sa pag iyak. Niyakap na ako ni Gab. Bakas sa muka niya ang pag aalala.

"Shh... Love, stop crying. I'm here okay? Ano bang nangyari?"

MES: TwentyWhere stories live. Discover now