Kabanata f(x - 6)

801K 20.4K 15.4K
                                    


[Kabanata 6]

"Sitting by the window
Singing songs of love
Wishing you were here
Because the memory's not enough"

-A1 (Walking in the rain)



Isinara ko na ang librong hawak ko at napatanaw na ako sa bintana ng bus. Alas-sais na ng gabi ngayon, nasa Imus na kami, hindi naman makausad ang bus na sinasakyan ko dahil sa traffic, umuulan pa rin ngayon at napatitig na lang ako sa pagdaloy ng tubig ulan sa bintana.

Natanaw ko ang repleksyon ko sa salamin at hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako kanina pa. hindi pa rin kasi mawala sa isipan ko yung na-stranded kami ni Sir Nathan sa waiting shed kanina. Napasulyap ako sa itim na payong niya na hawak ko ngayon. Hindi naman niya kailangang ipahiram ang gamit niya sa isang stranger na estudyante na tulad ko pero ginawa niya pa rin.



"Saan ka ba umuuwi? Nag-aabang ako ng taxi, sabay ka na" tugon ni Sir Nathan dahilan para mapatingin ako sa kaniya, kakalagay ko pa lang nung libro sa bag ko. At nagsimula na ring maglakad ang mga tao dahil tumila na ang ulan at mahinang ambon na lamang ang bumabagsak ngayon mula sa kalangitan.

Shocks! Parang ganito yung mga modus ng sindikato na napanood ko sa movie na Taken starring Liam Neeson. May poging kumausap sa anak niya tapos nakisabay sa taxi nila at nung nalaman na nung poging guy kung saang hotel tutuloy yung anak ni Liam Neeson sa movie, na-kidnap sila!

Gosh! hindi kaya isang sindikato rin to si Sir Nathan? Ang weird niya kasi, bakit ang bait-bait niya? Hindi dapat ako papadala sa looks niya, baka may masama pang mangyare sa'ken----

"S-sa Makati po" pagsisinunggaling ko, tama! Hindi mo dapat ibibigay ang real address mo sa isang stranger. Kahit pa teacher ko siya, bago pa lang siya sa school dahilan para hindi pa maghinala ang mga tao sa kaniya... pwes! Naiiba ako, nararamdaman kong miyembro siya ng sindikato.

Napatingin naman ako kay Sir Nathan na tumango lang habang ang mga kamay niya ay nakasuksok pa rin sa kaniyang bulsa. "Magkaiba pala tayo ng daan, isasabay na lang sana kita sa taxi" sagot niya, at napangiti siya nga kaunti, yung ngiting hindi lumalabas ang ngipin.

Magsasalita na sana ako kaso nagsalita ulit siya "Ayaw kasi umandar ng kotse ko, kanina pa ako naghihintay ng taxi dito at dito na rin ako inabutan ng ulan" patuloy niya pa. Aha! Bakit nag-eexplain siya? hindi ko naman tinatanong ah! may nabasa ako na kapag very detailed ang kwento at sinasabi ng kausap mo ang mga bagay na hindi mo naman tinatanong... ibig sabihin daw gusto ka nitong paniwalain sa mga sinasabi niya.

"Ahh... G-ganun po ba" iyon na lang ang nasagot ko. Gosh! bakit kinakabahan ako? dahil ba sa presence niya? o dahil feeling ko sindikato siya?!

Napansin ko na tumatayo ang mga balahibo ko sa braso kaya agad kong hinimas-himas ang braso ko. "Nilalamig ka ba? Bakit kasi lumusong ka sa ulan?" nagtatakang tanong pa ni Sir Nathan pero medyo natatawa siya. pinagtatawanan niya siguro ang itsura ko ngayon. Teka nga! Ano bang itsura ko ngayon? Waahhh!


At bakit ba kinakausap niya ko? feeling close ah.


"W-wala lang po... trip ko lang" sagot ko, Shems! Ano bang klaseng palusot yan Aleeza! Nakita kong medyo nagtaka naman yung itsura ni Sir Nathan pero may bahid ng tawa. "Really? Ngayon lang ako naka-encounter ng taong trip lang magpabasa sa ulan" tugon niya pa at medyo natawa siya pero pinipigilan niya.

Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon