In God's Will

1.8K 94 25
                                    

Written by: Missblackskull

Prompt by: maywardism

-

Malamig na hangin ang dumampi sa aking katawan habang tinatahak ko ang daan patungo sa kawalan. Iniwan niya ako, iniwan niya akong ganito, ni hindi ko alam kung saan ako tutungo.

Wala akong mapag-sabihan ng aking mga hinaing at ng mga pighating nagpapasakit sa aking puso kaya mas pinili kong makalimot at lumayo na muna bitbit ang pag-asa'ng darating din ang panahong makakalimutan ko siya at ang aming mga ala-ala.

"Bushaks!!" napasigaw ako dahil sa pag kakatilapon ng aking camera sa sahig. Mahal 'to at talagang iniingatan ko! Nakakaiyak bai! May isang walang modong bumangga sa akin ng kanyang bisekleta habang ako ay kumukuha ng litrato. Nakakaloka! naiiyak talaga ako.

"Oh my Ghad!!" Napasigaw ako hawak hawak ang mga piraso ng aking camera'ng nag kawasak wasak sa daan. "Bwisit ka!" sabi ko habang pinupulot ko ang mga ito.

"Are you okay, Miss?" napalingon ako sa isang anghel "Sorry, It was an accident!" hindi pala siya anghel, tao siya at siya ang sumira ng camera ko!

"Walang hiya ka! Tingnan mo ang ginawa mo! Durog na nga ang puso ko pati ba naman ang camera ko! Walanghiyang buhay to oh!" napasigaw na ako sakanya habang bahagyang sinusugod siya ng mahihinang hampas.

"W-wait Miss.. what? huh? Sorry but I only understand the word camera and I'm sorry if you're too frustrated about it but you actually don't need to cause a scandal over a camera! And, please stop talking alien words you are not in your country!" sabi niya at may paismid pa! Aba!

Nakalimutan ko andito pala ako sa City of Love, Paris. Akala ko pelepens kaya binato ko ng tagalog words ang isang 'to. Nakaramdam ako ng hiya pero nangingibabaw parin ang inis ko.

"I don't care! My camera, It's something special, an important person gave that to me! And that's expensive! And, you don't call me Alien ha, baka ikaw ang alien!" Pagsigaw ko, imbyerna!

"I'll pay for that stupid camera just stop making a scene here!" sabay hila niya sa akin, ang lakas niya!

"Gwapo sana kaso malaki na nga ang mata malapad pa ang noo at sobrang sama pa ng ugali! Nasabihan ko pa siya ng anghel kanina! yuck ew ew ew!" Sabi ko pero mahina lang naman

"Give me your camera!" sabi niya at talagang pahablot pa "Stop murmuring by yourself because you're sounding like you're having rituals against me!" umismid siya, ang yabang yabang men!

"The lens are all broken, we have to buy a new set of these, the problem is we have to order it abroad and it'll take about a week or so.." sabi nung may-ari at napasapo na ako sa noo ko.

"Bushaks! Pag minamalas ka nga naman oh!" Nakakainis talaga!

"Any decision you have in mind?" tanong niya at talagang parang siya pa itong iritable.

"Ewan ko sayo! I am a tourist here, I need to enjoy my vacation, camera is life! you know what I'm mean, men?!" Nababadtrip ako eh.

"How long are you staying here?" tanong niya

"Until friday, I only have 5 days left" sabay cross-arms ko "I can't wait any longer! I have work in the Philippines! I cannot extend my stay!" sabi ko

"Who says you're extending your stay?" sabay ismid niya "I'm staying here until the next week, I can wait until your camera is fixed then maybe I can send it to wherever planet you belong!" ang bilis niya magsalita.

"You mean? ikaw na maghihintay sa came-- I mean, okay!" napabuntong hininga ako, nakaramdam ako bigla ng hiya sa english ko pero 'di bale na, keri ko 'to. "But, what about my trip? I need a camera for my travel, you know memories of happy, happy!" bahagyang napapasayaw pa ako.

MES: TwentyWhere stories live. Discover now